Chapter 32: Responsibility

138 3 1
                                    

                Hindi ako mapakali eh kasi ba naman!!! kailangan kong mag pagnggap na may sakit eh bakit kasi pupunta pa dito yung Aleonah ba yun??? ano ba naman yan >_<

"Prinsipe Jharo narito na si Prinsesa Aleonah" katok ng mayordomo at agad akong humiga sa kama at pagbukas ng pinto nakita kong kasama ng mahal na reyna si Aleonah.

"Jharo, Anak kamusta na ang pakiramdam mo?"usisa ng reyna.

"Ah...Ayos lang po"ordinaryong sagot ko.

"Jharo...nag alala ko sayo"

O_________O!!!Luh niyakap ako ni Aleonah nako!! buti wala si Setong baka magalit yun at magselos!!! miss na miss ko na nga yun eh!!

"Mahal na reyna maari ko po bang bantayan muna si Jharo?"dagdag ni Aleonah

"Oo naman sige, maiwan ko na muna kayo" sagot ng reyna at tila tumingin muna ito saakin bago umalis ng silid.

"Jharo...ayos ka na ba talaga?"

"Oo naman"

"Wala na bang masakit sayo?" usisa ni Aleonah

"W-wala naman"

"Kung ganun natutuwa ako at wala na kong dapat ikabahala ngayong ayos ka na sana matuloy na ang engagement natin next next month"

O____O!!!napalunok ako...sus ko! kailangan hanapin ko na ang prinsipe Jharo na yun! ayokong magpakasal kung di lang din si Setong!

"Ah...Oo naman...nga pala kamusta ka na?" wala akong masabi eh hayss

"Ayus lang...namiss kita" sabi ni Aleonah at ngumiti siya saakin...hmm ang ngiting yan tila nakita ko na noon...saan nga ba??? kailan?? parang nakita ko na ang sinaryo na ito noon.

"Madalas mo ba kong bisitahin?"usisa ko.

"Hmm madalang eh kasi sobrang dami nating mga ginagawa kaya naman madalang tayo magkita...nung mga bata nga tayo isang beses lang tayo nakapagkita o dalawa...kaya nga hindi mo na matandaan hindi ba? madami kasing responsibilidad ang isang gaya natin"

"Ah talaga..."

"Yaan mo kung gusto mo hahanap ako ng bakante kong araw para mabisita kita dito ng madalas"

"Ah...wag..hindi naman na kailangan tutal okay na ko diba" sabi ko.

"Sige" tugon ni Aleonah.

"Jharo...." napatingin ako sa kanya.

"Ano yun?"

"Masaya ko kasi kahit papaano unti unti mo na kong kinakausap at napapansin...alam ko matututunan mo din naman akong mahalin eh pangako kapag naikasal na tayo hinding hindi ka magsisisi na ako ang pinakasalan mo"

"Mabuti naman kung ganun...ah wala ka bang gagawin ngayon? magaling naman na ko eh saka may mga gagawin pa ko maya maya"

"Ah...ayaw mo ba na dito muna ko?"

"Hindi naman sa ayaw kaso..."

"Sige, tingin ko naman ay ayos ka na nga talaga...tama ka naman may mga gagawin pa tayo"

"Sige...ingat" ngumiti lang si Aleonah at umalis sa silid ko.

        Ang babaeng yun hindi ko alam kung kailan at kung saan kami nagkita pero isa lang ang nasisiguro ko...ang senaryong ito ay nangyari na noon...hindi ko lang alam kung kailan at kung saan...

-----------

      

"Oy!Khyle hindi mo ba kami aawatin ha!" hiyaw ni Setong...patuloy pa din silang nagsasabunutan nung Kim ba yun? hayss umupo nalang ako at pinanuod sila.

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon