Anino at ang Pangako

4 1 0
                                    


Ikaw ang aking langit

Sa pusong nababagabag, payapa iyong hatid

Malaya kong nailalahad sa'yo ang lahat

Ang lahat-lahat, pati ang lihim na ika'y aking hangad

Mga tanikalang bumigkis sa aking puso

May tadhana pa ba na pag-isahin ating bugso

Kumakapit sa pag-asang ako ay mapasaiyo

Mananalig at maghihintay pa rin hanggang dulo

Dyan sa alapaap, patuloy kitang pagmamasdan

Hahatdan ka ng bituin sa tuwing ikay may kadiliman

Ako ang iyong buwan, liwanag sa'yong yapak

Masinagan lang 'yong mga ngiti, sa akin ay sapat

Mabubuhay ako sa ulang iyong hatid

Sasariwain ang mga alaalang atin nang isinilid

Aking pagyayabungin ang sa akin iyong iniwan

Matatagpuan din balang araw ang bawat kaligayahan

Ako ito, ang nangarap na maging iyong mundo

Hindi man ako nararapat, mananatili akong anino

Kakapit at susunod sa binitawang pangako

Hanggang sa muli, magkita tayo sa kabilang dako,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Anino at ang PangakoWhere stories live. Discover now