EPISODE 5 PART 2 FAIRWELL PARTY

40 0 0
                                    

#AGBGPartyandNews

ISIAH's POV

Dahil may party, abala ang pamilya sa paghahanda, puro family and friends lang ni Seven ang bisita niya. May mga music, at kantahan pang nagaganap,


Nang maghating gabi na kami-kami na lang ang natira sa bahay, kaya naman ito na ang ginamit na pagkakataon ni Storm para masabi ang balita.

Kinakabahan ako kaya hawak ni Steven ang kamay ko, samantalang si Seven na nasa gilid ko ay nakahawak sa balikat ko. Nagtataka naman ang Lolo at Lola ni Storm kung anong balita ang magaganap.

"Magandang gabi, narito po ako sa inyong harapan para ibalita ang magandang balita." Wika ni Storm.

Ano naman ang ikinaganda sa ibabalita mo ngayon? Seguro sa'yo maganda, pero sa'kin kalbaryo. Mas lalong hinigpitan pa ni Steven ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Hijo, Storm ano ba ang ibabalita mo?" Tanong ng Lolo nila.

Napangiti si Storm, at pinatayo si Victoria. Ang itsura ni Victoria ay ibang-iba na sa dating Victoria na nakilala ko. Ang dating Victoria na ang mga sout ay pang prinsesa, pero ngayon ay akala mo nag tatrabaho sa club sa iksi. Nagtinginan kaming lahat.

"Niyaya ko na pong magpakasal si Victoria Lee."

Nagkatinginan ang Lolo at Lola nila sa balita ni Storm. Napatingin naman si Miyu sa'kin na naiwan at niyaya ko na dito na lang matulog. nakangisi naman si Victoria na nakatingin sa'kin.

"Ah, g-ganun ba hijo? Mabuti naman at naplano n'yo na 'yan, alam na ba ni Mr. at Mrs. Lee ito?" Tanong ni Boss Grandpa.

"Ipapaalam po namin sa kanya Lolo pag uwi nila dito" Wika niya sabay tingin sa'kin at kay Steven.

Naningkit naman ang mga mata ni Steven, habang nakikipagtitigan kay Storm, Si Victoria naman nakakalokong nakatingin sa'kin. 'Tong maldeta na 'to, malala pa siya sa kabet ng papa ko at sa anak nitong ipokrita.

" 'Di ka naman seguro tututol? Ano Steven?" Nakakalokong tanong ni Storm kay Steven.

Napangisi si Steven at nagkamot ng batok. Nagpapailing-iling din ito samantalang lahat ng kasama ko nakatingin sa kanila.

"Baket naman?" Nakangising tanong niya. "Pakasalan mo kung gusto mo, at baket kailangang itanong mo pa sa akin? kaano ano ko ba 'yan?"

Nakita kong nagbago ang itsura ni Victoria, napakunot ang kilay niya habang nakatingin kay steven.

"Kung si Isiah ang inagaw mo, baka makikipagpatayan pa ako mabawi lang ang fiancée ko." Wika niyang sabay tingin sa'kin.

Natahimik lang ako, ni 'di ako tumingin sa mga kasama ko. Hinimas ni Steven ang buhok ko, inayos niya ito, habang si Victoria ay masama ang titig sa'kin.

"Kung mahal ninyo ang isa't isa, magpakasal kayo, walang sino man ang hahadlang." Nakangising wika ni Steven. "Bagay naman kayo... Mga pakawala."

Nanlaki ang mata nila, napatayo si Storm pero natigil siya nang tumayo ako. Nagulat silang lahat, maging ang lolo at lola nila.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon