Chapter FIFTEEN
Maaga ako nagising ngayon kasi ewan ko din. At yung alarm clock kong pangalan ay sabrina? eto! tulog mantika lang naman, nauna kasi akong natulog sa kanya kagabi. Paano ba naman eh pinagpantasyahan lang naman ang gay crush niya at pagod din ako kagabi kaya pagkatapos ng daldalan portion namin natulog na din ako
"Couz! gising naaaaa~" gising ko sa tulog mantika kong katabi na si sab. Ewan ko ba dito, may sariling kwarto naman pero nakikisiksik pa dito sa cute kong kwarto
nung ginawa kasi 'tong bahay namin ako ang namili kung anong ayos at kung anong kulay. Pinili ko color pink at may highlight na puti at may sticker ng mga strawberry na malalaki sa wall at may unan din akong strawberry yung shape at design pati upuan, salamin sa CR, bed sheet at clock ko ay strawberry designs din, mapa ice cream o gamit eh. AT hindi talaga ako mahilig sa strawberry chuchu eklavu ek ek na 'yan, hindi talaga promise. HINDI!! period. Pero may isa pa akong favorite, hulaan niyo! haha joke. Favorite ko rin si Hello Kitty. Ang cute cute kasi nakakapagsalita pero wala namang bibig tapos tao daw pala siya pero 'kitty' din siya ha ha ang gulo ha ha 'kay. kay as in okay ha, hindi as in kai ng exo hihi.
pero kabaligtaran naman ng room ko ang room nitong si sab. Kasi sa kabila ng girlish, kikay, bekimon magsalita nitong si sab eh color BLUE ang kulay ng kwarto niya. Actually hindi siya as in blue, light blue siya na parang room ko din na may highlight na white. Sa sobrang kaadikan kasi kay doraemon ayan napala haha. May stuff toys din siya na doraemon. Siguro nga kung titignan ang kwarto nila ng gay crush niyang si cooper eh malamang sa alamang mas mukha pang kwarto ni Sab ang kwarto ni Cooper, if you know what i mean...
"Hmm.." sabi niya lang na nakapikit pa din. Aba! ang kulit nito ah
"Gising na sabiii, mali-late tayo niyan eh." panggigising ko ulit kay sab
"I love you too Cooper.." Eh? pati ba naman sa dreamland pinagnanasaan niya pa din ang baklang 'yon?
"HOY! GUMISING KA NA! NASA BABA SI BAKLA MO, SUSUNDUIN KA DAW." syempre imbento kuno ko lang 'yun. Kasi kung totoo man 'yun syempre hindi ko papapasukin ang baklang yun 'no! kala niya nakalimutan ko na yung pagtataray niya sakin dati. Aba hindi! ano siya manok? nek nek niya.
oo, hanggang ngayon medyo mainit pa din ang dugo ko sa baklang 'yon. MEDYO so that's mean medyo na lang, improving naman at least diba? choosy pa siya.
BINABASA MO ANG
AbnormaLove (abnormal love)
Teen FictionAng gusto lang naman niya ay simpleng buhay. Gusto lang naman niya ay mahalin siya ng sarili niyang ina. Pero imposible ata 'yon, dahil mas mahal pa nito ang business nila kesa sa sariling anak. Pero isang araw na hindi niya namalayan ay may lalakin...