CHAPTER 14

6.7K 119 22
                                    

CHAPTER 14

Mika's POV

"Pakibalik lang sa pinagkuhanan huh" sabi sa akin ni Vic nang kunin ko sa food cabinet sa kusina ang medicine box niya.

Ang damot naman. Ang sakit kaya ng ulo ko.

Anong oras na din kasi kaming nauwi nina Camille at Cienne kagabi,and super thanks to them, kasi baka kung wala sila?Ay, baka hindi ko na alam kung paano ako. Kung paano ko ieentertain yung sakit.

Nanuod kami ng sine. Pero hindi dahil doon kaya sumakit ang ulo ko. Hindi ako umiinom pero niyaya ko silang magparty. And I swear, hindi ako uminom, baka nahilo ako sa lahat ng nasamyo kong amoy ng alak sa bar na pinagpartyhan namen kaya ito ako ngayon, masakit ang ulo. And take note, ngayon ko pa lang iinuman ng gamot eh gabi na.

Naalala ko kasing may lakad nga pala kami ni Jessey, kung magstay lang sana ako dito sa bahay, di bale ng hindi ako uminom ng gamot, pero dahil may lakad ako, nakakahiya namang masakit ang ulo ko hindi ba?Besides, kailangan ko din to. Para somehow makabawas sa sama ng loob ko.

"Sabi ko ilagay mo sa pinagkuhanan mo" inis nitong sabi sa akin. Kumuha kasi ako ng tubig sa ref at nilagay sa ibabaw ng ref ang medicine box. Hindi ba pwedeng wait muna? Kailangan kapag sinabi niya agad agad? Hindi pa kaya kami ok. Matapos ng mga inaakala niyang nararamdaman ko lang kahapon?! HINDI SIYA NAKATULONG.

"Tapos na ba!" sagot ko naman sa kanya sabay irap. "Ilalagay naman hindi makapaghintay" pabulong ko ng sabi.

"Basta ibalik mo!" sabi niya.

Uminom lang siya sa Vita Milk niya na nasa ref saka muli itong ibinalik doon. Ito nga ang nakakapagtaka sa isang to eh. Hindi naman ako nakakakita ng case ng Vita milk dito, pero tuwing umaga na may kukunin ako sa ref, nakikita kong puno na naman ang nag iisa niyang bote ng vita milk. Ano to? Automatic na nagrerefill? Hanep.

Halos magdadalawang linggo na din kaming magkasama. At sa bawat na pinagsasamahan namen, wala pa ding pagbabago. Palagi pa din kaming nag-aangilan. Ramdam ko naman ang pag iwas niya sa akin. Na ayaw niya sa akin sa hindi malamang dahilan. Mabuti na nga lang at dinala niya ang mga kaibigan niya dito nung isang araw, kahit papano, sumaya naman ang bahay na ito.

Kapag kaming dalawa lang kasi, kung hindi ako busy, wala naman siyang imik. Or mas madalas, palagi siyang wala. But lately, napapansin ko din ang hindi niya madalas na paglabas labas kapag umaga, or either kapag gabi, baka nagsawa na. Anyways. I don't care naman.

May kasalanan pa siya sa akin.

Baka nga alam niya na published na pala ang magazine kaya minamadali niya akong pumunta sa opisina kahapon eh.

"Wag mong masyadong babuyin ang bahay ko ha! Hindi porket devastated ka may karapatan ka ng guluhin ang bahay ko" seryoso nitong sabi habang sinisintas ang suot niyang Vans.

Himala sa isang to huh! Nakaporma yata. Ngayon na lang yata siya ulit aalis ng ganitong oras. Sinabayan pa ako.

Nakapolo shirt ito na closed neck ang butones. Nakagray na pants. At ang usual niyang sapatos. Chukka Low. This time hindi siya nakasnapback. But she used to wear her very common na shades. That black tinted ray ban shade.

Baka may date? Hahahaha ....

Medyo nakakasulasok na din sa pang amoy ang sobrang pag-aapply niya ng perfume. And I know OA yung term na nakakasulasok kasi ang bango niya. No. Ng pabango niya. Hahaha.

Mabalik tayo sa sinabi niya, mukha lang akong nakapang bahay, pero ang totoo, aalis din ako. Nakashort shorts lang ako at simpleng Aeropostale na shirt pero pang hang out ko na ang pormang ito.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon