#GM
Wala kaming klase ngayon dahil may meeting mga teachers for the christmas party, kaya sila Waki tumatambay nanaman sa room namin at may pinakita siya saking text message..
Fr: Freya
Sana alagaan mo siya.Wag mo siyang sasaktan, mahal na mahal ko yan pero iniwan niya ko para sayo.#gm
Napangisi ako at nag aalalang nakatingin sakin si Waki na parang tinatansya ang reaksyon ko kung galit ba ko o hindi. Bakit kailangan niya pang mag text ng ganyan? Nagpapapansin ba siya o nagpapaawa?
"Galit ka ba?"tanong niya sakin at umiling lang ako, baka nahihirapan labg talaga siyang mag move on Zi.. Intindihin mo muna ok? Mahirap mag move on
"Sure ka?"paninigurado niya at ngumiti ako sakanya
"Oo naman, alam ko namang mahirap talagang mag move on eh. Iintindihin ko muna"sabi ko at napangiti siya saka ginulo ang buhok ko
"Akala ko magagalit ka"natatawa niyang sabi at ngumiti lang ako
"Wala naman akong karapatang magalit"sabi ko kaya napasimangot siya bigla at napabuga ng hangin, di ko inaasahan ang sasabihin niya
"Mahal kita at nililigawan kita kaya may karapatan kang magalit"
Pagkatapos naming mag usap ay nag announce na yung date ng christmas party..
"Ok class! Ang magiging date ng christmas party is december 22. What theme do you want for our Christmas party?"announce ni Ms. Prado na advisor namin at agad na nag taas ng kamay ang pinaka sipsip sa lahat, charot! Haha si Sheryl..
"White Christmas ma'am"masiglang suggest niya at pumayag naman kami sa suggestion niya para kulay blue hehe..
"Ok, so susuotin niyo is blue ok?"sabu ni Ms. Prado samin at nagsi "opo" kami at agad siyang nagpaalam dahil may klase pa siya.. 19 na pala ngayon, kaya agad kaming mineeting ni Rosas para sa mga dadalhin na decorations and dahil uuwi ako para mag lunch, syempre as usual naghihintay sakin si Waki sa labas ng room. Paglabas namin ng school ay nag beep yung phone niya
"Si Freya"sabi niya sakin nung pagbukas niya ng message, hindi ko binasa pero binasa niya sakin
"Sabi niya mahal niya padin ako, sorry daw sa mga nagawa niyang nakasakal sakin.."napahinto siya sa pagsasalita pero alam kong may karugtong pa yon
"Ano pa?"tanong ko sakanya at napasabunot siya sa sarili
"Nasasaktan ako na iniwan mo ko para sakanya, please bumalik ka na kasi hindi ko na talaga kaya"napahinto ako dahil nakaramdam ako ng guilty dahil alam ko na dahil sakin nararamdaman yun ni Freya, napahinto din siya sa paglalakad at halatang nahihirapan din siya
"Bumalik ka na lang sakanya"sabi ko at natulala siya pero naglakad na ko ng mabilis, nagulat ako nung hinwakan niya ang braso ko dahilan para mapahinto ako
"Ano ba ko sayo? Bat parang ang dali sayo na saktan ako?"tanong niya kaya nakaramdam din ako ng sakit, masakit makita siyang ganyan sakin
"Oo, siguro gusto mo ko.. Pero wala akong kasiguraduhan sayo, pwede mo kong iwan o i-reject kahit kailan mo gusto kasi hanggang don lang ako eh"sabi niya ang ang lungkot ng ngiti niya at maglalakad na sana pero agad kong nahawakan ang dulo ng damit niya kaya napahinto siya
"I feel guilty because i know that she's hurt because of me, the blame is on me Waki"nakayuko kong sabi at agad niyang inangat ang tingin ko
"Please wag, ako ang nang iwan dahil mas pinili ko ang saya na alam kong di ko pagsisisihan sa huli.. At ikaw yun"sabi niya at naramdaman ko ang sincerity niya
"Sorry sa nasabi ko kanina"sabi ko at ngumiti siya sakin saka pinat ako sa ulo
"Naiintindihan ko but please don't say those words again ok?"sabi niya at tumango lang ako saka hinila na niya ako palakad dahil medyo malapit naman na bahay namin, pagkahatid niya sakin ay nakita ko agad si mame na nakaabang sakin
"Diba sabi ko sayo lalayo ka na sa lalaking yon?"pambungad niya sakin dahil nung nalaman niya yung ginawa ni Waki na yun ay sobrang nagalit siya kaya gusto niyang tigilan ko na si Waki
"Mom please"pakiusap ko dahil di ko na din kayang tumigil..
"EWAN KO SAYO, PAG IKAW NASAKTAN WAG KANG IIYAK SAKIN AH?!"napapikit ako ng mariin nung pagkatapos niyang sabihin yon saka siya nag walk out pagkatapos
"Mamsi sorry"sabi ko na parang maririnig niya at naiyak na ko dahil di ako sanay na nag aaway kami
Lochell's POV
Matamlay si Zi nung pumasok siya for afternoon classes at maga ang mata niya na parang kakaiyak niya lang kanina kaya nilapitan ko na siya dahil alam kong may mali"Zi, hey"nagbalik siya sa reyalidad nung tinawag ko siya dahil parang wala talaga siya sa sarili niya
"Yeah"sagot niya at binigyan ako ng isang peke na ngiti, umupo ako sa tabi niya
"Ayos ka lang ba? Anong problema?"tanong ko sakanya at ngumiti siya uli ng peke
"Ayos lang ako syempre"at dahil sinabi niya ay napairap ako dahil alam kong hindi siya ok..
"Nag away nanaman ba kayo ni Waki?"agad siyang umiling at yumuko siya
"Please, gusto ko munang mag isa"pakiusap niya kaya kahit ayaw ko ay bumalik na ko sa pwesto ko saka nag klase si ma'am Prado samin.. tinitignan ko si Zi sa likod na nakatingin kay ma'am pero di naman talaga nakikinig
'Ano bang iniisip mo Zi? Ano nanaman bang nakakasakit sayo?'
___________________________
Oof. Tapos na sa defense yay! Hihi namiss ko kayo huhu sana di kayo magsawang suportahan ang #JoZia natin! Wubyu all!Keep supporting and Enjoy reading~
YOU ARE READING
Joaquin's Regret (Regret Series 1)
Fanfiction"She loved me, she gave me the feeling of heaven but I tortured her by giving her the feeling of hell. Now she is gone, my angel left me now. Will she give me a chance if I already showed her the hell she did not deserve?"-Joaquin Zane Mendoza