Chapter 1 *Missed call*

288 18 6
                                    

A/N: Sana suportahan niyo guys! Lalo na sa mga cast! ~

=====

Baekhyun's POV

"Nandito na kami" Boses nina Sehun at Luhan yun, nandito na pala sila. Nagpabili kasi kami sa kanila ng bubble tea, ang init kasi ng panahon ngayon ... summer na summer, pero malapit na'rin matapos ang summer na'to, Ang sunod ay winter na ... malamig-lamig din yun.

"Ang tagal niyo naman" Reklamo ni Tao sabay pout.

"Wag ka nga magreklamo! Ikaw kaya bumili, balibagin kita jan e" Rinig kong bulong pa ni Luhan kaya medyo napa chuckle ako at nakita kong siniko ng mahina ni Sehun si Luhan.

"May sinasabi ka ba Luhan?" Ooops may narinig ata si Tao.

"Wala sabi ko eto bubble tea mo ... saksak mo sa baga mo" Bulong nanaman ne'to pero hindi ko na alam kung ano na yung binulong niya, at lumapit siya sa'kin at ibinigay sa'kin ang bubble tea ko at pagka-abot ko, umupo siya sa tabi ko.

"Mukang napapadalas ka na mainis kay Tao ah" Sabi ko sa kanya.

"Ang panget kasi, mareklamo pa" Napatawa naman ako sa sinabi niyang panget raw si Tao. Grabe ... di pa niya aminin na galit at naiinis siya sa nag O-OTP ng 'TaoHun'.

"Tsss. Ang babaw ng rason mo, Sige lipat lang ako kay baba" Paalam ko sa kanya at tumango lang siya ... lumipat ako sa tabi ni baba-- este Kris, Siya ay nagbabasa ng libro, yung ENGLISH bro! English ang language!

"Hey Kris!" Basag ko sa pagbabasa niya ng libro.

"What?" Cold niyang sabi na dun parin nakatingin sa libro na binabasa niya.

"Ang cold mo, mainit ang panahon o! tunawin mo naman kahit konti ang pagka-cold mo" Sabi ko sa kanya in naiinis way.

"Where is my bubble tea?" Tanong niya na dun parin naka atensyon sa libro ang muka niya. Aba! iniba ang topic!

"Nasa pwet ko nagkakape, tsss. Ewan ko sa'yo" Sabi ko sa kanya at nagwalk-out na.

=

Suho's POV

"Suho" May tumawag sa'kin paglingon ko si Chanyeol pala.

"Baket?" Tanong ko at kita ko hawak niya selpon ko.

"May kanina pang tumatawag sa'yo o" Sabi niya at inihagis niya sa'kin ang selpon kong mamahalin at nasalo ko naman.

Tiningnan ko kung totoo nga ba ang sinasabi ni Chanyeol sa'kin at pagkabukas ko ng selpon ko, 6 missed call ang meron, tiningnan ko ang number kung sino ang tumawag, pero walang name ang nakasulat at number lang meron ito.

Exo's Daughter (EXO FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon