Fall Two

2K 45 0
                                    

JIROH's POV

Nakadapa ako sa kama ko. Its 7 in the morning already and today si Thursday. Hindi na ako papasok wala naman kaming laruan.

Pipikit na sana uli ako ng mag-flash sa vision ko yung hottie na babae sa bar ilang araw na ang nakalipas.

Gabi-gabi din kaming bumalik sa bar para hanapin ang babaeng yun pero hindi na namin nakita. Tsk! Sayang!

"JIROH CHAZE HELLBURG! HINDI KA BA PAPASOK!"

Napabalikwas ako ng bangon.

Uh oh my worst nightmare is here!

Dali-dali akong tumakbo sa cr at naligo pagkatapos ay nag-bihis ng uniform.

"JIROH ANO BA? HINDI KA BA LALABAS DYAN AT PAPASOK SA SCHOOL?" Sigaw na naman nya.

Tsk, daig pa talaga nya si Mommy. Tumakbo na ako pababa at nadatnan ko sya na naka-cross arms at naniningkit ang mga matang nakatingin sakin.

"Good Morning, Lizzy!" Nakangiti kong sabi

Please talaban ka ng charm ko. Please!

"Hoy Jiroh, tigil-tigilan mo ko sa pag-papa-charming mo hindi mo ko madadaan sa ganyan! Hala, kumain ka na at ihahatid kita sa school!" Sabi nya pa na nagpa-ngiwi sakin.

"Lizzy naman. Kaya kong pumunta sa school mag-isa!"

"Hoy, Jiroh. Matanda ako sayo kaya ako ang masusunod. Bilisan mo ng kumain at ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo!"

Padabog akong umupo sa upuan at kumain ng breakfast.

Meet Lizzy Hellburg. 27 years old. A famous model in France. She's my sister and my very worst nightmare. Sya ang nag-aalaga sakin simula ng mamatay sila Mom and Dad. Kakauwi nya lang kahapon at yun yung nakalimutan ko.

Aish! Hindi dapat ako papasok eh.

"Hey, Jiroh, hindi ka ba bababa!" 

Sa sobrang inis ko hindi ko na namalayan na nasa school na kami.

Nag-fake smile lang ako bago bumaba. Aalis na sana ako ng...

"Hey, hey, hey, Jiroh you forget something!" Sabi nya at nag-ge-gesture pa na lumapit sa kanya.

Narinig ko na naman ang tilian ng mga babae ng makita ako. Tsk, well gwapo ako eh.

Lumapit na ako kay Lizzy at hinalikan sya sa pisngi. I never call her "Ate" kasi wala lang trip ko lang.

Naglakad na ako papasok ng school at dumiretso sa room.

As usual, magulo pa din at walang professor.

Dire-diretso ako sa likod at sinipa ang upuan ng isa naming kaklase.

"J-Jiroh!" Agad syang tumayo at yumuko.
"Get that chair on back. Wala akong papatungan ng paa!" Sabi ko
"O-Opo"

Sinunod naman nya ako agad at binuhat ang upuan. Umupo ako at pinatong ang paa ko sa isa pang upuan.

Dapat talaga hindi na ako pumasok. Asan na ba ang mga gunggong kong kaibigan.

"Bro! Bro!" Tawag sakin ng madaldal na si Caleb
"Oh?" Walang gana kong tanong.

Ilang araw na kaming walang professor kaya wala na kaming mapaglaruan. 

This school is ruled by STUPIDents. Kami ang nasusunod. 

Wala nang gustong pumasok na professor dito lalo na sa section namin dahil...

Sinisigurado naming hindi sila mag-tatagal ng isang araw.

"May naglakas loob. May bago tayong professor ngayon!" Nakangising sabi ni Chris.

"New prof, new toy!" Sabi pa ni Ken habang ngumangata ng bubble gum

Napangisi na din ako. Ilang araw din kaming walang laruan ah.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng classroom.

Halos lahat kami ay nalaglag ang panga ng makita ang isang babae na naka fitted pencil-cut skirt at fitted white polo na pinatungan ng fitted black coat. Expose na expose ang perfect curves nya, big butts and big future.

She's too hot. 

Napangiwi lang ako ng makita kong nakasuot sya ng nerdy eyeglasses.

"Good morning, I am Shantal Liera Grande and I'm your new--"

Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng bigla syang pag-babatuhin ng papel.

Oh seems they starting the game.

Tinigil din naman ng mga kaklase ko ang pamamato ng makita namin ang ginawa ng professor.

Sinalo nya lahat ng papel sa kamay nya.

What the h*ck? Pano nya nagawa yun?

Napalunok ako. At tiningnan sya ng maigi.

Nakayuko sya kanina pero dahan-dahan din nyang inangat ang ulo nya at nag-smirk.

That smirk is familiar.

"Tsk! Hindi talaga kayo nagtatanda!" Sabi nya umiling-iling pa

"B-Bro, parang na mumukhaan ko sya!" Bulong ni Chris. 

"Ang sabi ko sa inyo last time, don't play with a girl name Liera but look what you did!" Nakangisi pa din nyang sabi 

Tahimik ang buong classroom at lahat nakatitig lang sa kanya.

"Sya! Sya yung hottie sa bar!" Sabi ni Ken habang nakaturo pa sa unahan.

Muli namang ngumisi yung professor at isa-isa nyang binalik or should I say binato pabalik sa mga kaklase ko ang mga papel.

Ngayon ko lang napansin, ngumangata din pala sya ng bubble gum.

"You know what, if you want to play a game, better choose the person na ka-level nyo lang, mga elementary-minded people!" Sabi nya at naupo sa lamesa.

Napalunok ako ng mag-cross ang legs nya. Sh*t ang sexy!

"Hey, Hey, Hey, Lady! Wag mo nga kaming matawag-tawag na elementary-minded people!" Sigaw ng isa naming kaklase

Nginisihan lang sya ng prof at tinaasan ng kilay.

Dinampot nya ang isang Cattleya Note sa table at binato sa lamesa nung nagsalita. Lumanding iyon ng tamang-tama sa lamesa nya.

"I don't like your tounge, Miss! Now, answer this activity on one-fourth sheet!" Sabi nya at nag-sulat sa white board.

'Tell me about yourself' ang nakasulat.

Nakangisi nya kaming nilingon.

"Nga pala, walang takas sakin ang mga pennmanship nyo. Marunong akong kumilatis ng sulat, kaya gagawin nyo to in.."

Tumingin sya sa wrist watch nya.

"3 mins!" Sabi nya
"Eh pano kung ayaw namin?" Tanong ng katabi ni Ken.

Nag-cross arms yung prof at yumuko ng natatawa

"What? May nakakatawa ba?" Tanong uli nung katabi ni Ken.

"Yeah, meron. Ikaw! Alam nyo professor nyo ako at habang nasa school kayo, ako ang masusunod. If ever na ayaw nyo, ganito lang naman ang mangyayari!"

Napakurap ako at pagmulat ng mata ko nasa harap na sya nung katabi ni Ken.

Hawak na ni Prof Liera ang kwelyo nito habang nakangisi.

"Gusto mo bang ituloy ko ang gagawin ko, Mister?" Tanong nya sa katabi ni Ken.

Lahat kami gulat at namumutla.

Anong klaseng professor to?

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon