Ang pinakamahirap sa buhay estudyante kapag ikaw ay bata pa ay ang paggising araw-araw sa umaga para maghanda sa pagpasok sa iskwela.
Araw-araw eh maririnig ko ang boses ng nanay ko: "Jay!! Gising na!! Me pasok ka pahhh!!!"
"5 minutes pa, Ma..."
"Kaninah pah 5 minutes nohhh... Gising nah!!!"
Araw-araw, eh pare-pareho ang eksena sa bahay namin kapag may pasok sa iskwela. Maririnig ang boses ng nanay ko, gigising ako, maliligo, kakain ng almusal, at maghihintay sa pagbusina ng school service namin. Isang beses, pagkatapos kong kumain ng almusal at habang naghihintay ng school service namin ay nagbasa ako ng dyaryo. Una kong binabasa sa diyaryo ay ang ang Obituary section. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto kong basahin ang mga pangalan dito at nagbabakasaling may kakilala ako. Bakit kaya hindi nila gawing alphabetical order ang mga pangalan dito para hindi na mahirapan ang mga nagbabasa sa paghanap ng mga pangalan. Buti na lang at hindi ko pa nababasa ang pangalan ng lolo ni Bhoy Liit.
Gustong gusto ko ding tingnan ang mga "Slimming" ads na may mga testimonials ng mga tao na dati ay 200 pounds pero ngayon eh 120 pounds na lang. Meron pa silang "before" (nung mataba at pangit pa sila) and "after" (ngayong maganda at sexy na sila) pictures. Tuwang tuwa ako sa itsura ng isang tao sa ad na iyon. Yung "before" picture niya eh mataba at malaki ang boobs niya. Yung "after" picture niya eh pumayat at lumiit ang boobs niya. Sayang at mas maganda siya nung malaki ang boobs niya, ngayon ay parang hopia na lang yung sa kaniya.
Naka-feature din pala ang varsity basketball players sa Saturday Spe- cial nila. Teka! Saturday?? Sabado pala ngayon?! Wala pala kaming pasok ah! Bakit kaya ako ginising ng ganito kaaga ng nanay ko? Baka mamasyal kami? Pupunta ng Ever G? Mega? Shang? Eastwood? Greenbelt? Rockwell? Masyado pang maaga, sarado pa ang mga yun. Tagaytay! Pupunta kami ng Tagaytay! I'm so excited.
Jay: "Ma! It's Saturday! Walang pasok. Bakit mo ko ginising?"
Mama: "Ay oo nga no Saturday pala ngayon, sorry anak ha, matulog ka na lang ulit."
Yan ang nanay ko. Marunong mag-sorry kung alam niyang mali siya. Minsan, kinamusta ng nanay ko ang aking pag-aaral.
Mama: "Kamusta ang school mo? Okey ka naman ba?"
Jay: "Wala pong alam yung teacher namin. Walang ginawa kundi magtanong lang ng magtanong. Czechoslovakia lang di pa alam ang ispeling, kaya yun sinabi ko na lang na hindi pa tayo nakakarating doon at wala tayong balak pumunta doon.
Natatandaan ko din nung tinanong ako ng nanay ko tungkol sa ex- ams namin.
Mama: "O Jeremiah, kamusta ang exams n'yo, madali lang ba?"
Jay: "Madali lang po yung mga questions. Mahirap po yung mga sagot."
Nung isang beses naman nagsumbong ako sa nanay ko tungkol sa titser ko.
Jay: "Ma, pinagalitan po ako ng titser ko kahit wala naman akong ginawa!"
Mama: "Ha? Hindi pupwede yun! Kakausapin ko titser mo, ipagtatanggol kita anak. Ano ba yung ibinibintang niya sa'yo kahit wala ka naman palang ginawa?"
Jay: "Yung homework ko."
Isang linggo tuloy akong hindi pinayagang manood ng TV. I miss Mazinger Z.
Flag Ceremony. Nakapila sa labas ng classroom ang lahat ng mga estudyante. Co-ed ang klase namin, pero mas madaming babae kesa lalaki. Sa totoo lang, hindi ko pa rin ma-gets hanggang ngayon kung bakit kailangan pang gawing araw-araw ang flag ceremony.
Grade 3 Section A ako noon. Tatlong sections lang meron ang isang grade - Section A ang mga matatalino, B naman ang para sa mga average students at C para dun sa medyo lowbat ang mga isip. Ito ay sabi lang naman ng nanay ko para masabi niyang nasa section ako ng mga matatalino.
BINABASA MO ANG
The Kikiam Experience
HumorThis book chronicles the real-life adventures (and misadventures) of Jay Panti. Ang mga walang kakwenta-kwentang pangyayari na nangyari sa buhay ko.