The Crown Prince

164 1 0
                                    

THE CROWN PRINCE

Original Story: Kollene Albert D. Doncillo

Naniniwala ka ba sa fairytale? Sa biglaang pagbabago ng isang mutsatsa sa pagiging isang prinsesa? Naniniwala ka ba sa mga hari at reyna ng isang maganda kaharian?

AUTHOR'S NOTE: ALL CHARACTERS IN THIS STORY ARE FICTIONAL, AND ANY RESEMBLANCE TO REAL PERSONS LIVING OR DEAD IS PURELY COINCIDENTAL. DO NOT COPY ANY CONTENT OF THIS STORY WITHOUT THE PERMISSION OF THE AUTHOR. PLAGIARISM IS A CRIME!

PROLOGUE 👑

Simple lang naman ang buhay ni Claudius Jang. Gumising ng maaga... maligo... kumain... mag-sipilyo... mag-bihis.. at pumasok sa eskwela..

"Mabait naman si Claudius di ba?" tanong ng isang mag-aaral sa Exford Amster College (EAC) na pinapasukan ni Claudius.

"Mabait ka riyan? Kontrabida ka'mo." Sagot ng kausap nito.

Sikat si Claudius bilang isang villain sa EAC. Siya ay isang miyembro ng teatro o tinatawag nilang Art's Society, ito ay samahan ng mga mag-aaral na magaling sa sining, mahusay sa pag-awit, pag sayaw at pag-arte. Dahil sa laging kalaban ng bida ang ginagampanan ni Claudius tumatatak sa bawat estudyante ang kaniyang ginagawang kasamaan sa entablado. Tulad ng pagsampal, pagsabunot sa bida, pagbuhos ng tubig o alak nito sa mukha, pagsunog sa bahay nito at marami pang iba. Ngunit ito ay pag-arte lamang at sa entablado lang nagaganap.

"Mabait naman talaga ako eh." Sabi ni Claudius sa bestfriend nitong si Zhaijan Mosimo.

"Oo naman espren. Magtatagal ba tayong mag-espren kung hindi? Hayaan mo na lang sila." Tugon ni Zhaijan. Ang bestfriend ni Claudius, na lihim nitong minamahal.

"Minsan nga naisip ko na lang na totohanin. Tutal ganoon naman tingin nila sa akin."

"Yan ang huwag mong gagawin."

"Bahala na lang si Batman espren." Sabay appear nito sa kanya habang nagtatawanan at umiinom ng softdrinks sa plastic.

"Maiba tayo espren. Nasabi mo na ba riyan sa erpat mo na pusong mamon ka?"

"Ha? Naghahanap pa ako ng tiyempo."

"Pambihira! Last sem mo pa sinabi 'yan e!"

"Huwag na lang muna natin isipin 'yun. Si Aquaman na lang bahala dun!"

"Ayan tayo e!"

CHAPTER ONE 👑

Si Zhaijan ay isang miyembro ng Art's Society kung saan siya ay nakasama sa dancers. Simula pa lang freshmen ay magkakilala na sila dahil mag kaklase sila sa lahat ng subject at parehas din silang na sa iisang mithiin ang maging propesyunal na guro.

Umuwi si Claudius ng kanilang bahay na may ngiti sa mukha. Dahil naka-ipon na siya ng lakas ng loob para sabihin ang totoo sa Koreanong ama nito.

Sa lamesa ng sala kung saan sila ay kumakain ng kimchi habang nanunuod ng telebisyopn ay sinimulan ni Claudius ang pagtatapat.

"Apochi, mahal ko po kayo kaya sasabihin ko ito sa inyo." Wika ni Claudius.


" Igosun muo-shinjiyo, Atul?" Tanong ng ama nito.

(Ano ba ito, Anak?)

The Crown PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon