"Heto na naman ako nag-aabang ng bago sa istorya ko, paulit-ulit na lang paulit-ulit na lang." - soundtrip ko ngayon.
Naisip ko lang, Paano nga ba magmahal? Kailangan bang laging masaktan? Lagi na lang failed relationship ang meron ako. Ang hilig kong isakripisyo ang sarili ko para mahalin ako but in the end, ayan failed pa rin. Hayst buhay bakit nga ba ako nagmamadali sa pag-ibig?
Bago ako magbigay ng konting background about sa past relationship ko kung bakit ganyan ang hugot ko. Magpapakilala muna ako, hmm...
Mauee Fontanilla, 22, Philippines!
Haha o di ba lakas makamiss universe! Isa nga pala akong guro sa pampublikong paaralan. Nakaisang taon na rin ako sa serbisyo at ngayon syempre guro pa rin ako 😁😂Well, balik na tayo sa mga kaekekan ko 😁
So ayon nga, nakaapat na kong boyfriend sa tanang life ko at seryoso lahat. O d ba ang taray ang batang lumandi. Hays ewan ko ba d ko naman pinangarap yan ei. But nangyari na ei.
Una kong naging boyfriend ay bhe haha. Naging kami nung nasa 3rd year highschool pa lang ako. Well bago pala xia may mga ex pa pla ako pero sa phone lang kc kaya di ko na cnama sa counting. But un nga xia ung unang naging serious relationship ko. Natatandaan ko pa spbrang mahal ko siya nun kahit tricycle driver lang siya. Pinaglaban ko pa siya nun kahit ayaw nilang lahat sa side ko sa kanya. Nagtagal dn kmi mga 4 and half years dn ata un. Dahilan ng break-up--- ayun nambabae ng maraming beses hanggang sa nagsawa na kong magtiwala ulit sa kanya.
2nd bf- siya ay si honey, isang sundalo napakasweet and caring. Spoiled ako sa kanya sa totoo lang kaso sakin lang xia caring hindi sa family ko. Saka that time mejo naging mapaglaro ata ako kc naghanap ako ng lagi kong kasama at aalagaan ako. Kaya yun nung mejo tumagal na wala kaming komunikasyon nakipagbreak na ko. This time ako ung may problema.
3rd- si Chubz, Siya ung tipong suplado, sweet, gwapo at caring. Sa kanya ko nahanap ung hinahanap ko kay honey kaso may problema. Hiwalay xia sa asawa. Meaning kasal xia sa iba kahit sabihin pang matagal na silang hiwalay. Kasalanan pa rin un sa Diyos at xempre sa mata ng tao. Saka may pagkababaero dn un un nga lang di ko nahuli pero ramdam ko. Dumating kasi kami sa time na binabalewala na niya ako. Sobrang iritable na xia sakin ganern kaya binreak ko na. Wala ei nasasaktan lang ako at isa pa natatakot na din ako kc that time nameet ko na si Lord.
4th- eto ung pinakamasakit pero pinakasandali kong naging boyfriend. Si Baby. Actually, hanggang ngayon hindi pa ko nakakamove on sa kanya. Kc sa kanya ko nakita yung pangarap ko ung future ko. Kaso di pa xia nakakamove on sa ex nya. Kumbaga parang naging rebound ako then nung narealize nyang di pa xia nakakamove on ayun byebye mauee na... Haha ang sakit lang no.. Sobra acually it's been 3 months ng wala kami magaapat na nga ei pero eto pa rin ako umaasa na mapansin nya uli. But i know it will not happen why? Kc malinaw na sinabi nya sakin na ayaw na niya ko. Pinagpipilitan ko lng ang sarili ko. Which is bad. Kaya i need to distance myself para hindi na lalomg masaktan.
Nga pala this coming April magkikita kami ulit kasi kinuha akong bridesmaid sa kasal ng kuya niya. O d ba close kami ng family niya haha...
Actually nagtataka talaga ako ei kasi naman di ba alam ng family niya na wala na kmi but still kinuha pa rin nila ako para maging part ng important event nila. And I hope tama na tama ang decision ko na pumayag dun at umasa pa until that day.
Pagbibigyan kong masaktan ako hanggang sa araw lng na yun after that i will stop na...And this is my story... My love story...
YOU ARE READING
Dear Will of God, Will you wait for me?
RandomMapaglaro talaga ang tadhana... Minsan akala mo siya na ang Will of God for you... pero hindi pa pala... pwedeng lesson siya sa iyo or di pa time sa inyo... minsan di mo alam kung aasa ka pa ba or kakalimutan mo na... pero isa lang ang alam ko... ...