POETRY #40

41 1 0
                                    

MINSAN

Minsan kailangan nating maging matatag,
Lalo na kung kinakailangan,
Minsan kailangan nating makasarili,
Lalo na kung ikaw ang kapalit,
Minsan kailangan nating magsakripisyo,
Lalo na kung para sa taong mahal mo,
At minsan kailangan mong maging totoo,
Lalo na kung palagi ka nalang nagtatago.
Paulit-ulit nalang,
Wala nabang ibang maramdaman?
Sakit nanaman ba ang idinulot nito?
Tadhana, kelan ba matatapos to?
Mapaglarong tadhana,
Paano nga ba nag umpisa?
Ang larong aking iniwasan,
Ngunit sadyang nais mo kong saktan,
At nagawa mo pang paglaruan kaming dalwa.
Puro sakit nalang ba ang ihahatid nito?
Maaari bang itigil na to?
Upang saki'y maibsan kahit papaano,
Maibsan ang sakit na dulot nito.
Minsan kailangan bang masaktan ng sobra?
Bago ka matauhan?
Minsan kailangan muna bang mawala?
Bago malaman ang tunay na halaga?
Minsan kailangan bang medusa?
Bago mawala nang tuluyan.
Ano bang nagawa kong mali?
Bakit ba ganito ang kapalit?
Na para bang ako'y pinagkait,
Sa pagmamahal na aking gustong makamit.
Ngunit bakit ganito?
Mapaglarong tadhana kalian ba matitigil to?
Kailangan ba munang masaktan?
Kailangan ba munang mawala?
Kailangan ba munang magsakripisyo?
Kailangan ba munang lumayo?
Bago mo itigil ang kalokohang ito.

January 17, 2019
8:40pm

P O E T R I E S (Compilation #1)Where stories live. Discover now