Chapter 25

69 2 0
                                    

William Dela Vega





Sa dinami-rami ng lugar na maari kong pagdausan ng kaarawan ko, sa hospital pa talaga.





Suki na yata ang pamilya namin sa mga hospital. Ito pa naman ang pinaka-ayaw kong lugar sa lahat.




My parents were the one who planned all of this, matapos kong matuklasan ang tungkol sa sakit ko, ni hindi ako natakot tanggap kong mamamatay tayong lahat sa paraang gusto ng diyos, bakit ko pa pag-aaksayahan ng pera ang katawan ko, it will be useless after all.







Ramdam ko na ang mga pagbabago sa katawan ko, ang mga panghihina dahil sa hindi rin naman ume-epekto ang mga gamot na iniinom ko noong mga nagdaang buwan. Halos di ko na rin makilala ang sarili ko sa tuwing tinitingnan ko ang repleksiyon ko sa salamin.







3 decades of living is a blessing already. Hindi ko man maabot ang edad na 50 sapat na rin ang ilang dekada na naging pamamalagi ko sa mundo. And now I've realized that I've wasted much of my time loving Cristine, hindi kami para sa isa't-isa, the world is against our marriage it's against our love story,




but who am I fooling?





Sa mga kasalanan ko sa kanya parang hindi ko naman siya minahal.





Sinubukan kong iwaksi at isantabi ang mga galit ko sa kanya, pero pagmamahal ko na mismo ang sumuko sa sarili kong katarantaduhan.






I deserved this inevitable death, plano ko na talagang hiwalayan siya, and knowing the truth pushed me hard to really end everything between us.





Hindi na ako naniniwala sa konsepto ng pagmamahal, makasarili ang tao.



Si Cristine, yes she is included to that category. She is so selfish because she wants me to love her just like I did before.



At ako, gago ako, makasarili ako dahil pinairal ko ang kung ano mang demonyo na sumapi sa kin para magawang saktan ang babaeng pinakasalan ko noon. Ang babaeng minahal ko.




She gave everything yet I did nothing to keep her.




The worst is... I've hurt her so much. Sobra pa sa pisikal na sakit.






Sana lang, sa oras na ito napatawad na niya ako, dahil baka sa tuwing nakikita niya ako lalo lang niya maalala ang mga kagaguhan na pinag-gagawa ko sa kanya.




Sinaktan ko man siya ng pisikal sa loob ng ilang taon, pero hindi ko ni minsan nagawang tumikim ng ibang babae maliban sa kanya, kahit na may mga pagkakataong marami ang tukso sa paligid.






At aaminin ko, may kung ano sa pagkatao ko ngayon ang nagsasabing lumaban pa, para mabuhay at magpatuloy.






Sumasagi sa isip ko na piliing maging masaya, pero ang totoo ay para bang may lungkot, hindi dahil sa alam kong mawawala na ako kundi dahil sa para bang may kulang.




Is it Christine? Or is it just the guilt that made me think so... Na parang may kulang.





But no matter what it is.... It could have been too late..



Alam ko na wala akong karapatan na humingi ng tawad sa diyos, pero ito ako ngayon at parang isang maamong tupa na taimtim na nagdadasal at kinakausap siya.




Kusa na lamang akong dinala ng mga paa ko sa chapel ng hospital kung saan ako nagpapagamot.





Gabi na at kapag ganitong oras ay hindi na rin ako makatulog o dalawin ng antok, at sa mga oras ding ganito ay dito ako nagpupunta, dahil dito nagiging payapa ang loob ko, nawawala ang pagiisip ng kung anu-ano, siguro dahil noon hindi ko kilala ang diyos, baka nga tama ang kaibigan ni Cristine na si grace, kamag-anak ako ni lucifer.





At aminin ko man o hindi kinakain na ako ng konsensiya ko.





"You're still awake ... Do you have problems to share, son handa akong makinig..?"

tiningala ko kung sino ang nagsalita sa harap ko at iyon ay si papa, hindi ako agad nakakibo at niyuko ko na lamang ang ulo ko, dahil wala naman akong mukhang maiharap sa kanya, wala na nga akong kuwentang asawa alam kong hindi rin ako naging mabuting anak.






Malaki ang tampo ko kay papa, at hindi rin naman kaila sa kanya iyon, bihira rin kaming magusap sa mga nagdaang taon, hindi namin naranasan ang masinsinang paguusap kagaya ng iba, dahil nauuwi sa pagaaway ang sa amin ni papa.






Kaya kadalasan ay sinasarili ko na lang, o kaya minsan ay kay mama ako nagsasabi dahil konti rin naman ang mga kaibigan at kakilala ko at kung meron man, ay ayokong manghimasok sila sa personal kong buhay, kaya't maging ang pananakit ko sa sarili kong asawa ay wala gaanong nakaaalam, maging si Sofia.





"I have never seen you as miserable, like this... Kahit noong magkasama kayo ni cristine at sinasaktan mo siya, nakikita ko kung gaano ka ka-miserable.





Are you happy hurting the people who truly loves you?







What happened to the sweet and charm little boy they are very fond of.."




"Why are you saying that... Do I have to give you my answer , na oo miserable nga ang buhay ko, na oo tarantado ako kasi sinaktan ko yung taong minahal ako, na ngayon kinakarma ako.









Dahil ako yung problema, sarili ko ang nagdudulot ng problema sa inyong lahat. Hindi ko matanggap na lahat kayo pinagmukha akong tanga, hindi ko matanggap na yung mga taong mahal ko, kayang itago sakin ang totoo... Ako yung problema pa..ako..!"


Mahirap mapunta sa sitwasyong traydurin ka ng mga kaaway mo... Pero mas masakit ata yung pakiramdam na maloko ng mga taong di mo akalaing tatraydurin ka...



"Learned to forgive yourself William, learned to forget what was happened in the past, tao lang tayo anak, lahat tayo ay nagkakamali...



Huwag mong isipin na karma iyang sitwasiyon mo ngayon, you deserve to live, may pagkakataon pa para itama ang mali William, and you could only do that if you'll choose to live.




And, please do a favor for us, lumaban ka at talunin mo ang sakit mo.

Your family is waiting for you..



your wife... and




...your child.

They are all waiting for you.




May pamilya ka pang dapat ipaglaban at balikan"




and by that, kusang tumulo ang luha ko na ngayon lang muli pumatak matapos ang ilang buwan, ayokong aminin sa sarili ko na masakit din pala ang mang-iwan at iwanan.




Napakatanga ko dahil imbes na lalong lumaban ay pinili ko na lamang ang bumitaw.



Dahil alam ko na sa paraang iyon, mapapadali na ang lahat, inakala ko na hindi na rin sapat ang pagmamahal para manatili sa relasiyong tinalikuran at tinuldukan ko na.





"P-pa... Do I really deserve a second chance... I hurt my wife up to an extent.




And now you're telling me that I have to live for my family.




My life... Is about to end, and I might do the same mistake of hurting her again, if God allow me to live longer than I should be.





Pa, let's face it , kahit magpa-chemo theraphy pa ako ng ilang beses, sooner or later mamamatay pa rin ako, it's a serious stage 3 cancer , tataningan na rin ako ng doktor kapag lumala pa ito, I literally have to say goodbye..."























Updated!!!🙈🙈

Her Greatest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon