******

60 3 1
                                    

AUTHOR:

Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang at gawa-gawa ng malawak na imahinasyon ng batang creator.Kung may pagkakahawig man sa pangalan,lugar,at mga pangyayari ay hindi sinasadyang maisulat sa istoryang ito...

(Yung mga grammatic error po at wrong typo's pagpasensyahan nyo po ,kayo na lang bahalang umintindi ..haha!Enjoy!..;)

*******

Isang malakas na hangin ang umagpas sa matataas na puno na nagmumula sa madilim na kalangitan ang dahilan ng paglayo ng mga maliliit na hayop mula sa lupa at himpapawid .Bumalot ang kadiliman sa buong paligid na nagmumula sa madilim na kalangitan ,.kasabay naman nito ang unti-unting pagpatak ng ulan sa nag-iinit na lupa..

Sa isang parte ng kalupaan makikita ang isang babaing naghahanap ng masisilungan upang makaraos sa dinadala nitong paghihirap mula sa kanyang sinapupunan..Unti-unting bumibigay ang katawan nito sa sobrang lamig na dala ng ulan hanggang sa may natanaw itong isang sinag ng ilaw na galing sa maliit na kubo ,ilang milya lang ang layo mula sa kinaroroonan nito..

Pinilit nang mga paa ng kawawang nilalang na makarating sa maliit na kubo upang mailigtas na rin ang nasa sinapupunan nito..Hanggang sa nakatuntong na ren ito sa mismong kahoy na hagdan ng maliit na kubo..

Sa luob ng maliit ng kubo makikita ang dalawang matanda na tahimik na natutulog sa sahig na kahoy..

"MAFIA DERE EVOLUTION"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon