Chapter 19: Jade

752 42 0
                                    

Feiya POV

Lumipas na ang isang araw at kailangan ko nanamang harapin ang bagong hamon sa araw nato, wala ng bago dahil araw araw ay may hindi magandang balita akong nababalitaan.

Nasa loob na ako ng klase at limang minuto ng late ang professor pero wala parin ito,malamang ay pinarusahan na to!

Naka pamlumbaba lang ako habang nakatitig sa kawalan, walang anu mang bagay ang tumatakbo sa isip ko. Mas mabuti na iyon dahil gusto kong makalimutan lahat ng problema ko kahit isang araw lang at kahit isang araw lang ay gusto kong maging masaya na walang halong kalungkutan.

Bigla akong nabalik sa realidad ng biglang kumalabog ang pintuan at iniluwal non ang isa sa mga kaklase ko.

"Guys! Si sir calma!"- hingal na hingal na sambit nito. Agad namang nag sitayuan ang lahat maski ako ay napatayo at sumunod sakanila sa labas.

Agad na bumungad saamin ang bangkay ni professor calma na puno ng saksak sa katawan nito at halatang binugbog pa ito, halos maligo na ito sa sarili niyang dugo!

Iniling iling ko ang ulo ko kailangan kong kumalma, ayokong magkaroon ng pakialam. Pumihit ako patalikod at naglakad palayo, wala akong pakialam kung ano man ang masamang mangyare sa iba, hindi ko sila responsibilidad kaya dapat ay wala akong pake, selfish na kung selfish. Gusto kong maging manhid ngayong araw, ayoko ng problema!

Habang sila ay abala sa nangyare kay sir calma dahil mabilis na kumalat ang balita at heto ako kampanteng walang pakialam sakanila, may sarili akong dapat pagkaabalahan.

"Austin!"- nakangiting tawag ko kay austin na agad naman niyang ikinalingon at nilapitan ko siya.

"Kamusta kana?"- ani ko,mapait itong ngumiti sa harap ko.

"Ayus lang naman, pero nakakapanibago dahil wala si kuya"- malungkot na saad ni austin.

"Siya nga pala asaan si jade? May kailangan kasi akong sabihin sakanya"- ani austin.

"Mukhang importante yan ah? Pero hindi ko pa kasi siya nakikita simula kanina maski si phoebe"- ani ko.

"Ahh ganun ba?"- aniya.

"Oo e, gusto mo ako nalang ang magsabi sakanya?"- ani ko.

"Wag na, gusto ko kasi siyang makausap ng personal. Siguro ay hihintayin ko nalang siya"- ani austin.

"Osige! Mauna na ako sayo ah?"- ani ko at ngumiti lang ito kumaway naman ako sakanya tuluyan ng naglakad palayo.

______

"Phoebe, nakita mo ba si jade?"- anas ko.

"Hindi e kanina ko pa nga siya hinahanap. Ang akala ko nga ay magkasama kayo"- aniya.

"Hinahanap kasi siya ni austin e"- ani ko.

"Siguro ay naglibot lang ang bruha, alam mo naman yun malikot ang paa kaga gala!"- ani phoebe, napangiti nalang ako sakanya dahil unti unti na siyang nakaka recover. Siya na ulit ang kaibigan kong si phoebe na mas malala pa ang pagka abnormal niya kesa sa mga abnormal na talaga. Palibhasa kasi ay nagkulang sa buwan itong si phoebe!

~~~~~~~~

Tumungo ako sa dorm namin nagbabakasakaling naroon si jade ngunit pagka pasok ko doon ay wala akong jade na nasilayan, siguro ay naglilibot nga siya.

Habang naglalakad ako ay nabangga ko ang isang babae hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakayuko ito. Tinulungan k siyang damputin ang mga librong hawak niya at pati ang salamin niyang nahulog.

"Salamat"- nakangiting sabi niya.

"A-avery?"- anas ko.

"Ako nga, salamat ulit mauna na ako sayo"- nakangiting sabi niya at tinapik pa ako sa balikat bago siya tuluyang makaalis.

Saglit akong natulala at ng makabalik ako sa realidad at tumakbo na ako papunta sa susunod kong klase. Pagdating ko doon ay naguumpisa na ang klase mabuti nalang at hindi ako nakita ng professor dahil nakatalikod ito, umupo ako sa may bandang dulo at kinuha ang mga gamit ko.

Nabaling naman ang tingin ko sa kabilang dulo na may nakaupong lalaki na si jin rade fontier, akalain mo nagaaral pa pala sila kung si brylle nga pumapasok pa sila pa kaya?

Ilang oras pa ay sa wakas natapos na rin ang klase last subject na itong inattenand ko kaya pabalik na ako sa dorm.

Ng makapasok ako sa dorm ay si phoebe lang ang naroon at wal si jade.

"Phoebe, si jade?"- ani ko.

"Hindi pa siya bumabalik?"- ani phoebe.

"Siguro naman hindi na pag gagala ang inatupag nun no?"- anas ko na tinanguan lang niya.

"Sa bagay, babalil na rin yun maya maya sana lang ay walang mangyareng masama sakanya"- ani phoebe.

"Sana nga"- anas ko.

_____

Jade POV

"You better shut your mouth jade!"

"Or else I'll kill you!"

"Bakit mo ba ito ginagawa?!"- irita kong tanong.

"Masyado kasi kayong pakialamera ng mga kaibigan mo! Kaya kung ano anong mga nalalaman niyo!"

Hindi na ako nakapagsalita pa ng may pinokpok siyang kung ano sa ulo ko na ikinadilim ng paningin ko...

Feiya POV

Alasdose na ng madaling araw at hindi parin nakakabalik si jade. Saan kaya nagpunta ang babaeng yun? Lintek naman oh! Lagi nalang kaming pinagaalala ng babaeng yun!

"Fei, puntahan kaya natin si austin?"- ani phoebe.

"Mabuti pa nga!"- anas ko lumabas kami ng dorm at tutal naman ay kaharap lang namin ang dorm niya pero paglabas namin ay nakabukas ang pintuan ni austin at may liwanag pa sa loob nito.

Pumasok kami doon pero wala kaming austin na nakita. Tsk! Magkasama kaya sila?.bumalik na kami sa dorm.

"Asan kaya ang dalawang yun?"- ani phoebe.

To be continued...

Hi all! Sana ay magustuhan niyo ang chapter na to! Wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!

ENJOY READING!SARANGHAE!💕

GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon