Chapter 6

3.1K 154 4
                                    

Jame

I was woken up by the slight voice and shaking of my body. Agad akong nagmulat ng mata nang mapagtanto kong nakatulog pala ako, hala nakakahiya, baka tumulo pa laway ko jusko. Bumungad sa akin ang gwapo at maaliwalas na mukha ni Jensen.

"Gising na" rinig kong sabi niya sa akin, "O eto na nga. Gising na oh" sabi ko naman sa kaniya. Mulat na mulat na ako at nakita kong nasa labas na pala kami ng subdivision namin. Maliit lang na subdivision ito kaya hindi kasya ang kotse tsaka wala rin namang may kotse dito sa amin eh. Ilang sandali lang ay may nagbukas na ng pinto ng kotse at unang lumabas si Jensen.

Dahil nauna siyang bumaba ay inalalayan niya ako na makababa, na touch naman ako rito at unti-unting sumilay ang kilig sa aking puso. Naku baka masanay naman ako niyan Jensen, ano ba.

Nang nakalabas ako ay dito ko lang napansin na madilim na pala ang paligid. "Anong oras na" tanong ko sa hangin. "It's 6:30" napatingin naman ako sa katabi ko nang magsalita ito, "ha?" takang tanong ko, eh wala naman akong sinabi sa kaniya. "You are asking for the time, it's 6:30" sabi nito. Ah okay, tumango nalang ako sa kaniya para hindi na humaba pa.

Nakahawak pa rin siya sa akin hanggang ngayon at naka-alalay parin, talagang ingat na ingat ah. "Kaya ko na" sabi ko naman rito sabay tingin sa kaniyang kamay na nasa aking siko ngayon, napatingin rin siya dito saka niya ito tinanggal na para bang napaso. Agad namang nawala ang init na naramdaman ko rito at tuluyan nang nilamon ng lamig na gabi.

"Sus! Kunwari ka pa eh namumula ka na nga diyan sa kilig" he smirked. Loko to ah, wika ko sa sarili ko. "Asaan dito ang bahay niyo?" tanong nya naman sa'kin habang sinusubukang hanapin ang aming bahay. "Nandun pa sa dulo" turo ko dun sa may malayo, pero syempre joke lang.

"Ang layo naman" pagrereklamo niya. Hindi kasi makapasok ang sasakyan niya eh kaya mula dito sa bukana ng subdivision ay kailangang lakarin ang mga bahay. "Okay na ako. Dito nalang ako, salamat pala sa paghatid" pagpapasalamat ko naman sa kaniya na may sinseredad habang naka-angat ang tingin sa kaniyang mga mata.

"Ihahatid na kita. Baka may mangyari pang masama sayo, ako pa may kasalanan" sabi niya naman. "Kaya mo na bang maglakad?" dugtong pa niya. "Oo, kaya ko na" sagot sa kaniya habang tinataas ang dalawa kong paa ang malaman kung kaya ko na ba itong ilakad.

Mukhang hindi ko talaga siya mapapayag na dito nalang ako ihatid kaya naman imbes makipag-talo pa ako sa kaniya ay pumayag nalang ako dahil wala na rin akong energy para makipag-away. Binagtas na nga namin ang papunta sa aming bahay sa gitna ng malamig na gabi.

*kringgggggggg*

6:20 a.m

I heard my alarm clock growl, hindi pa sana ako babangon dahil napagod talaga ako kahapon, pero naisip ko na baka malelate na naman ako nito tsaka mababangga na naman tapos mapapapunta sa detention, ayaw ko nang umulit sa ganon kaya kahit labag sa loob ko ay bumangin na ako.

Grabe din talaga yung kahapon eh, yung pagod ko parang pang 1 week na, wag na lang kayo ako pumasok ngayon? haha joke. Eh paano ba naman kasi, umagang umaga nabangga at lumagapak, tapos pag lunch nag tour pa na akala mo naman talagang pumunta ng Disney land, tapos hindi pa talaga natuto ang bading, nagtata-takbo sa room kaya ayun nadulas, kung di ba ga naman ako tanga eh no. "Teka, parang nababaliw na ata ako oh, pinapagalitan ang sarili" wika ko habang tinatahak ang daan papuntang banyo na may bitbit na tuwalya sa aking kaliwang balikat.

Oh I've been shakin'
I love it when you go crazy
You take all my inhibitions
Baby there's nothing holding me back...

I sang during taking bath, this is one of my hobby, singing in the only place I can confidently sing, the shower. Ilaban niyo na ako sa kung saang competition man iyan wag lang talaga sa singing contest nako talagang pati si Anne Curtis mahihiya para sa akin.

 Me And The 4 Boys  (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon