Late
KEYVEN ---
Alam kong sa A minute with Pevin ang punta ni Chasty. Kailangan ko syang maka usap,kailangan kong magpaliwanag.
"Saan ka pupunta?" ang tanong ni Analiese ng lumiko ako. Tinitigan ko sya,maganda sya at sexy,but I don't like her. Hindi ko lang sya magawang iwan because of her Dad,sinabi nyang special friend daw nya ako,nag assumed ito at nag assumed ang lahat. Lalo na ng sabihin nyang niregaluhan ko sya ng bracelet.
Its damn true na binigyan ko sya because its her birthday that night,ako lang daw muna ang gusto nyang kasama bago ang pamilya nya kaya pinagbigyan ko. That night nga ay nakita namin si Chasty na may kasamang lalaki,hindi ko maintindihan ang sarili ko,galit na galit ako sa kanya pero mahal na mahal ko pa din sya.
"Pupunta ako sa interview ni Chasty." monotonous kong sagot. Handa na sana akong ipagsigawan sa mundo ang pagmamahal ko kay Chasty after namin maka uwi galing sa Enchanted Kingdom pero nagsalita naman si Analiese sa Abunda and Aquino tonight kasabay ng pagkalat ng litrato namin ni Chasty ng hinalikan ko sya sa park.
"Sasama ako,baka kung anong masabi mo." aniya. Umiling ako,this is the reason kung bakit sa loob ng isang linggo ay hindi kami nakapag usap ni Chasty,binalaan ako ng manager namin na huwag munang lumabas at dapat kami daw lagi ni Analiese ang magkasama,ayoko nun,umalma ako at gusto ko ng tapusin ang kontrata ko pero binalaan akong ako daw mismo ang sisira kay Chasty kung magsasalita ako,ipapahiya ko daw ang pamilya nito.
Wala kaming imikan ni Analiese ng makarating sa studio ng interview,pinapakita sa screen na nagsasalita ang tropa namin para kay Chasty,umiyak siya and I want to run to him at yakapin sya pero dadagdagan ko lang ang pressure,I will quit showbiz pag nakapag usap na kami ni Chasty.
Habang tinitingnan ko din ang screen ay naalala ko ang simula namin. Para kaming aso at pusa,hindi matigil ang pag aaway namin. Hanggang sa nahulog na ako sa kanya,iyon ang pinaka masarap kong naramdaman,ang mahalin sya,ang mahalin nya at ang lovemaking namin tuwing gabi.
Damn! Isang linggo na ang nakakalipas ng may mangyari sa amin.
Tiningnan ko siya habang inaalo ni Pevin. Ang layo na ng narating nya,selfish nga ako kasi gusto ko akin lang sya,ng dahil sa pag aaral at sa pamilya nya nalayo sya sa akin,nagalit ako. Pero ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Naiintindihan ko na ang sakripisyo nya ng umalis sya,its for my son,pero sadyang ganon ang tadhana,sumama sa ibang lalaki si Divine.
Nagulat ako ng sinabi nyang babalik na sya ng Korea,not again,tatakbuhan na naman nya ako at hindi na ako papayag pa.
Kaya ng matapos ang interview ay iniwan ko si Analiese,wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao,wala na akong pakialam kung husgahan nila ako,I will fight for my love,I will get Chasty whatever it takes.
Nakita ko syang kausap ang lalaking kasama nya sa restaurant,agad akong lumapit at hinila sya,saka isinakay sa front seat ng kotse ko.
Pagkasakay ko ay halatang nagulat sya,agad kong pinaharurot ang kotse palayo sa lugar na iyon. Tahimik lamang sya pero halata ang galit sa mga mata nya,and I can't blame him.
"Yan ganyan nga." sabi ko habang nagdadrive,kita ko sa sulok ng mga mata ko na nag ngitngitngit na sya sa galit,medyo kinabahan ako,ang lakas din ng kalabog ng puso ko.
"Itigil mo ang kotse mo at bababa ako." ang galit nyang sabi,pero pinanatili kong kalma ang aking sarili.
"Kakain muna tayo at mag uusap." sagot ko at iniliko ang kotse. Dun kami kakain sa Kamayan,masasarap kasi ang mga pagkain dun,at isa pa,ayokong himatayin na naman sya dahil nalipasan ng gutom.
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiksi UmumLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...