Kabanata 22

303 12 0
                                    

Kabanata 22

Trust

Nakaupo ako sa purong puting buhangin habang nakatanaw sa asul na asul na dagat. Sandali akong pumikit upang namnamin ang sariwang hangin na humahampas sa aking mukha.

Pinasadahan ko ang aking magulong buhok na gawa ng hangin.

Ngunit nabigla ako nang pagkamulat na pagkamulat ko ay nagkaroon ng tao ang dagat na kani-kanina lamang ay walang tao.

"Halika langoy tayo!" sigaw ng isang batang babae na ngayon ay nagtatatakbo na patungong dagat.

"Huwag na! Nasa malayo sina Nanay! Baka pagalitan tayo!"

Ang boses na iyon... parang pamilyar sa aking pandinig.

"Bahala ka! Basta ako, maglalangoy ako dito." nagsimula nang maglakad ang nagpupumilit na bata patungo sa may kailalimang bahagi ng dagat.

"Mamaya na! 'Pagka-baba nina Nanay sa bangka. Dadating din yun mamaya!" pamimilit nito sa kasama.

"Mamaya pa! Bahala ka!" ismid nito sa batang ngayon ay katabi ko.

Umupo ang bata sa tabi ko na para bang wala ako sa kaniyang tabi.

"Huwag kang lalayo Owi ha! Baka pagalitan ako ni Nanay kapag nalaman niyang pinagayan kitang mag-langoy sa malayo!" muling sigaw ng aking katabi.

I want to talk to her ngunit kahit anong bukas ng aking bibig ay walang lumalabas na tunog o tinig.

Muli kong ibinalik ang tingin sa babaeng nagpumilit na maglangoy, nang makitang sayang-saya itong naglalangoy ay napangiti ako. Nang muli kong silipin ang aking katabi... nangingiti rin siya.

Nakarinig ako ng papalapit na bangka at hindi ako maaaring magkamali. Ang bangkang iyon ay ang tinutukoy ng babaeng katabi ko.

Masaya kong pinanood ang bangkang unti-unti nang lumalapit sa gawi ng batang naglalangoy. Sa bangkang iyon ay nakasakay iyong tatlong lalaki at si... Nanay.

"Owi! Owi! Huwag kang lumapit! Owi!"

Napatayo ako at gulat na gulat na tinanaw ang babaeng ngayon ay papalapit na sa bangka. Masiyado siyang maliit upang maabot ang lupa sa ilalim. Kung marunong man siyang lumangoy ay baka mabangga siya ng papalapit na bangka!

"Owi! Huwag diyan!" ngayon ay rinig ko na ang malakas na iyak ng bata sa aking tabi.

Gusto kong lumapit at higitin ang batang ngayon ay lumalapit sa bangkang paparating ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa.

"Owi!" bahagya itong lumusong sa dagat.

Nakita ko na ang pagkakalunod ng bata. Pakaway-kaway ito na para bang sa paraan niyon doon ay may tumulong sa kaniya.

Tumalon si Nanay mula sa bangka na ngayon ay nakatigil na at sinagip ang batang babae. Ang mukha ng babae ay hindi na ngayon mukha ni Nanay! Mukha na iyon ng isang hindi kilalang matanda!

Habang papalangoy ang matandang babae sa bata ay nakita ko ang unti-unting paglubong ng bangka. Kitang kita ko mula rito ang iyak ng tatlong lalaki. Awang-awa ako. Gustong gusto kong lapitan sila at tulungan ngunit gaya ng babaeng nasa mababaw ng bahagi ng dagat... naduduwag ako. At hindi lang iyon... hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko.

Parang may dumaan na kung ano. At nakita ko nalang silang unti-unti nang hindi gumagalaw. Malabo man ang aking mata gawa ng luha... malinaw na malinaw ko pa ring nakikita ang unti-unting pag-lubog nila.

Pilit akong nag-sisigaw, "Tulong! Tulong!" gaya ng babaeng nasa mababaw na bahagi ng dagat. Pareho kaming sumisigaw. Ngunit walang nakakarinig. Inuli ko ang buong lugar, walang katao-tao.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon