Bang's Pov
Ayun nag ka POV din. Hahaha. Maya ko na introduce sarili ko. Hinatid ko muna si Julls sa condo niya at agad ding umalis. Hinayaan ko na lang muna siya.
Papunta ako kung saan lagi kameng nagpupunta ni Ara. Kung saan lagi kame dun nagkikita. Pag may problema dun lang ako o siya nagpupunta.
Pag nagpupunta ako dun iniiwan ko yung problema ko dun. Iniiwan ko dun yung bigat ng pakiramdam ko. Iniiwan ko dun yung lungkot at sakit na naramdaman ko.
Malapit na ko ng may makita akong sasakyan. Kanino kaya to. Agad akong bumaba at nagpunta sa lugar kung saan lagi nameng pwesto ni Ara.
And I saw Ara. Nakaupo siya dun. Sa pwesto namen. May hawak na beer at nakita kong pinunasan niya ang mga mata niya.
Seeing her from a far na ganun ang itsura lalo akong nasasaktan. Yung pag iwan ko sakanya ng walang dahilan. Knowing na ayaw niyang iniiwan siya. Dahil na din sa pagkalawa ni Mika ng biglaan.
Naintindihan ko yung lungkot niyang yun. Ang ginawa ko na lang I act like as her bestfriend. Act as her friend. Act as her best buddy. Act as her sister. Act as her mother.
Kaya nga kame nagtagal ng 2years eh. Kasi ginawa ko lahat para mawala yung lungkot niya. Tapos sa isang iglap lang. Ibinalik ko ulit yung sakit at lungkot na nararamdaman niya. Masaya naman kame dati. Sobrang saya nga namen. Pag may mga problema agad nameng sinusulusyunan.
Naduwag lang naman ako talaga. Nalaman kasi ng mga magulang ko na magkarelasyon kame. At sinabi nila na nagkaka identity crisis lang ako.
Tinakot ako ni Dad na kung di ako aalis baka kung ano magawa ni dad kay Ara. Mas pinili kong mag sacrifice. Mas pinili kong lumayo kesa may mangyaring masama kay Ara.
Habang nasa ibang bansa ako lalo akong nangulila kay Ara. Siya at siya pa din ang hinahanap ko. Siya at siya pa din ang mahal ko. Hindi ako nagkaka identity crisis. Kasi totoong mahal ko siya.
Ilang buwan din ang lumipas ng makilala ko si Julls. Mabait naman siya. maalaga at mapagmahal. Pero malayong malayo kay Ara.
Di sa pinagkukumpara ko sila. Si Ara kasi kapag galit siya iiyak lang siya. At hihingi ng yakap ko at magiging ok na siya.
Oo tama kayo. Si Ara talaga ang humihingi ng yakap. Sabe niya kasi hayaan ko lang daw na maging kalma siya at magiging ok na daw siya.
Si Julls naman kapag galit. Galit talaga siya. Nasigaw daw siya. Kasi pag di daw siya sumigaw di daw niya mailalabas yung sakit na nararamdaman niya.
Kahit kame na ni Julls si Ara pa din ang mahal ko. Oo selfish na. Pero I act naman like girlfriend kay Julls. Para wala siyang masabe. Mahal ko si Julls di nga lang katulad ng kay Ara.
Narinig kong nagsasalita siya at umiiyak..
Ara: Baby. Bang. Bakit? Bakit ganun ganun lang? Bakit sa kabila ng ginawa mo pag papa alis sa lungkot at sakit na naramdaman ko kay Mika nun. Ikaw pa mismo na sa isang iglap lang binalik mo lahat.
Malumanay niya sabi. Di ko na napigilan yung luha ko. Masakit din sakin na yung taong sobra kong mahal. Nasasaktan ko na pala. Na diba ang sabe nila. Kung mahal mo talaga ang isang tao. Hindi mo alam kung paano siya sasaktan.
Instead ang alam mo lang ay ang mahalin lang siya ng buong buo at siyang siya lang. Nagsalita ulit siya...
Ara: Baby sabe mo walang iwanan. Sabe mo kapit lang ako sayo. Sabe mo sabay nating haharapin ang mga problema. Sabe mo hawak kamay natin lalagpasan ang mga pagsubok satin. Baby bakit ganun?
Patuloy pa din ang pag iyak niya at uminom ng beer. Patuloy din ako sa pag-iyak ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko na alam kung paano ko mapapawi yung sakit at lungkot na dati ko ng naalis. Na ako din ang nagbalik.
Narinig kong tumunog yung phone niya at pinunasan niya yung luha niya.
Ara: Hello?
Yes Im ok.
Im alright.
I know. I know. Di naman ako lasing. Nag a unwind lang ako.
Im safe. Ill be driving maybe later. Pawawalain ko lang tama ko.
Alright. Thank you Mika.
Thank you so much Miks.
Alright. Bye.
Nakita kong pinatay na din niya yung phone niya inubos na ang hawak na beer.
Gusto ko siyang yakapin kahit hindi pa siya kalma. Gusto ko siyang yakapin kahit galit siya. Gusto kong magsorry sakanya pero di ko alam kung paano. Gusto kong sabihin na siya at siya pa din. Na mahal na mahal ko pa din siya.
Pinunasan ko yung luha ko ng makita kong nakatayo na si Vic na medyo nag gegewang gewang na. Patay tayo nito. Baka maaksidente to. Agad akong bumalik sa kotse ko at dun ko na lang siya tinignan.
Mga ilang minuto pa bago niya pinaandar yung sasakyan niya. Sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa nakarating kame sa bar kung saan niyakap niya ako ng mahigpit.
Kung saan after 1year naramdaman ko siya ulit. Nakita kong inalis ng isang bouncer yung nakalagay na reserve parking kanya pala yan.
Nakita kong umakyat siya papuntang 3rdfloor. Maya maya may sumunod na waiter at dinalhan siya ulit ng beer.
Di pa din pala siya tapos mag inom. Maya-maya nakita kong lumabas at bumaba na galing 3rdfloor yung waiter.
Ganito yung pinangarap namen eh. Yung bar tapos sa taas yung bahay namen. Di kaya sakanya to? Nagulat ako ng tumingin ako sa pinto na may iniluwa na lesbian at isang babae.
Ang saya nila tingnan ah. Teka akala ko ba lasing to? Mapuntahan nga to habang naglalandi.
Habang naglalakad ako nakatalikod lang siya sa akin kaya di niya alam na papalapit ako. Hahalikan na niya sana ang babae ng bigla akong sumulpot sa gilid niya.
Ako: Kamusta paglalandi mo? Ayos ba? sabe ko habang nakapameywang at nakataas ang isang kilay.
Julls: Babes its not what you..
Bigla ko siyang sinampal. Yung full forces na.
Ako: Its not what I think? Well hell yah. I heard a lot of you flirting some of girls while Im in states. Ayoko lang maniwala sakanila kasi di ko nakikita. Well ngayon naniniwala na ako.
Julls: Babes I can explain.
Ako: Dont be. Di ko din naman hinihingi. Hey b*tch. Takecare of her ah.
Tumalikod na ko at hinayaan ko na sila. Isa din sa natutunan ko kay Ara na wag mag frefreak out agad kapag galit. Kaya kinalma ko muna ang sarili ko saka ko siya sinampal.
Sumakay na ko ng sasakyan ko at dumiretso ng uwi. Kapagod tong araw na to ah.
——————
BINABASA MO ANG
Something New ( A KaRa and BaRa FanFic )
FanficNaisipan ko lang po silang gawan. Comments and Violent reaction okay lang po. Thank You.