Wala ako sa school... di rin ako sa nasa trabaho... nasa kalsada lang ako... kalsada. naglalakad pauwi sa bahay namin ng makita ko ang isang maganda at magarang kotse sa harap ng bahay namin.
akong nga pala si Angela Sanz 31 years old. at eto ang kwento namin.
---10 years ago.----
"andito na ko!!!"
pagpasok ko pa lang sa gate ng bahay namin naramdaman ko na na merong ibang kaganapan sa loob.
"pasensya na pero si Angela lang ang may hawak makakapag decide sa mga bagay na yan"
yun ang pambungad sakin ni mama. bigla itong natahimik nung nakita nya kong papasok ng bahay.
tama nga ang hinala ko meron ngang kakaiba sa bahay na toh. yung ay ang dalawang lalaking naka toxido na parang may nahanap na alien sa bahay namin.
"sino sila mama?"
tumayo ang dalawang lalaki at na bow sa nung nakita ako.
"nagagalak naming makita ka Lady Angela"
LADY ANGELA!!! ano ako dugong bughaw
"ako nga po pala si Leo 16th earl ng Frea at siya naman po pala si Spencer 20th earl ng Selena"
WTF!! pinagsasabi ng mga toh?
"paumanhin sainyo mga ginoo pero wala pang alam si Gella sa ganito kung pwede sana ay bumalik nalang kayo sa susunod na araw. kailangan kong makausap ang aking anak"
nagugulat ako sa mga words ng nanay ko ahhh super magalang at ibang iba pag kausap nya lang ako.
"nauunawan namin. Lady Jess. mauuna na po muna kami"
ilang minutong usapan pa at umalis na din ang dalawa.
"sino ba yung mga yun mama?"
hawak hawak ni mama ang kanyang ulo... mukhang sumasakit ang ulo ng mama ko dahil sa dalawang yun ah... mukhang mahaba habang usapang mag ina toh.
"ikaw ba Gella handa ka na magpakasal?"
"ANO?"
"sige ganito nalang. kaya mo na bang mabigyan ng mas malaki laking responsibilidad?"
"ano po bang pinagsasabi ninyo"
"kung babasihan natin yung kwarto mo ngayon... di ka pa handa Gella"
"MAMA!!! YUNG TOTOO!!! inaasar nyo nanaman po ba ko?"
"Naka engage ka sa Hari ng Gaia, ihanda mo sarili mo"
YOU ARE READING
Parallel World
General FictionMadalas naghahanap tayo pero yung mga mata natin nakikita lang yung mga gusto nilang makita. Naghihintay ka.. yun pala matagal ng dumating. AGAIN DI MO NANAMAN NAKITA.