"Ano bang meron siya na wala ako? bakit di mo ba ako kayang mahalin na kagaya sa mga nauna mo. Mahal naman kita eh"
"Gusto ko maging akin ka, gusto ko maging tayo na. Pero hindi parin mawala sa isip ko yung tanong na PAANO KUNG MASAKTAN KITA? PAANO KUNG MAGING GAYA AKO NG DATI? ayokong mawala ka"
Unfair ni life no? Kung sinong gusto mo siyang ayaw sayo kung sino yung taong pilit mong pinaglalaban eh siya ding unang sumusuko. Pero dahil tanga ka I mean tayo di parin tayo bumibitiw kahit ang sakit sakit na! yan tayo eh.
Pero hanggang kailan at hanggang saan aabot yang katangahan mo I mean natin? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit ng ulo na dala ng gabi gabi mong pagluha? hanggan kailan mo susuntukin ang pader kapag nagseselos ka? Hanggang kailan ka magsisinungaling na ayos ka lang kahit di naman talaga? Hanggang kailan ka ngingiti sa harap niya kahit ito'y di totoo? At hanggang kailan mo pagtatakpan ang puso mong durog na durog dahil sa sakit na dulot niya? Hanggang kailan mo sasabihin na "Si Ian lang ang minahal ko ng ganito, si Ian lang ang mamahalin ko ng ganito!"