Pinky Swear

8 0 0
                                    

"Ginawa ang ' Pinky Swear ' para sa isang Pangako, at kung mabali man ang pangakong iyon... Kinakailangan putulin ang nasabing hinliliit. "

Pg. 14 Aklat ni Aling Bebang

Nakakakilabot naman 'tong nabasa ko. Mabuti pa't Science Book nalang ang aking babasahin.
Ilang minuto pa at tumunog na ang bell, hudyat ng aming pagpasok.

Sa katunayan OK na 'to dahil 8:00am ang simula ng aking klase at matatapos ng 2:00pm.

Ako nga pala si Czeryhna, 18 yrs. old at isang Nursing student.

Sa totoo lang ayoko talaga ng nursing, pero may purpose kase kung bakit ako nasa ganitong posisyon ngayon.
Tumunog ulit ang bell, 2:00pm uwian na pala.
Dumiretso ako sa bahay para kamustahin si Mama.
2 buwan narin s'yang Comatose ng dahil sa isang Car Accidentat Hindi pa rin gumigising.

1 buwan nalang kaarawan ko na at ang tanging hiling ko lang ay gumising na si Mama. Imposible pa sa ngayon pero di ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong may plano ang Diyos.
Kinabukasan, Linggo at Niyaya ako ni Steev para magsimba.

Nakaugalian na naming gawin 'yon tuwing linggo kahit pa busy kami ay hindi kami nakakalimot sa mahal na Panginoon.
" Kahit anong mangyare ipangako mong hindi mo ako iiwan at Ang Diyos ang magiging sentro ng pag-Ibig na 'to. "

Bigla ko nalamang itong nasabi kay Steev at agad n'yang kinagulat.

" Oo naman "

" Promise ? "

" Promise ! "

*Pinky Swear*

Umalis kami sa Simbahan at Dumiretso sa Botika para bumili ng Gamot para kay Mama.
Mayaman sila Steev pero parehong nasa states ang Parents nya. Tanging si Ate Vianne at Kuya Drake lang ang kasama nya sa bahay. Bunso kaya paminsan minsan ay hinahanap ang kan'yang Mommy Elaine at Daddy Lucas.

Biglang may nag-pop up sa Messenger ko.

1 message received

From Steve: Hi hon, We're about to flight after 5 hours. See you in exactly 11:00am at Airport.
Take care and I love you.

Nataranta ko at agad-agad na nagbihis.
Ilang oras lang ay nasa Airport na ako at sinalubong ng mga ngiti ni Steev.

Steev: Sorry hon, kung 'di ko nasabi agad. Ayaw kong mag-alala ka pa. Alam ko namang inaalala mo pa si Mama.

: OK lang hon, alam ko namang taon-taon kang may Business Trip.

Steev: Salamat hon, I love you.

*Forehead Kiss and Tight Hugs*

Isang buwan na ang nakalipas simula nung umalis si Steev at ngayon araw rin ay ang kaarawan ko.
Laking tuwa ko ng makitang gising na si Mama. Hindi pa ganon ka OK pero ipagpapasalamat ko pa rin ito. Salamat sa Diyos.

Ito na ata ang pinaka magandang regalo sa lahat.

" Excuse me ho. Kayo ho ba si Czeryhna Del Gado? "

Narinig ko ito mula sa pinto kung saan naroroon ang Ate Jiagh ko.
Ate Jiagh: Hindi po, Sandali lang po at tatawagin ko sya.
Agad na kong pumunta sa pinto.

: Magandang umaga po, Ano pong kailangan nila ?

Delivery Man: May nagpapabigay po.

Pinirmahan ko na at kinuha ang pulang box na iniiabot ni Manong

" Salamat po manong "sabi ko kay manong

" Walang ano man ! "sagot naman ni manong

Pumunta ako ng kwarto upang isipin ang laman ng Box na ito. Napansin ko ring mayroon itong disenyong Honey at Bee
Nang buksan ko ito laking gulat ng makita ko ang isang hinliliit na daliri at may suot na singsing.
Naihagis ko ng bahagya ang box ngunit kinuha rin agad upang basahin ang nakasulat sa isang puting papel.

From Steev:

Mahal kong Czeryhna. Patawad dahil hindi ko nagawa ang aking pangako.

4 na taon na rin nung malaman mong ' Business Trip ' ang aking sadya tuwing pupunta ako ng States. Sa 4 na taon na 'yon nakikipaglaban rin ako sa sakit kong Leukemia. Oo mahirap pero kailangan kong maging matatag para sa'yo, para sa pamilya ko at lalo na sa sarili ko. 4 na taon kong itinago dahil ayokong mag-alala ka. 4 na taon din nating sinulit ang bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon upang makasama ang bawat isa sa piling ng Panginoon. Nagbabaka sakaling dinggin ang aking panalangin at ako'y gumaling.

Stage 3 na rin nung huli tayong magsimba. Hindi mo nabanaag ang aking panghihina dahil may ngiti sa aking mga mata.
Mahirap pero kakayanin ko at mas lalong kakayanin mo.

Hindi ko man natupad ang aking pangako. Ang regalong ito ay ang patunay na MAHAL NA MAHAL KITA. Babantayan pa rin kita at Si Hesus ay makakasama ko na. I love you Czeryhna.
Agad akong umalis at pinuntahan sa Ospital si Steev.
Room no. 143

Nakita kong nakahiga si Steve, Namumutla at nangangayayat. Ni Hindi ko na sya makilala, ang masiglang Steev ay nawawala na.

" Hon, May sasabihin ako. "

Mahinang sabi nito na agad nagpaluha sa aking mga mata. Niyakap ko sya na para bang walang bukas.

"Steev God, Ma, Pa, Hon... Pa-ta-wad sa lahat ng kasalanan ko. "

*Cough*

"Ma-hal ko ka-yo... Czeryhna... MA-HAL NA MA-HAL KI-TA..."
Paputol-putol nitong sabi at maya-maya pa'y...

*tot*tot*tooooot*

Steev Ian Dela Santos

Time of Death: 11:11am

@Negros Occidental Hospital.

-Littlepen

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinky SwearWhere stories live. Discover now