"Tugon sa kabataan"

4.7K 84 23
                                    


Una sa lahat, ako'y bumabati ng magandang araw, lalo na sa mga kabataan. Sapagkat ang tema ng aking talumpati ay tungkol sa kabataan na kung saan sinasabing "pag-asa ng bayan" ngunit nasaan na ang ating mga kabataan? sila'y ibang-iba kung ikukumpara noon.

Kabataang sinasabi nilang pag-asa ng ating inang bayan. Kabataang susi raw sa kapayapaan. Subalit parang ang lahat ng iyon ay haka-haka lang. Tuluyan na ba silang nasilaw ng teknolohiya? O di kaya'y mas pinipili pa ang tropa kaysa sa pamilya? Naging bato na ba ang mga kabataang mulat dapat sa katotohanan?

Ang ating mga kabataan ngayon ay sadyang mapupusok na sa mga gawaing illegal at halos mabibilang na lamang ang mga kabataan gumagawa ng mabuti. Dahilan sa ngayon ang kabataan, Kabataan na lulong sa bisyo gaya ng alak, sigarilyo pati na rin lalo ang mga ipinagbabawal na gamot. Ang masaklap pa rito, halos maging mga kababaihan ay nahuhumaling na rin sa ganitong bisyo.
Kaya paano pa natin masasabing ang Kabataan ay silang Pag-asa ng bayan kung pati kanilang sarili'y hindi nila kayang pahalagahan. Kaya nasaan na ang mga kabataan?

Sa kasalukuyan, ang buhay ng kabataa'y 'di ko inaasahan
Ang mga salitang pag-asa ng bayan?
Nabura na sa kanilang isipan.
Subalit meron rin namang nagpapaiwan
Yun nga lang walang kakayahan
na baguhin ang isip na nakasanayan.

Nakakalungkot isipin na napakaraming isyung panlipunan na tayong mga kabataan ang nagiging sanhi.
Maraming tamang desisyon na dapat sundin subalit pagkakamali ang iyong napili.
Mga kabataan ngayon na kaysa mag-aral ay inuuna pa ang gala at landi.
Pamilyang siyang gumagabay subalit tropa ang gustong makasabay.
"Nak mag-aral kang mabuti ha dahil edukasyon lang ang magiging pamana namin sayo balang araw at sanay huwag kang mawawalan ng pag-asa" karaniwang mga tugon ng mga magulang na magpakatino ka.
Subalit ang iba sa atin ay sumalungat sa agos.
Mas inuna mo pa ang sariling kasiyahan sa barkada kaysa ang magtapos.

Sana'y huwag tayong aabot sa puntong labis ang iyong pagsisisi. May pagkakataon ka pang ituwid ang iyong pagkakamali,
Sundin ang tama at isabuhay ang pagbabago datapwat maging maganda tayong modelo para sa susunod na henerasyon ng mga kabataan.

Tayo ang mamuno at ipakita na "Ang Kabataan ay ang Pagasa ng Bayan"

KABATAANWhere stories live. Discover now