Chapter 21: The False Hope Plan
~💖~Mint's POV
It's been a week since i visit my Da-- Tito Drei's house. Pagkauwi ko nun ay ang sama ng loob ko, lalong-lalo na sa kanya. Simula bata pa ako ay yun na ang pinaparamdam niya sa akin, na wala lang ako para sa kanya.
Pero siempre di ako papayag na ako ang maagrabyado habang sila masaya. Hanggat di nila nararamdaman kung gaano kasakit ang baliwalain at paasahin ay ipaparamdam ko sa kanila. Lintik lang ang walang ganti.
Kaya pinagplanuhan ko talaga kung paano ko sila magagantihan. At ang nasa isip ko ay "False Hope Plan" para kay Tito Drei. At mangyayari yan sa gaganaping anniversary ng university.
Isa ako sa magbibigay ng thanksgiving speech. At sa sasabihin kong speech ay papaasahin ko si Tito Drei na para sa kanya ang speech ko na ang totoo ay para yun kay Daddy Adam.
I'm so excited for my plan. And i'm excited to see his reaction on my speech.
~•~
Drei's POV (Uyy... Namiss nyo si Drei noh?!😂)
Andito ako ngayon sa school ni Cindy dahil invited daw ang parents sa occassion ng school.Nakaformal attire lang ako dahil wala namang sinabing specific kung ano ba dapat. Anyway, pumasok na ako sa main hall ng university marami na rin.
Nagsimula na ang program at naupo na kami sa assign chair sa amin. Hanggang sa nagsikainan na. Pagkatapos nun ay nag speech na ang iba't-ibang organization, president ng school, atbp.
Nakita ko namang pumunta sa may stage si Mint at nakangiti ito sa mga tao. Nag iba ata ang istilo nya sa pananamit, at napakapamilyar ng istilo nya. Isa lang ang kilala kong may ganyang aura, si Avery. Ang isang personality ni Mild na di mo gugustuhing makalaban. In short, the fierce side of a soft woman.
"Good morning everyone, i just want to thank everyone for being here in this special occassion." Bati nya.
Nagpalakpakan naman ang mga tao.
"And also, this thanks giving speech is for my someone special. He's one of the reason of my success in my life. Without him, i may not be able to be the person in your front right now. He taugt me a lot of things that i needed to learn. He's always there whether it's good or bad times. I appreciate all his efforts for me and for my mom." Nakangiti niyang saad habang nakatingin sa direksiyon ko kaya napangiti rin ako. She's still the same. Sweet and delicate but brat sometimes. And she's my daughter.
"And that special someone for me, is my father. I would like to invite my Dad to come here in front with me." Sabi nya at nakatingin sa akin at ngumiti.
Kaya naman tumayo na ako at naglakad na nakangiti papunta sa stage.
Nang malapit na ako ay akmang magsasalita ako ng biglang nagsalita si Mint.
"Daddy!" Masayang bati nito at naglakad papunta sa direksiyon ko.
Sasalubungin ko na sana siya ng bigla niya akong nilampasan. Kaya naman napamaang ako.
"Dad! Mabuti at nakarating ka." Masayang bati nito.
Unti-unti ko namang nilingon kung sino ang kausap niya at laking gulat ko nang makita ko si Adam at yakap-yakap ng anak ko.
"Of course, i won't disappoint my princess baby girl." Sabi nito at hinalikan sa noo si Mint.
Napalingon naman sa gawi ko si Adam.
"Oh pare, long time no see." Bati nito sa akin.
"Oh Tito Drei, ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FF
Novela Juvenil💖MBAGR Sequel💖[Bad Ass Series #2]ULTIMATE NERD/DUFF, That's Avrei Mint Hernandez.A girl that is super famous, and stating her popularity,she is a well-known everywhere Specially around their campus. What kind of popularity does she have?? Well...