Nang pormal kaming naipakilala, marami na akong alam tungkol sakanya.
Andrei Marcus Ignacio ang pangalan niya. 13 years old, January 1 ang birthday. Magaling siyang sumayaw. Mabait sya at gusto sya ng maraming babae dito sa paaralan. Matalino rin daw ito. Mahilig siya mag computer at tumugtog ng gitara. Best friend niya si Pierre, na kilala at nakakatext ko paminsan minsan. Alam ko na din ang basics niya: tirahan, magulang, kapatid, etc. Hindi ako stalker, nakita ko ito sa account niya ng i-add nya ako.
"Kayo na ang bahala sa grupo, ha?"
Halos ihampas ko ang arm chair sa nakangiti naming guro sa Values Ed, pero syempre hindi ko iyon ginawa. Ayokong ma-guidance. Unang taon ko palang ito at ayoko ng bad record.
"Opo!" Masayang ngiti ni Rei. Inirapan ko siya sa utak ko. Masyadong mapapel, kainis!
"Jill," aniya nang makaalis ang guro. Ipinagpakilala na kami kanina kaya alam nya ang pangalan ko. Walang kamangha-mangha sakanya ngayong nakikita ko na sya ng malapitan. Kahit nang nagkamayan kami ay hindi nagwala ang puso ko, hindi gaya ng ginagawa nito dati tuwing nakikita ko siya.
Lumingon ako. "Ano?" Matalim kong tanong. Sinubukan ko maging mabait pero sa hindi ko alam na kadahilanan ay naiinis ako sakanya.
Namula sya dahil sa tono ko. Takot ba sakin 'to? Psh. Weak.
Kinagat ko ang labi ko. Bakit ang sama ko mag-isip? Bad, Jill, benice. Inulit ko ang tanong sa mas malumanay na boses.
"Ah! Pumili ka ng sampu sa klase nyo at pipili ako ng sampu saamin. Brainstorm tayo mamayang hapon sa triangle."
Tumango ako. Ang bossy naman ng isang 'to.
"Galingan sana natin!" Masayang sabi niya sabay ngiti. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa ngiting 'yon. Nakita ko na may braces siya, baby blue at nakakainis tingnan. Pangit ang ngipin kaya yan. Weirdo. Tss.
Pero lumukso ang puso ko sa ngiti nya kaya mas nainis ako. Dahil sa nerbyos ay nagsisimulang magpawis ang aking palad. Ano bang meron at nagkakaganito ako?
Nilukot ko ang aking noo at tumango ulit bago maglakad pabalik sa silid. Gaya ng sabi nya, pumili ako ng sampu mula sa klase. Sila ang pinakamagagaling sumayaw at kumanta saamin. Naatasan kasi kaming sumali sa patimpalak para sa nutrition month celebration, kaya heto.
Nang matapos ang klase ay nagpulong na ang mga kalahok. Madali kaming nagkasundo at maagang na-adjourned ang meeting. Buong pulong ako nakabusangot dahil nangunguna nanaman ang mapapel na Rei na yun.
"Jill, tara na," yaya ni Faye sakin. Isinali ko rin siya dahil marunong siya magbeat box. At dahil gusto niya raw makasama yung mapapel na lalaki.
"Sabay sabay na tayo pauwi," anyaya ni Rei sabay ngiti saakin. Namula si Faye pero napa-irap lang ako. Agad siyang pumayag kaya hindi na ako nakatanggi.
Habang naglalakad kami, kwento lang ng kwento si Rei. Naaasiwa ako sa boses nya, pero aaminin kong masaya siya kasama. Tahimik lang si Faye na nakikinig at mukhang pinaglalawayan na si Rei kaya natuwa ako ng paglabas ng gate, sa kaliwa siya dadaan.
Hindi ko alam kung bakit masaya akong nagpaalam kay Faye gayong naiinis ako dahil kasabay ko si Rei papuntang kanan. Naiinis ako kasi nagpapawis nanaman yung palad ko at ayaw nito tumigil.
Nakasalubong namin si Dane, yung nagbigay sakin ng bulaklak noong kelan at nakita kong medyo irita ito kay Rei. Good. Akala ko kasi ako lang ang naiinis sakanya.
"Di ba manliligaw mo yun?" tanong ni Rei saakin ng makalampas si Dane.
Ayoko mag-explain sakanya na hindi ako nagpapaligaw at bata pa ako at wala 'yun sa isip ko, kaya sinagot ko sya ng isang tango.
