THIS BITCH
There's a lot of possibilities in this world.
Everything was meant to change.
Even if you don't expect it, it really happens.
Sino ba ako? Isa lang naman akong commoner na masyadong nagmamaganda sa campus namin.
At sino naman siya? Isa lang naman siyang famous. Madaming likers sa facebook, maraming followers sa twitter, at sige na nga, famous ulit.
Alam ko namang maganda ako.
Maganda talaga ako.
Ano ba, sabi ng maganda nga ako.
Totoo talaga 'to pwera biro. MAGANDA AKO with feelings yan.
Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi pa ako mapansin ng taong gusto ko eh, eh ang ganda-ganda ko naman. -.- Nakakapagod na nga ang maging maganda eh!
"Girl bilisan mo andyan na siya!!"
Inayos ko pa ang necktie ko na natanggal sa pagkakabuhol. Ito kasing si Raven masyadong makapag-react eh. -.-
"Ito na andyan na nga diba?" sabi ko saka ako lumabas ng pinto ng classroom namin "Ano? Mukha na ba akong tao?"
"Ano ba yan Kelly! Mukha ka na bang tao sa lagay na yan?" inayos ulit ni Jenna yung necktie ko. Bakit di ba ako mukhang tao? -.-
"Ayan! Edi okay! Tara labas na tayo sa corridor! Bilisan mo kadadaan niya lang.."
Patakbo kaming lumakad sa corridor hanggang sa makaabot kami sa staircase. Yes! Andun pa siya! Kaso nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.-.-
"Je--""Wait lang! Andyan pa yung mga kaibigan niya eh.. Nakakahiya."
"Anong nakakahiya? Walang nakakahiya sa taong nagmamahal!"
"OA mo ah! Crush ko lang siya noh!"
"Oo na! Oo na! Basta tatawagin ko na siya.. Je--" pero pinigilan ko ulit siya. "Ano ba?! Alam mo ang arte mo ah.."
"O sige na nga... Tawagin mo na." yung sigaw niya kasi parang may sunog eh kaya nakakahiya -.-
"JEROMEEEE!!!" Dumagundong yung boses ni Raven sa buong staircase kaya naman napalingon yung ibang students na andun.