Prologue
“Waaaahhhhhh!!!!!!!!! Na-corrupt ang Xydric125 ko. Guys, sinong may pang-restore?” bulalas ni Alex. Nakalimutan nya na nasa eskwelahan pala siya.
“ Oras ng klase, naglalaro ka ng Xydric 125?”
“Sorry sir. Chineck ko lang po ang status ko.”
“ Akin na ang memory card mo Alex. Di ba bawal maglaro sa loob ng klase?!”
“ Eh, di lang naman po ako lang naglalaro ngayon. Nakita ko po si Cyrus sa loob ng Xydric125. Nakikipagkwentuhan sya sa isang babae.”
“Cyrus?!” tiningnan nya ang kinauupuan nito. Walang naging reaksyon si Cyrus. Ni hindi manlang ito gumalaw.
“See? Tama ako sir, di ba? Naglalaro rin si Cyrus. Hindi na ako nagtataka kung karamihan sa mga klasmeyt ko ay naglalaro sa oras ng klase. Di mo naman kasi macheck kung nandito pa ba sila o wala na.”
“Kung ganon, I don’t have a choice but to get both of your memory card.”
“Sir, wag naman po sa amin lang. Kanina pa tayo nag-uusap dito, wala lang silang imik,” sabay turo sa ibang kakalase ,”Ano to? Game show na ‘Stop and Survive’?
“ Ano ba namang klase ang meron kayo rito! Pag nasa leksyon, dapat nasa leksyon! Makaalis na nga lang dito. Pasalamat nga kayo at nagtuturo pa ako. Ang ibang professor nga, ni hindi mo na makita rito sa campus. Wag nalang kaya kayo pumasok! Lintik na.” Padabog na sinira ang klasrum.
“ Hahaha... Nag’walk-out’ si Mr. Ferer. Naku, ang dali-dali lang naman kasi ng leksyon niya. Para inferential at differential calculus, bakit pa pahihirapan ang buhay? Hahaha.. Kahit Grade 3 kayang sagutan yon.” Tinignan nya ang mga klasmeyt nya. Hindi pa rin gumagalaw ang mga ito. “Nag’enjoy’ ata ang mga loko! Hehe.”
Tumayo sya para pumunta ng CR ng biglang may lumabas sa kanyang paningin. Isang mapulang kumikislap-kislap na tandang padamdam. Warning! Maya-maya pa’y dumaundong ang nakakabinging tunog.
“Aaaahhhhh!!!” napasigaw siya sa sobrang sakit. Nasa loob ng system nya nagmumula ang tunog. Malakas. Matinis. Mababa. Mahina. Ma-ingay. Nakakabaliw. Nakakasira ng ulo. Halos puputok na ang kanyang sound receptor sa pabago-bago ng frequency ng tunog.
“Aaahhhhhhhhh! Please, tulong! Pleassee!!”. Napahawak siya sa kanyang ulo. Sinubukan nyang i-off ang sound receptor nya pero di na nya maramdaman ang kamay nya. Sinubukan nyang igalaw ito, hindi nya na magalaw. Maging ang kanyang mga paa ay di na nya magamit-naging paralisado ang mga ito. Maya-maya pa’y natumba nalang sya bigla. Nag-shut down.
Makalipas ang sampung minuto, nagkaroon na sya ng ulirat. Wala na ang tunog, pero napalitan ito ng mga sigawan at hiyawan ng mga klasmeyt nya na nagdaranas ng matinding sakit. Mga kalabog ng silya at mesa. Mga librong nahuhulog. Mga lapis na gumugulong sa iba’t ibang direksyon.
”Ahhhhhh!!!!” “Helllpppp me!!” “Anngg saaakkkkkiiiiittttt!! Tulongggg!!” yun ang mga naririnig nya.
