SHAIRA's POV
Papasok na ako ng Gym ngayon nang may nakita akong lalaki na nakaupo sa lapag.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinara. Gumawi ako sa kanan nang "Sino yan?"
"Ah.. Jacob? Ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?"
Tumayo siya. "Ah Shaira.. I--ikaw pala. Ikaw ano ang gagawin mo dito?"
"Ahh kasi.. Magpapractice sana ako ng pag-aacting namin sa Filipino. Kasi sayang naman yung plus grade, kung hindi ko magagawa yun.
Ikaw? Ano ginagawa mo dito?"
Napakamot siya ng ulo. "Ah kasi ano. . naghahanap kasi ako ng pagpapahingaan ko kanina. Eh alam kong walang tao dito kaya dito na lang ako pumunta."
"Ahh ganun ba? Diba may klase pa kayo? Bakit ka nandito?"
"Ah... kasi ano.... kasi absent yung teacher namin."
"Ah.. Pwede mo ba akong tulungan dito sa pag-aacting ko?"
"Ahhh. sure wa--why not?"
Nagsimula na ako at siya naman ay hawak hawak ang dialogue ko.
Minsan kapag napapatingin ako sa kanya, iniiwas niya agad ang tingin niya at titingin ulit sa dialogue ko.
Nang matapos na ako...."A-ang galing mo pala Shaira. Panigurado hindi lang plus ang nasa grade mo. Ang sipag mo pala."
"Ahh salamat.."
Binigay naman niya sa akin yung notebook na kung saan nakalagay ang dialogue ko.
"Salamat ah.."
Bigla namang may pumasok at "Mr. Sumda! Diba sabi ko sa'yo magjogging ka? Bakit nandito ka sa Gym?! May sinabi ba akong makipagkwentuhan ka dyan sa Girlfriend mo?!!"
"Ahh pero Sir, hindi ko siya Girl---"
"Sabi ko magjogging ka sa Quad! Get out of here now!"
Tumalikod naman agad siya sa akin at lumabas na.
"Akala ko ba nagpapahinga lang siya? Eh pinagjojogging pala siya. Siguro naman tapos na siyang magjogging kaya dito siya nagpahinga?"
JACOB’S POV
Ang galing naman mag-trace ng teacher kong ‘to. Paano kaya niya nalaman na nandito ako gym? Haay, mag-isa na lang tuloy si Shaira sa loob. At hindi ko naman Girlfriend si Shaira. Haay “Sir, paano niyo po nalaman na nandoon ako sa gym?”
“May nagsabi sa akin! Buti na lang may nagsabi sa akin”
“Sir, kasi naman… napatingin lang naman po ako sa labas pero po nakikinig ako nun..”
“Oh sige, kung nakikinig ka talaga ano ang sinasabi ko nun?”
“Ahh… ehh.. eh Sir, nakalimitan ko na po eh.”
“Tignan mo? Mauna kana! MAGJOGGING KANA!”
VALERY’S POV
Nakita ko si Shaira na papunta sa Gym sinundan ko ito pero sa oras na pumasok siya nakatago ako sa may gilid ng gym… “Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?”
“Hi Sir, ano po… may hinihintay lang po ako.”
“May nakita ka bang lalaki na pumasok dito?”
“Di ko lang alam Sir? Tignan niyo po sa loob, baka nandoon.”
“Sige.”
Maya-maya nakita kong lumabas yung teacher na kasama ang studyante niyang lalaki. Pinagalitan niya siguro yun? Tss, ano kaya ang ginawa nila doon? Nang makalayo na yung teacher na kasama ang student niya, sumilip naman agad ako sa pinto ng gym at nakita ko siyang nag-aacting. Wow! Magaling! HAHA tignan natin kapag nasa harap mo na ako.

BINABASA MO ANG
Maybe It's You~
Teen FictionTungkol ito sa isang taong TORPE. Na hindi niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman para sa taong mahal niya. Dapat bang itago na lamang ang nararamdaman kaysa sa malaman? Bakit ayaw mo bang masaktan? Bakit ayaw mo bang mapahiya ka? Dapat lang...