(Sammy's P.O.V.)
Walang katapusan ang pagtakbo ko gaya ng pag-iyak ko. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta ngayon.
Silang lahat, iniwan na nila ako!
"I-I'm so sorry," bulong ko sa kaibigan kong matagal nang namayapa sa mundo
"H-hindi kita naipaghiganti, iniw-wan nila ako, iniwan m-mo ako, wala na akong patu-tunguhan," naiiyak kong reklamo sa kanya
Ang pamilya ko, ang matalik kong kaibigan, ang mga katrabaho ko. Wala naman talaga silang pakealam sa akin.
"B-Bakit ba kasi kailangan mong mawala?"
"I-Ikaw lang ang nakakausap ko ng matino kahit na s-sinusungitan mo ako,"
"I miss you so much, hindi ko p-pa rin kayang mag move on sa p-pagkawala m-mo,"
/Flashback/
"Ano nanamang ginagawa mo dyaan?" Mataray nyang tanong sa akin
"Tinitignan ko itong mga pagong, ang cucute nila eh," sagot ko
"Anong cute dyan? Wala akong nakikitang cute sa mga pagong na iyan," sabi nya
"Gawin kaya kitang pagong!"
"As if kaya mo!?"
"GRRRRR!"
Kahit na nagkakaaway kami dahil sa pagmamaldita nya, masaya ako tuwing kasama ko sya.
"Kasing slow mo yung pagong, Sam," komento nya
"Kasing tigas naman ng ulo mo iyong shell nya," banat ko, nagtawanan kami pagkatapos noon
Marami kaming masasayang ala-ala sa paaralan. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Pinagtatanggol nya rin ako kapag may umaaway sa akin. Sinasabayan nya rin ako sa paglalakad sa pag-uwi at nililibre nya ako ng kwekwek.
"Salamat sa iyo," sabi ko at niyakap sya ng mahigpit
"Eeeeeck, ano baaaa!?" Reklamo nya, pero nagtawanan kami pagkatapos noon
Pero nang makalipas ang mga nagdaang araw, bigla syang nagbago.
"Dito muna tayo," aya ko
"Gusto ko nang umuwi, ikaw nalang, bahala ka," sagot nya saka sya sumama sa bagong sundo nya
Bali balita na natagpuan na daw niya ang tatay nya. Simula noong pinatira sya doon sa bahay ng tatay nya, nagkulang na ang oras nya para sa akin.
Naging malamig ang pakikitungo nya sa mga tao sa paligid nya at kapansin pansin din ang pagod sa mga mata nya.
"Please dito nalang muna tayo," pakiusap ko
"Gusto kong magpahinga, saka di ako papayagan nila mama at papa," sagot nya saka sumama sa sundo nya
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...