Seren's POV
"Naman' oh"
nakaupo ako ngayon sa isang bench rito, gabi na at sobrang nakakatakot lalo pa't alam kong wala akong kalaban-laban kung may umatake man sakin.
nakatulog kase ako kanina sa math subject namin huehue tapos syempre, nahuli ako ng teacher namin.
at bilang kaparusahan, pinaikot sa akin ang buong school.
putangina lang.
pero ayos na toh' kesa naman patayin nila ako.
inabot ako ng gabi bago ko mapagtantong hindi ko na alam kung nasan ako, sa sobrang laki ba naman ng lugar na ito.
di ko alam kung makakauwi pa ako sa amin. Ni walang silbi ang cellphone na nasa akin dahil walang kasignal signal rito.
sinubukan ko ring lumibot pa nagbabakasakaling matagpuan ko ang girl's dormitory ngunit mas lalo lang akong naligaw kaya minabuti kong tumigil nalang.
pasulyap sulyap ako kung saan saan minu-minuto ngunit wala paring dumadaan.
malakas na umihip ang hangin na dahilan para tumaas ang balahibo ko, napakadilim at tahimik. ayoko ng ganito.
"G-gannie.."
halos mangiyakngiyak nakong banggitin ang pangalan ng kaibigan ko, kung sana lang ay naririnig nya ako.
napayakap nalang ako sa bag ko, gabi na at isang munting ilaw nalang mula sa isang lamp post ang nagsisilbing pag-asa ko.
napabuntong hininga nalang ako at sinipa ang isang may kalakihang bato sa inis.
"Aray ko! puta!"
napabalikwas ako sa sobrang gulat ng may marinig akong sigaw. m-may tao!
nakita ko ang isang anino na papalapit ng papalapit sa kinaroroonan ko. Oh my god! OH MY GOD! oh my god!
hindi ko alam kung matutuwa o matatakot ba ako na may tao na akong nakita dahil kahit ano pang sabihin ko alam kong hindi yon tao.
balisa man at hindi makagalaw sinubukan kong maging matatag at nanatili sa kinauupuan ko. magmunukha akong duwag pag kumaripas ako ng takbo.
habang papalapit sya ng papalapit ay unti unti kong naaaninag ang mukha niya.
isang lalaking matangkad at kulay brown na buhok ang tumambad sa akin.
putangina...
teka lang.
TEKA!
"sino banamang- sino ka sa akala mo para gisingin ako. Do you have a death wish--" napahinto sya sa pagsasalita ng makita ako at halos parehas ang aming reaksyon.
"wait..."
"IKAW?"
🌙
Jungkook's POV
ano ba ang nangyayari sa kanya at paikot-ikot sya?
nakatingin lang ako sa kanya, pinagmamasdan sya. Kanina pa sya paikot-ikot at parang aligaga.
Nasa labas sya ng dorm nila at naglalakad sa hallway.
at oo, sinusundan ko ang babaeng gusto ko.
pake mo ba?
gabi na at halos wala nang katao-tao ng makita ko sya sa labas ng dorm kaya agad akong nagtago at sinundan sya.
BINABASA MO ANG
Bloody University
Fanfiction"congratulations you passed. you're officially one of the cthonians now!" - Bloody University