Christine Dela Vega
Mabigat man sa loob ko ang umalis ng hindi man lang nakikipag-ayos kay mama, ay wala na rin akong magagawa pa.
Hindi na niya ako gaanong kinikibo mula noong pilitin ko siya sa gagawin kong pag-alis. Ilang beses pa kaming nagkaroon ng argumento tungkol sa desisyon kong iyon, ngunit sa dakong huli ay wala na rin naman itong nagawa dahil sa ginawa kong pakikipagmatigasan.
Dalawang linggo rin ang tinagal ng paghihintay ko upang maisaayos ang mga kakailanganin ko upang makalipad patungong Canada.
At hindi ko magagawa ang bagay na iyon kundi dahil na rin kay mama , masama man ang loob niya sa ginawa kong iyon ay nagawa niya pa rin akong suportahan, na siyang ipinagpapasalamat ko naman kaya nag-iwan na lamang ako ng sulat bago ako umalis, upang makapagpasalamat na rin.
Dahil wala akong natatanggap na tawag mula kay Willliam , ay ako na ang naglakas loob na tumawag sa numerong ibinigay in sofia bago pa ako bumiyahe, upang malaman ang address ng hospital na kinaroroonan ni William, dahil maging si Sofia ay hindi rin alam ang eksaktong lugar.
Umasa akong sasagutin ni william ang tawag na iyon , at hindi naman ako binigo ng dasal at pagasa ko, hindi si William ang nakasagot ng tawag kundi si sir Philip, mabuti na rin iyon at hindi ang madrasta niyang ina, dahil kung nagkataong malaman nito na ako ang tumatawag ay baka mag-hysterical na namang muli ito.
Humingi si sir Philip ng paumanhin sa naging pag-alis nila ng wala man lang akong kaalam-alam, maging ang inasal ng asawa nito sa aking ina ay inihingi rin niya ng pasensiya, na agad ko rin namang tinanggap, labas ang usaping iyon sa aming mag-asawa kaya't dapat lang na hindi gawing big deal iyon.
Sinabi niya sa akin ang kalagayan ng asawa ko, pinilit lang nila itong umalis ng bansa at magpagamot, sa pagasang baka maisalba pa ito sa sakit niya. At kapalit din nito ay ang isang kondisiyon na huwag nang ipaalam pa sa iba maging sa akin ay gusto niya rin itong isekreto.
Buong biyahe ay hindi ko magawang ngumiti dahil na rin sa kaba na nararamdan ko, una dahil sa loob ng ilang minuto ay magkikita na naman kaming dalawa at sunod ay ang kaba dahil sa magiging reaksiyon ng mama ni William, sa oras na makita ako nito.
Pagkababa ko ng taxi ay tumambad ang isang 12 storey na building , nagbayad na ako sa driver at kinuha ko ang cellphone ko sa bag upang matukoy kung tama ba ang nakasulat sa address na ibinigay ni Sofia....
Tama naman ito kaya pumasok na ako upang itanong ang room number na kinaroroonan ni William. Matapos maibigay ng nurse ang inpormasiyong kinakailangan ko ay nagpasalamat na ako dito at pinilit pakalmahin ang sarili ko, habang papunta sa number na ibinigay niya.
………
William Dela Vega
Sinundan ko ng tingin ang palabas na anyo ng isang mestisong lalaki, ang doktor na kasalukuyang tumitingin sa sakit ko.
Hinihintay ko na nga lang ang deklarasiyon nila kung ilang buwan na lang ang itatagal ng masamang damo na tulad ko, nakakasawa na rin na palaging puting kisame ang bubungad sa paggising ko at bago ako matulog.
"It seems that yo'ure getting better son, please do continue to fight, naniniwala ako na gagaling ka rin"...
Simula nang araw na makapag-usap kami ni papa ay naging maayos na rin ang relasiyon naming mag-ama, kung iyon lang pala ang paraan para bumalik kami sa dati ay sana ginawa ko na.
"How come that I'm getting better, when I'm still here. Lalo lang akong magkasakit ng husto kung nandito ako....."
Tiningnan ko ang buong paligid ng kuwarto, at napansin kong wala na naman si mama....
"Pa, may importante bang inaasikaso si mama at mukhang bihira ko lang siya makita? Nagtataka na talaga 'ko sa babae na iyon..."
Hindi na lamang kumibo si papa sa tinanong ko, dahil siya man ay mukhang hindi alam ang kinaroroonan ni mama...
Ngunit ilang minuto pa ang nakakaraan ay pareho kaming napatingin ni papa ng bumukas muli ang pinto ng kuwarto...
BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
RomantizmIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.