"Pfft. Wala naman iyong binatbat kay Pierre," bulong nya, pero narinig ko.
Ayoko sana magsalita pero na-curious ako. "Ano kay Pierre?" usisa ko.
Medyo nagulat siya. Akala niya ata di ko maririnig. Tss, hello? di naman ako bingi.
Umiling siya. "Sorry pala nung tinititigan kita ha?" Biglang liko nya ng topic kaya nagulat ako. "Hindi ko naman sadya na istorbohin ka. Kaso si Pierre..." umiling uli siya. Naghintay ako ng kasunod pero wala na siyang dinagdag kaya napilitan ako magtanong.
"Ano nga kay Pierre?" inis na sambit ko. Pag hindi niya 'to sinagot itutulak ko sya sa kalsada! Masagasaan sana!
"...ah, eh, gusto nya itulay ko kayong dalawa. E hindi naman kita kilala, kaya tinuro ka nya sakin. Kaso I'm not good with faces kaya kailangan kita titigan para maalala ko yung mukha mo." nahihiya nyang sagot.
Nalinawan ako dahil dun. Nagtataka talaga ako kung bakit nya ako tinititigan noon. Ngayon alam ko na. Inutusan lang siya ni Pierre. Kaya naman pala. Acceptable reason naman yun.
Tumititig siya kasi inutusan siya. Okay lang naman 'yon, a? Pero bakit parang disappointed ako?
Ipinagkibit balikat ko nalang 'yon at hindi na nagsalita hanggang sa makarating kami sa paradahan ng mga tricycle. Hindi ako nagpaalam dahil naiinis ako sakanya.
Pagkarating ko sa bahay, agad kong tinignan ang cellphone ko. Hindi ko kasi 'yun pwede dalhin sa school. Ayaw nila mama na mapahamak ako dahil marami na ang naiisnatchan ngayon.
Gaya ng inaasahan, may text na mula sakanya.
From: de los Reyes, Jack
Good evening, Jill :)
Natuwa ako sa smiley nya. Alam kong nakangiti talaga siya ng isend iyon.
To: de los Reyes, Jack
Good evening din.
Ilang buwan na kaming magkatext. Simula pa noong Grade 6 at buong bakasyon. Una naguguluhan ako sa kakatext nya kaya tinanong ko siya kung bakit. Araw araw niya kasi ako pini-PM. May gusto daw siya sakin kaya ganun.
Hindi ako naniniwala na pwede na kami ma-in love. Una, kasi bata pa kami. Ikalawa, dahil hindi pa namin kilala ang isa't isa ng lubusan. Pero gustolang naman ako ni Jack, hindi naman mahal, kaya hinahayaan ko ang pagtetext.
Ikatlong section siya sa school at sabay ang recess namin kaya minsan ay nakakausap ko siya. Hindi madalas, kasi kaibigan nya si Dane at naiinis parin ako pag naaalala ang pagsimpatya nya rito.
Magkatext kami habang sinasagutan ang mga assignment ko. Katext ko rin si Pierre. Mamaya pagnatapos ako ay titigil na ako magtext sakanya para magbasa sa Wattpad.
Pagtunog ng cellphone ko, akala ko ay nagreply na uli sila. Pero unregistered number ang lumabas.
From: 09101313060
Good evening, Jill. Nakauwi ka na ba? - Rei
Nalukot ang noo ko dahil sa pagwawala ng puso ko. Bakit ba madalas ako nerbyosin? Uminom ako ng tubig bago sumagot.
To: Ignacio, Andrei Marcus
Oo na. Kanino mo nakuha ang number ko?
Mabilis siya nagreply.
From: Ignacio, Andrei Marcus
Kay Pierre. Sige, ni-check lang kita. Good night, Jill. See you tomorrow!
Naiinis nanaman ako! Hindi naman ako paslit para i-check kung nakauwi na. Kung makaasta parang nanay! Hindi, parang boyfriend!
Pinagpawisan ang kili-kili ko dahil doon. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Psh. Ayoko sa mapapel. Ayoko kay Rei dahil kung makangiti siya akala mo wala ng bukas. Yung mata nya ang talim pa timingin. Akala mo kung sinong gwapo kung makaasta, mataba naman! Hmp!
Agad kong tinapos ang aking assignment at nagpaalam kina Pierre at Jack. Magbabasa nalang ako ng Wattpad.