Another day to enjoy or to sorrow at eto na naman si Alarm Clock,
"Hoyy, anak gumising ka na!"
para bang volume 100 sa lakas ng pag gising sa akin, oo narinig ko, bingi ba ako? Ano? Everyday na lang. -_-#
Medyo masakit ang ulo ko at nadapa ako sa daan, grabe talaga dahil may isang lalaki na tumawa sa akin, yun pala si Vince, What?! kapitbahay ko lang pala siya, infairness laki ng bahay, kasing laki ng sungay niya!
Sumakay na ako sa Jeep, ang galing talaga at sumabay pa tong demonyo na 'to, kaso nga lang malas niya, wala kasi siyang maupuan at duon lang siya sa pintuan nakatayo, hahahaha buti nga sa kanya :D
At nandito na nga ako sa School, tumakbo na ako agad papuntang class room dahil ilang minuto na lang ay malelelate na ako.
Tumakbo ako up to 5th Floor, Grabe! sumakit ang paa ko, kumikirot, nakakahiya dahil muntikan pa akong nadapa sa Hagdan, buti na lang ay may sumalo sa akin, ngunit hindi ko nakilala kung anong pangalan niya, natandaan ko lang ang itsura niya, ang itsura niya ay medyo ugly ngunit cute siya at ang bait niya, in love ba ako sa kanya? Kaso qualified ba siya sa Requirements ko? ehem, nasaan na pala ako XD nasa hagdan pa pala ako at kanina pa pala umalis yung guy at tumutunog na yung bell.
Well, nandito na ako sa harap ng pintuan ng Class Room at na late ako ng 3 minutes, pero di naman ako pinagalitan ng titser ko, nagkaroon ng Voting for the Class Officer sa Room at talagang pinagtripan ako nitong si Tirso, ako pa naman binoto sa President position! Haha, maswerte ako at di ako yung pinili, belat nga sa'yo Tirso :P
Na-vote na nga ang ibang posisyon sa Class Officers at hindi pa tapos dahil may Muse at Escort pa, sabi nga ay marami daw magaganda at guwapo sa section namin, totoo naman at isa na ako duon, ako'y medyo may pagka-curly ang buhok at maganda talaga ako, ano inggit ka? sabihin ko sa'yo secret ko, nagpapaderma at nagpapa-beauty salon ako every month kaya kapag makita mo man ako in real life, makakakita ka ng isang magandang diwata. (๑ơ₃ ơ)♥
Wala akong paki sa mga oras na ito dahil hindi naman nila ako iboboto, pero parang narinig ko ang pangalan ko, wow! binoto ako for Muse, pero sino kaya yung Guy na nag-bigay ng pangalan ko? new inspiration na naman ba?

BINABASA MO ANG
Kiss me if you say I Love You!
Novela Juvenil"Requirements ba ang kailangan para mag-mahal?" Follow me on Wattpad @Jhon Dave22 All Right Reserved