Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba?
Sumagi na ba sa isip mo na sana bukas pa ang kahapon?
Minsan sa buhay natin bigla bigla na lang magdidilim ang lahat, tipong babahain tayo ng luha, makakaramdam ng sobrang pagkalungkot at pagsisisi sa mga bagay na hindi natin nagawa.
Ako nga pala si Betina isang kolehiyala na nagaaral sa isang unibersidad sa sikat na paaralan sa manila. Ako at ang yaya ko lang ang kasama ko sa bahay dahil sa busy ang mga magulang ko kakatrabaho sa ibang bansa. Hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila para sakin kaya naman hindi ko sila tinuturing bilang isang magulang. Kundi lang siguro dahil sa bestfriend ko malamang napariwala na ang buhay ko ngayon. 2nd year college na kami ni Jake sa kursong Business Management, parehong mga negosyante ang mga magulang namin kaya naman ito na lang din ang kinuha naming kurso dahil kami lang din naman ang magmamana sa aming mga negosyo.
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!
“arg! Lunes na naman! Bakit kasi kaaga aga ng pasok namin!”- aya ko habang nagliligpit ng pinaghigaan ko.
“senyorita Betina, bumaba na po kayo at kakain na, hinihintay na rin po kayo ng driver niyo sa labas para di po kayo malate” sigaw ng yaya ko mula sa ibaba.
“opo” sigaw ko pabalik. Naligo na ako at nagbihis ng uniporme bago bumaba. ‘pag dating ko sa kusina andaming pagkaing nakahanda samantalang ako lang naman ang kakain.
“yaya saluhan mo na po ako sa pagkain, ang boring naman kasi kung ako lang magisa ang kakain ng lahat ng ito” aya ko kay yaya. Matapos kong kumain at mag-ayos ay nagpahatid na ko sa school ko.
*sa University
“Good morning Bestfrieeeeeeeeeeeeend!” nakangiting bati ni Jake sa akin.
“Good morning din best, nakareview ka na ba? Tanong ko
“oo naman, ako pa. Ikaw ba?”
“syempre naman, ayokong matalo mo ko noh HAHA!” pang-aasar ko. Top 1 kasi ako sa klase namin habang top 2 naman si Jake. Magkalaban man kami sa klase hindi naging hadlang yun para maging magkaibigan kami, sa katunayan pa nga dahil dun naging magbestfriends kami. Laging nandyan si Jake sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot at pangungulila sa pamilya ko. Minsan pa nga sa bahay na namin siya natutulog para lang may kasama ako. Hindi niya hinahayaang maramdaman ko na nagiisa lang ako. Mabait si Jake, gwapo, matalino, mayaman, gentleman. Halos lahat ng babae pinapangarap siya dahil sa katangian niyang taglay. Hindi ko alam sa kanya kung bakit wala siyang nililigawan since highschool kami. Sa tuwing tatanungin ko siya, ang lagi niya lang sagot ay may mahal na daw siya. Ayaw naman niyang sabihin sakin kung sino ang maswerteng babaeng yun. Minsan pa nga niloko ko siyang bakla kaya naman nakatanggap ako ng kiss sa kaniya. Yes! That was my first kiss. Parehas kaming nagulat pero nakarecover din agad. Hindi namin binigyang malisya yun dahil alam naman naming pareho na wala lang yun. Noong panahong heartbroken ako, lagi siyang nandyan para icomfort ako. Hindi niya ko iniwan, lagi niya kong pinapasaya. Minsan nga binilhan pa niya ko ng isang gallon na chocolate ice cream para lang daw gumaan ang nararamdaman ko, lagi din siyang nagjojoke kahit na ang corny corny na at nagmumuka na siyang tanga para lang mapatawa niya ako. Matapos kong makalimutan ang first love ko na siya ding naging dahilan ng first heartaches ko, naging mas tumibay ang samahan naming ni Jake dahil sa araw araw niyang pagsama sakin.
“tara na best sa room baka malate pa tayo”-Jake
“mabuti pa nga, ayokong mapagalitan. Masungit pa man din yung prof natin, palibhasa matandang dalaga” HAHA! Type pa nga ata ng prof naming itong si Jake ee.