Fall Four

1.7K 36 0
                                    

JIROH's POV

"F*CK! STOP THAT!" sigaw ko

Natigil sa hangin ang mga kamay ng classmates ko at nagtataka akong tiningnan.

Napatingin naman ako sa pwesto nila Prof Liera at Sir Wilbert pero wala na sila doon.

Asan na sila?

"Hoy, Jiroh, bat mo kami pinatigil?" Tanong nung isa kong classmate

"Oo nga, sayang! Matagal ko ng gustong paalisin dito si Sir Wilbert eh!" Sabi ng isa pa

"Ano bang problema nyo?" Hindi ko alam kung saan nanggaling yung tanong kong yun na nagpanganga sa kanila.

*phone rings.

Napatingin ako sa phone ko. Lizzy is calling again.

"Why? (Jiroh, ano na naman to? Kitang kita kayo sa CCTV!)
What? Ako na nga ang nagpatigil sa kanila, ako pa ang lumalabas na pasimuno. (Jiroh, dapat hindi nyo ginawa kay Shantal yun! Lalo na ang pagbato sa kanya ng orange!)

Binaba nya ang tawag. Lalo na ang pagbato ng orange? 

Masama kong tiningnan ang pwesto ng mga kaklase ko. Pagtingin ko sa kanila, kanya-kanya na silang tumakbo 

Tama si Prof. Elementary-minded people.

Umuwi na lang ako sa bahay, yung mga classmates ko naman mag-ba-bar daw

" Manang si Lizzy?" Sigaw ko 
"Ah Sir Jiroh, hindi pa po umuuwi ang Ate nyo!"
"San daw sya pumunta?" Sabi ko habang umaakyat ng hagdan.

"Sir sa hospital daw po!"

Napatigil ako sa paghakbang at nilingon si Manang.

"Hospital? May nangyari ba sa kanya?" 
"Hindi ko po alam sir. Pasensya na!"

Umalis na si Manang sa tayo nya kanina pero doon parin ako nakatingin.

Napahampas na lang ako ng mahina sa gilid ng hagdan bago nagtuloy-tuloy sa kwarto ko.

Hindi na ako lumabas para sa hapunan dahil wala akong gana.

Kinabukasan, inaasahan ko ang malakas na sigaw ni Lizzy. Pero wala.

Tiningnan ko ang alarm clock ko sa gilid, 10 am na ah! Bakit hindi pa ako sinisigawan ni Lizzy.

Tumayo na lang ako at nagpunta sa cr para maligo at magbihis.

"Manang si Lizzy? Umuwi ba?" Tanong ko habang bumababa sa hagdan.

"Umuwi po sandali pero umalis din agad!"

Naupo na ako sa dining table at sinerve-an naman ako ng almusal.

"Saan daw sya pupunta uli?" Tanong ko bago sumubo

"Hindi ko alam, sir. Hindi ako kinausap. Mukha ngang pagod at puyat si Ma'am eh!"

Napatigil ako sa pag-subo.

Dinukot ko sa bulsa ko ang cellphone at tinawagan si Lizzy.

"Lizzy, where are you? (Lizzy is inside the cr.)"

Napakunot ang noo ko. Pamilyar ang boses nya 

"Prof? (Uh-huh!---- OH MY GOSH SHANTAL! BAKIT KA TUMAYO)"

Inilayo ko ng kaunti ang phone ko sa tenga. That's Lizzy for sure. 

"Prof, can I talk to Lizzy? (Speaking! Bakit ka tumawag?)"

Si Lizzy na pala ang kausap ko! Teka, bat magkasama si Prof at si Ate?

"Saan ka? Bat sandali ka lang daw dito sa bahay kanina? At bat mo kasama si Prof? (Easy! Nag-bihis lang ako kanina kaya ako umuwi. We're here at the hospital.)
Hospital? Are you sick? (No! I'm not. Sige na I have to hang up!).

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon