Astrid
"Bakit ka aalis? Saan ka ba pupunta?", sabi ko.
"Basta.Ingat ka. Babalik ako, pangako.", wika niya.
"Hoy astrid gising na!", sigaw sa akin ni halian. Si Halian nga pala ang bestfriend ko, magkakilala na kami simula pa nung bata kase magbusiness partner at magbestfriend mga magulang namin.
Kung nagtataka kayo kung bakit kasama ko siya, nagpagawa kami ng isang maliit na resthouse after namin gumraduate para magkasama kami since wala din naman akong kapatid.
Ang weird ng panaginip ko. Sino kaya yung lalaking sa panaginip ko? Bakit ganon? Parang pamilyar?
Hay nako agang aga ang dami ko na agad iniisip.
"Hoy halian alam mo ba, nanaginip ako. Epal ka ginising mo ko",sabi ko.
"Duh nanaginip din naman ako pero di ko shinare." pambabara nya sa akin. Ganito lagi eksena namin, tarayan pero mahal na mahal ko to hahaha iw.
"Epal talaga, iba kasi panaginip ko.May lalaki tapos parang sinabi nya don na babalik sya.", kwento ko.
"Sana ol nabalik.", see walang kwenta nyang sagot.
Lumabas muna ako pagkatapos naming kumain. Nagpahangin at nagisip isip. Hindi ko talaga makalimutan yung panaginip ko na yun.
Ngayon, pabalik na ako sa loob ng bahay at naisipan ko munang tumulog uli dahil puyat naman ako kagabi.
"Pangako ha, pag bumalik ka, hindi mo na ako iiwan.", saad ko.
"Pangako.", seryosong pagkakasabi niya.
Pagkasabi nya ng mga salitang iyon at lumakad na siya at umalis papalayo. Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha sa aking mga mata.
kringkring**
Napabalikwas ako at nagising sa tunog ng aking alarm. Kailangan pa nga pala naming pumunta sa bayan para bumili ng kakainin namin.
Pero bakit ganon? Napanaginipan ko na naman siya.
"Tanga, tulala ka na naman diyan", sigaw sa akin ni halian. Kahit kelan talaga.
"Pake mo ba", i rolled my eyes at her. HAHAHAHA
"Magbihis ka na, bibili na tayo ng pagkain.", aniya
"Oo naaa.", hays tinatamad tuloy ako.
YOU ARE READING
GIRL INLOVE
Teen FictionAstrid dreamed about a man and he couldn't forget it then he went to a fortune teller. Can they meet? Will they have a happy ending? Started: March 25, 2020