EPISODE 5 PART 5 VICTORIA vs ISIAH

45 0 0
                                    

#AGBGsagupaan

MIYU's POV

Hello, Miyu again here... Ako muna ang POV alam n'yo naman po, kaya pagbigyan n'yo na ang inyong abang lingkod.

Tulad nga nangyari ngayon nasa canteen kami, at na basag nga ni Isiah ang kaartihan ni Victoria. Habang ang nasa paligid namin ay tahimik lang na nagmamasid.

"My gosh Vicky papayag ka ba na gaganyanin ka lang niya?" Maarting wika ni Brenda kay Vicky, 'yong parang demonyong bumubulong.

"Hoy babaeng nagmamaganda pwede ba tumahimik ka? 'Tong mukhang tipaklong na 'to." Saway ko sa kanya.

Tumayo si Brenda para sampalin sana ako pero bigla siyang napaupo nang hawakan siya ni Isiah para pa upuin ulit, sa lakas ba naman ni Isiah ei.

'Di na siya umimik nang tinitigan siya ni Isiah. Kilala kasi nila si Isiah 'di nagagalit agad, pero 'pag nagalit naman malala.

"Sumusubra ka na ha!" Maarting sigaw ni Vicky. "Ahhh alam ko na, nagkakaganyan ka kasi gusto mo ang fiancé ko."

Natawa ang mga nasa paligid, maging si Brenda napangiti, at feeling ni Victoria nagwagi siya sa ngiti niya.

"Ako? May gusto sa Fiance mo?" Pagturo ni Isiah na nakangiti. " 'Di ko pinangarap magka-fiancé ng tulad ng fiancé mo, kayo ang bagay kasi mahilig kayo mag-exercise 'pag nagsosolo kayo." Wika ni Isiah sa nakakalokong boses. "Ahh oo nga pala, kaya mo tinanggap ang alok ng fiancé mo ay dahil 'di mo matanggap na ako ang mahal ng fiancé ko na matagal mo nang gusto... Kaso 'di ka type?" Ngiti ni Isiah, " 'di ba? Kaya hindi ako ang may gusto sa Fiancé mo, ikaw ang may gusto sa Fiancé ko."

Naghiyawan ang mga nasa paligid, nawala ang ngiti sa mga labi nang kanina ay ngiting-ngiti na si Vicky, at si Brenda naman naglaho din ang mga ngiti.

"Ayaw ko sana patulan kayo pero---" Tingin kay Brenda. " 'Di ko akalain na ang gusto mong mga kaibigan ay mga wild---" wikang ngiti ni Isiah. "Wild boar." Dugtong niya.

Naghiyawan nanaman ang mga estudyante sa paligid, pati 'yong ibang friends pa nila Brenda ay parang natawa din. Kami naman nila Brent ay napapigil sa mga tawa namin.

"A-anong sabi mo!" Inis na tanong ni Brenda kay Isiah.

Tatayo sana siya pero 'di natuloy nang duruin siya ni Isiah. Napaupo siya ulit at nakatingin lang kay Isiah na ang huli ay wala man lang kahit anong expression na makikita sa mukha.

"Maupo ka, at manahimik." Sabi niya kay Brenda

"Pwede ba tigilan mo 'yan!"

Binaling ni Isiah ang tingin niya kay Victoria, napaatras ng kaunti ang huli sa gulat niya.

"Minsan tanungin mo ang sarili mo kung ano ang nagbago sa'yo, kasi hindi na ikaw 'yan.. Ang ugali mo kasing pangit nitong mga kaibigan mo. Kung gusto mo maging mabuting tao, at magustuhan ni Steven ayusin mo ang sarili mo, dahil baka sa ginagawa mo ay mas lalong 'di ka niya mamahalin."

Nanlaki ang mata ni Victoria sa sinabi ni Isiah, at ang mga nasa paligid ay nanahimik lang. Mga tinginan lang ang paraan para mag kakausap-usap. Aalis na sana kami ni Isiah nang bigla siyang huminto at hinarap si Brenda na ikinagulat naman ng huli.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon