One Shot: For Real?!

117 5 3
                                    

Kailie's POV

Andito ako ngayon sa loob ng classroom at tulala sa isang tabi. Hays! Bakit kasi ang tagal nya? Boring tuloy.

"Andito na sya kyah!" Sigaw ng mga Classmate kong babae at pumunta sa harap ng pintuan.

Sa wakas! andito narin ang bestfriend kong si Cliff Anthony Suarez. Oo besfriend ko ang Campus Crush. Di ko alam kung swerte ako dahil Bestfriend ako O malas ako kasi nga Besfriend lang ako?

Tinitigan ko sya habang papasok sa Classroom. Hay... Ang gwapo nya talaga! No wonder kung bakit ang daming nag kaka-crush sa kanya.

"Uy Kailie! Aga ah!" Sabi ni ng Bestfriend kong si Cliff at Umupo sa tabi ko.

"A-Ah M-Maaga lang akong nagising" Nyemas! Nakakahiya! Bakit ako nauutal.

"Oh anyare sayo? Ba't ganyan ka magsalita? May lagnat kaba?" Sabi ni Cliff saakin at hinawakan ang noo ko.

"W-Wala" Saba'y hawi ko sa kanyang kamay na nakahawak sa aking noo.

"Okay" Untag nya. Pwede na akong matunaw! Geez! In love na ata ako sa bestfriend ko. Ang saklap!

Biglang dumating ang prof namin kaya't nagsi-ayos na sila ng upo. Pagka upo namin ay agad nag discuss ang prof namin. Ang boring! Pwede na kong matulog. Makakatulog na Sana ako ng bigla akong inakbayan ni Cliff at bumulong.

"Inaantok kaba?" Hindi ako makahinga at tingin ko ay sasabog na ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

"Oo e" Sabi ko sa kanya sabay hikab.

"Tutulungan kita" Nagtaka ako sa kanyang sinabi. Nang bigla nya akong kinurot sa pisngi dahilan para mapasigaw ako ng malakas. Jugigo!

"Aray!" Sigaw ko sa kanya at agad syang hinampas.

"Sabi mo inaantok ka? Ayan gising ka na haha"

"Miss Kailie Henarez! Please get out of this Classroom" Sigaw ng prof namin. Paktay!

"P-Pero" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumigaw ang prof ko.

"Now!" Wala na akong nagawa kaya't kinuha ko ang aking bag at agad na umalis.

Ays! nakakainis si Cliff pero mahal ko parin sya!

"Uy Kailie!" Sigaw ni Cliff sa Corridor kung saan ako naglalakad.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya ngunit nakatalikod parin.

"Syempre sinusundan ka! Saka sinabi ko na sa prof natin na ako yung may kasalanan!" Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Gusto lang mag-galit galitan haha.

"Don't talk to me Cliff! Galit ako sayo!" Sigaw ko sa kanya sa likod ko.

"Sorry na please. Patawarin mo na ko~" Kainis ang cute nya! Bawat nadadaanan naming Classroom ay may tumitili dahil nakikita sya.

"Sige sige! Pero sa isang kondisyon!" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

"Anong kondisyon? kahit ano para sa lang sa bestfriend ko!" Sabi nya saakin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sinabi nya. Bestfriend?

"Ililibre mo ko ng lunch for the whole week!" Hindi naman sa wala akong pera. Gusto ko lang malaman kung seryoso syang hingin ang fogiveness ko.

"Yun lang pala! Kung gusto mo for the whole month pa!" Natuwa naman ako sa sagot nya. Ngumiti sya saakin kaya't kinabahan at na napatitig ako sa gwapo nyang mukha.

For Real?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon