#AGBGbacktoschool
MIYU'S POV
Hello everyone, ako muna ang mag p-pov wala sa mood ang mga kasama ko... Anyway yun na nga back to school na kami, as usual walang pagbabago ang HU. Pagpasok ko sa room namin ay napakaingay ng mga kaklase ko, at tulad nang dati ang gulo ng mga lalaki, may pinag uumpukan nanaman.
"Lily, sino ba yang pinag uumpukan dun?"
Tanong ko sa isa kong kaklase na nakikinoud na lang din sa mga lalaki. Napatingin siya sa'kin, at halos 'di maipinta ang mukha.
"Si Victoria."
Nanlaki ang mata ko, si Victoria? Ang tagal na naming magkakasama pinag uumpukan pa din siya? Sabagay maganda naman kasi talaga si Victoria, pang dream girl.
"Hindi naman talaga maganda ang babae na 'yan eh, nadala lang ng mga damit niya."
Napatingin ako kay Lily, selos ka lang seguro kasi naman dati ikaw ang muse. Napangiti na lang ako at umupo sa chair ko. Wala pa si Lei?
Speaking of the beautiful girl, nandito na nga siya, laglag ang balikat at parang walang buhay sa subrang tamlay. Seguro malungkot siya kasi wala si Seven, kahit man ako malungkot din, ito ang unang araw ni Master Seven sa military.
Kinawayan ko si Isiah at pabuntong hininga lang siyang ngumiti, kasunod niya ang class adviser namin na si Ms. Santos.
"Ano nanaman ba ang pinagkakaabalahan ninyo!? Magsi upo nga kayong mga lalaki kayo!"
Pagsaway ni Ms. Santos sa mga lalaki, 'di nila nabantayan si ma'am kasi nasa likod siya ni Isiah. Naupo naman sa tabi ko si Isiah, wala ito sa sarili, at nang magsiupo na ang mga lalaki na gulat kami sa sinabi ni Ms. Santos.
"Miss lee? Anong nangyari sa uniform mo? Above the knee ang skirt natin ba't 'yang sa'yo ang iksi? 'Pag nilipad ng hangin kita na 'yang panty mo?"
"Ang cool nga maam ei!!" Ani ng mga lalaki.
Naghiyawan silang lahat, pinalo-palo ni Ms. Santos ang mesa dahil sa ingay ng mga lalaki. Si Victoria naman ay pa kindat-kindat pa siya sa boys na ikinahiyaw naman ng mga boys.
"Magsitahimik nga kayo!" Sigaw ni Miss Santos.
Nagsitahimik naman ang mga lalaki nang sawayin sila ni Ms. Santos, at tinignan pa niya ulit si Victoria.
"Ma'am, 'wag ka na nga ma-bother sa skirt ko, sa Japan nga---" 'di natapos ang sasabihin dahil pinutol ni Miss Santos.
"Japan yun, 'di sana sa Great Kenkai University ka nag-aral hindi dito sa Huangjo University."
Hindi na nagsalita si Victoria, at nagsimula nang mag-lecture si Ms. Santos. Tulad nang dati parang isang linggo siyang aalis.
"Ngayon bibigyan ko kayo ng project, at dahil si Isiah, Miyu, Brent, at Kathy ang nag-top sa project last month ay excempted sila, at kayong mga group na 'di nabanggit gawin n'yo ulit."
Umangal naman ang mga lalaki, nagrereklamo silang baket kailangan nilang ulitin, kesyo napakahirap no'n gawin, kesyo ganito at ganyan. Hi nako kung nag-aaral ba naman kayong mabuti ei.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romantizm"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...