Balisang-balisa si Erajin nang makabalik sa unit nila sa 14th floor. Galing siya sa 12th floor at halos dalawang floor ang pagitan na lalo niyang ikinabalisa.
Kaya nga pagdating na pagdating niya sa unit, ibinagsak niya agad ang sarili sa upuang kaharap ni Brielle sa kitchenette saka nangalumbaba para tumulala na naman.
"What happened to you?" tanong ni Brielle na nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.
"Ikaw, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong din ni Erajin habang tinitingnan si Brielle na may hawak-hawak na ice bag at dinadampi-dampi sa noo.
"Hangover . . ." paliwanag nito. "Naparami ako ng inom kagabi. Drink all I can talaga."
"Haaay . . ." isang malalim na buntonghininga ang napawalan ni Erajin habang nakatingin sa mesa.
"Wow . . . Ang lalim ng pinaghugutan a . . ." Sinubsob ni Brielle ang sarili sa mesa. "Ano? Guuwapo ba?"
Nagtaka agad si Erajin sa sinabi ni Brielle sa kanya. "Anong guwapo?"
Napaayos na naman ng upo si Brielle at dinampi-dampi na naman ang ice bag sa ulo. "Jin, I know you. Nakalimutan mo ang tungkol sa sarili mo, pero hindi ibig sabihin n'on, nagbago ka na. Baligtad pa nga 'yang damit mo, oh!" Biglang lapad na naman ng ngisi niya at inusisa na naman ang kaibigan "So, how was it? Cute ba? Guwapo? Maraming muscle? May eight-pack abs? 'Musta ang biceps? triceps? quads? Mayaman ba? Matangkad? Masarap ba kausap? O siya mismo yung masarap? Hmm? Hmm? Magkuwento ka naman!"
Sunod-sunod ang tanong ni Brielle na ikinalito naman ni Erajin dahil saang lupalop ba nakuha ng kausap ang mga tanong nito.
"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" iritang tanong ni Erajin sabay inom ng coffee na nasa mesa. Coffee ni Brielle na hinanda nito para sa hangover pero tinungga na rin niya.
"Oh come on! Kunwari ka pa! Ano'ng name ng guy?" excited na tanong ni Brielle.
Biglang lumitaw ang imahen ng lalaking iyon sa isipan ni Erajin.
"Ugh!" Isinubsob niya tuloy ang mukha sa mesa dahil gusto na nga niyang kalimutan, bigla na namang sumulpot sa isipan niya katatanong ng Brielle na ito.
"Jin! Ano naaaa!" Halatang bitin na bitin si Brielle dahil ayaw magsalita ng kaibigan.
Napabangon si Erajin at hindi na alam ang iisipin habang tinitingnan ang kausap. "Brielle! Anong gagawin ko?"
"Bakit nga? Magsalita ka na kasi!"
"Hindi ko matandaan ang nangyari kagabi, pero nagising ako kaninang may katabi nang lalaki sa kama!" reklamo ni Erajin na may kaunting arte pa.
"Ah! Not surprised," balewalang sinabi ni Brielle habang nakataas ang mga kamay para sumuko. "Pero ang gusto kong malaman e anong itsura ng guy? Ano ba!"
Obvious na nabibitin si Brielle sa nagiging takbo ng kuwento.
"Anong itsura?" Inalala naman ni Erajin ang itsura ni Josef. "Ano . . ." Tumingin siya sa itaas ng dingding para mag-isip. "Ang tigas ng muscles niya."
"Uhm-hmm . . ."
"Ang ganda ng mga mata niya."
"Uhm-hmm . . ."
"Tapos ang husky pa ng boses niya," sabay kagat ng labi na parang pinapangarap na ang lalaking iyon.
"Uhm-hmm . . ."
"Tapos ang lambot ng lips."
"Uhm-hmm!" Kahit si Brielle, napapakagat na lang din ng labi sa kuwento ni Erajin.
"Tapos malaki ang . . ."
"AAAHHHH!" Napatili naman si Brielle at halatang kilig na kilig sa kuwento at napahampas pa nang maraming beses sa mesa.
BINABASA MO ANG
The Superiors: Fallen (Book 6)
AzioneWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...