Napalinga-linga sya. Malabo ang kanyang paningin. Naaaninag nya ang mga klasmeyt nya na nasa sahig na rin katulad nya. Walang batid sa paghingi ng tulong. Sinubukan nyang tumayo pero di pa rin nya maramdaman ang kanyang buong katawan. Di pa rin sya makagalaw. Tanging ang pilik-mata nya lang ang kanyang kayang igalaw. Sinubukan nya ng ilang beses pero, walang nangyari. Nagkasya nalang syang pakinggan ang daing ng kanyang mga kaklase. Pinikit nalang nya ang kanyang mata na kanina pa tulo ng tulo ng luha dahil sa wala syang magawa para tulungan sila.
Ilang minuto ang lumipas, wala na syang narinig. Payapa na. Nawala na ang mga paghingi ng tulong. Dahan-dahan nyang binuksan ang kanyang mga mata. Eksaktong pagbalik ng paningin nya, nakakita sya ng babae na pinagmamasdan siya. Maganda ang babae. Mahaba ang buhok. Simple. At sapat na ang mga bulkan nya para pagkaguluhan ng mga lalaki.
“Okay ka lang?” tanong ng babae sa kanya. Malambing. Malumanay ang boses. Parang anghel na mula sa kalangitan. Sinubukan nya tumayo pro di pa rin kaya ng katawan nya. Naigagalaw nya na ang kanyang mga kamay pero hinang-hina pa rin ang mga ito.
“Ssssshhhhh!!!! Wag mong piliting tumayo. Ang hina-hina mo pa. Di pa kaya ng system mo ang pag-atake sa atin kanina ngg ibang mga programmer. Ayon sa data na nakuha ko, ang CHOI Computer College ang umatake sa atin. Maging ang mga faculty members, di nila pinalagpas. Mahigit dalawang libo ang apektado sa Campus.
Nanlaki ang mga mata ni Alex sa nalaman. Kung may mga guro nga na naapektuhan, sila pa kayang mga estudyante lang?
“Pansamantala kong shinut down ang mga system ng ibang classmate natin.Pasalamat lang kamo at walang namatay sa klase na to. Sa AS247..” natigilan ang babae sa pag sasalita. Huminga ng malalim. Tumingin sa itaas at kinagat ang pang-ibabang labi. “...dalawang estudyante ang namatay. Di ko kinayang i-shut down ang lahat ng system don sa loob lamang ng isang minuto. Wala akong nagawa.”
Matapos bigkasin iyon, namuo sa kanyang mga mata ang mumunting butil ng tubig.nang di na makaya, tuulo ito ng tuluyan. Napaupo sya sa tabi ni Alex habang naouno ng luha ang kanyang mukha. Niyakap nya ang kanyans sarili at tuluyan ng humaguhol ng iyak.
“A-alex... S-Sorry ha? D-di ko sila... Di ko sila naligtas.. Sinubukan ko,pero di ko kinaya. A-ang hina-hina ko.. S-Sorryy!”
Tiningnan lang sya ni Alex. Ginalaw ni Alex ang kanyang kaliwang kamay. May lumabas sa kanyang paningin. Isang bilog na kulay dilaw. Kinuha nya ito at hinawakan ng mahigpit.
“Wag ka umiyak.. Nasasaktan ako.” Lumabas iyon sa bilog na hinahawakan ni Alex.
“Soorry talaga... Sorry!” sabay hikbi ng babae.
“Ssshhh. Tahan na.”
“S-sige na.” Tumayo ang babae sa kanyang kinauupuan. Pinunasan ang kanyang mga luha. Ginalaw ang kanyang kaliwang kamay na parang may hinnahanap. May nakitang screen si Alex. Di sya makapaniwala rito.
“Alex. Alis na ako! Sorry talaga!” muling pumatak ang kanyang luha. Sa isang iglap, wala na ang babae. Wala na syang nakitang ibang tao na nakatayo. Lahat ng mga klasmeyt nya ay wala pa ring mga malay.
‘Sino sya? Bakit kilala nya ako? Bakit di sya naapektuhan sa pag-atake? Bakit nakita ko ang screen nya? At paano sya nawalang bigla sa paningin ko? Meron kaya sya ng katulad ni Shion? O ito na ang bagong bersyon ng Dimatsala?’