•Chapter Eighteen•

113 9 2
                                    

"Ano na kaya ang nangyari sa dalawa?  Parang ang tagal naman nila." Ani Finn sa sarili. Na su-suffocate siya sa loob ng kotse kaya napagpasyahan niyang lumabas.

Nang lalabas na siya ay biglang napalibutan siya ng mga lalakeng may dalang baril kaya nilock niya agad ang kotse.

"Labas!" Sigaw nung isa.

"Ano'ng---"

"Hindi ka lalabas?! Isa! Dalawa!"

(Waaaaah! Klay tulong!!!)

"Tatlo!"

Sfx: bang bang bang!

"Aaaaah!!!"

"Labas sabi!" Sa takot sinunod nalang niya ang gusto ng mga ito at lumabas ng kotse.

"Kuya naman eh! Ano ba 'to? Ano bang kasalanan ko?!" Pabiro niyang sabi ng makalabas. Ganun siya pag natatakot ee.

Natigilan naman yung mga lalake pagkalabas niya. May isa pang sumipol.

(Ew lang kuya ha? Manyak! Klay asan kana ba balik kanaaaaa~)

"Mukhang tiba tiba tayo dito pre, ang ganda oh." hinagod nung isa ang kabuuan niya kaya nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Waah~ manyak ngaaaa!

"Hehe... Sinabi mo pa." Anang isa na binasa pa ang mga labi. "Hala sige, dalhin na yan!"

"T-Teka! Saan niyo 'ko dadalhin! Aray! Ano baaa?!" Hinawakan siya sa magkabilang braso kaya kahit nagpupimiglas siya ay di niya magawang makatakas. "Tulong!!!!"

"Wag ka ngang maingay!! Baka mapatay kita!!"

(Klay! (TT) Mamamatay na yata ako rito... Isinama mo nalang sana akooo.)

Kahit walang laban ay nagpumiglas parin siya but someone covers her nose with a handkerchief kaya nahilo siya at unti unti nang nawalan ng malay.


(Spencer...)

~~~

"Hello Boss, opo hawak na namin siya....Ewan boss, hindi naman na kami sinundan....okay po. Opo pagkatapos naming pagsawaan, papatayin na namin 'to.....hahahaahah makaka asa kayo Boss Elaine..."

Elaine? Elaine? Siya ang may pakana nito? Gising na ang diwa ni Finn pero hindi pa siya nagmulat ng mata. Parang binibiyak ang ulo niya sa sakit dahil iyon sa pampatulog na pinasinghot kanina sa kanya.

(At hindi raw sumunod si Klay? Ugh~  mukhang kailangan kong magsikap mag isa makatakas rito.)

She tried to open her eyes at isang nakakabulag na ilaw ang sumalubong sa mga mata niya. Nagpalinga linga siya at nalaman niyang nasa isang bodega sila.

(Hmm.. typical venue para sa mga biktima ng gang. Bigla bigla yatang naging dramatic ang  buhay ko ah. Tss. Very movie type, at mukhang makaluma ang style. May gumagamit pa ba ng panyo pampatulog ngayon? Aish! Kailangan kong mag isip.)


Doon niya lang napagtanto na nakagapos ang mga kamay at paa niya sa inuupuang silya.

"Ugh~ ang sakit.."

"Oy mga kuys, gising na ang ulam natin oh."

"Well well well... Mabuti naman at nagising kana, dalawang oras kang tulog huh?" Sabi nung lalake na sa tingin niya ay leader nila.

(Wala sa awra nila ang nakakatakot. I have to take chances, kailangan ko'ng makatakas rito. Sana lang mga bobo ang mga 'to. Aist~)

CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon