MALAPIT NA TAYO SA PAGTATAPOS,AND STILL WALA PA DIN AKONG PHONE PANG DRAFT,PARA PARAAN PA DIN PERO ANG HIRAP TALAGA :( WALA MAN LANG TALAGANG NAAWA. MABUTI NA LANG FREE FB AKO,POST KO SA FB,PUNTA AKO SA SHOP,COPY KO SA FB THEN DELETE SAKA IPOST SA WATTPAD,GANYAN GINAGAWA KO,MINSAN SA IPAD AKO NG PAMANGKIN KO KASI MAGANDA ANG NOTEPAD NYA HINDI LIMITED ANG CHARACTERS. HAY SANA MAGKAROON NKO NG CP PANG DRAFT AT UPDATE :(
===========================
Pool
CHASTY --
Nagising ako sa pakiramdam ng pangangawit at panlalamig.Nang imulat ko ang mga mata ko,everything was blurred,pero sigurado akong nasa isang kwarto ako.
"Anong nangyari? Nasaan ako?" pati ang boses ko ay namamaos. Nauuhaw ako at nanginginig ako sa lamig. Muli akong pumikit,tapos dinilat ko ulit ang aking mga mata. Malinaw na ang paningin ko. Inilibot ko ang paningin ko,nasa isang kwarto nga ako.
Ang lakas ng buga ng aircon,gagalaw sana ako mula sa pagkakahiga pero muli akong napahiga,tiningnan ko ang sarili ko. Naka kadena ang mga paa ko sa magkabilang dulo ng kama at ang mga kamay ko ay ganon din. And worst,wala ako kahit isang saplot!
Inalala ko ang nangyari. Si Keyven! Paniguradong iniisip nun na tinakasan ko sya! Sinong may gawa nito sa akin? Anong kailangan nya.
Pinilit kong maupo sa kama ng pa indian sit. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki,may dala itong tray na may pagkain,itinago ko ang ari ko dahil nakaramdam ako ng hiya ng titigan ako nito.
"Si boss talaga." anito at ngumisi,nilapag ang tray na may pagkain sa harapan ko."kumain ka ng marami,panigurado mapapagod ka."
"Nasan ako? Sinong nagpadukot sa akin?" ang matapang kong tanong kahit pa nanginginig pa din ako.
"Malalaman mo din. Totoo nga,makinis ka at mas maganda pa sa babae,kaya siguro nabaliw si boss,plus factor na lang ang makukuha naming pera sa Prime Minister ng South Korea." sabi nito na naka ngisi. Napalunok ako.
Gagamitin nila ako para makuha nila ang gusto nila kay Papa! Shit! What have I done? Puro kahihiyan na lang ang naidudulot ko. Kailangan kong maka alis dito,kailangan kong makatakas,pero paano?
"Pakawalan mo na ako,please!" ang nagmamaka awa kong sabi kahit alam kong imposibleng pakinggan nya ako.
"Pasensya na. Sige,kumain ka na." tumalikod ito at lumabas na ng kwarto. Napatingin ulit ako sa paligid. Kahit ang bintana ay may rehas,napaka imposibleng maka alis ako dito.
Kumulo ang tyan ko,kaya kahit labag sa kalooban ko ay kinain ko ang pagkain. Pagka ubos ko sa juice ay para akong nakaramdam ng hilo,kasunod nun ay nagdilim na ang paligid ko.
Nang muli akong magising ay may dalawang lalaking pumasok,lumapit ang isa. A-andap andap pa ako ng bigla ako nitong lagyan ng piring. Magsasalita na sana ako ng maramdaman ko ang sunod sunod na hataw sa hita ko,masakit at mahapdi,gumuguhit! Pinapalo ako ng latigo.
"Aaaaahhh! Tama na pooo!!" ngunit wala akong magawa. Nagpagulong gulong lamang ako sa kama,helpless at umiiyak.
"Ayan! Ganyan ang gusto ni Boss." sabi ng isa at tumawa din yung isa. Nararamdaman ko ng nilalamon ako ng matinding galit,sino ba ang boss nila? Bakit nila ito ginagawa sa akin?
"Sino ba ang boss nyong demonyo! Tantanan nyo na ako! Gusto ko ng umuwi!" ang sigaw ko sa kanila,gusto kong tanggalin ang piring pero namamanhid ang mga braso ko dahil sa paglatigo nila.
"Dapat nga magpasalamat ka,hindi ka niya ipapapatay!"
"Hindi mo kilala si boss? Sya lang naman ang taga pagmana ng Korean Underground Mafia. Kilala mo na?"
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Narrativa generaleLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...