Unknown Man

95 1 0
                                    

Taong 2003 ng swertihin ang kuya ko sa kanyang trabaho. Matagal tagal din kaming naghirap dahil sa naluging negosyo. Hindi naman naging madamot si kuya sa kanyang swerte. Kahit na pamilyado ay sinigurado nyang magiging maayos kaming mga kapatid niya lalo na kami ni papa.  Apat kaming magkakapatid at ako ang bunso. Inabot ng generation ko ang biglang pagkalugi ng negosyo kaya hindi ako nakapagtapos ng pag aaral. Siguro dahil na rin sa awa kaya pinupuno ako ng kuya ko ng mga materyal na bagay. Nagpapasalamat naman ako sa kanya sa kanyang hindi pagpapabaya.

 Nakapagpatayo siya ng bahay at nakabili ng isang condo unit (ginagawa niyang opisina). Madalas ay sa sala lang nila ako natutulog kapag andito ako sa kanila (minsan nandon ako sa ate namin) Minsan nag aalmusal kami ay sinabi nyang gusto niya na dumito na ko sa kanya. Nagpagawa siya ng 3rd floor para paglagyan ng dalawang kwarto. Isa sa mga kasama namin sa bahay at isa sakin. Tuwang-tuwa ako dahil sa pag aalaga sakin ng kapatid ko. Pero dahil sa ihinabol lang ang pagpapagawa nitong 3rd floor ay hindi siya naisama sa pagpapa-bless ng bahay. 

 Noon pa lang ginagawa itong bahay nila kuya ay marami ng nagpaparamdam at nagpapakita. Una na sa isang karpintero na aakyat sana sa 2nd floor pero napatigil siya dahil may lalaking nakaupo sa hagdan. Minukaan niya kung isa sa mga kasamahan niya ngunit hindi niya kilala ang lalaki. Sa pag akalang isang magnanakaw, tumalikod siya sandali para tawagin ang mga kasamahan niya. Pag harap niya ay wala na ang lalaking nakaupo. Imposible namang sa taas yun dumaan dahil wala namang ibang daan maliban sa hagdan. Pangalawa sa isa pang karpintero. Naglalagari siya ng mga kahoy na gagawing cabinets. Nilapag niya saglit ang lagari para magpunas ng pawis. Nang kukunin na nya para ituloy ang ginagawa ay biglang nawala ang lagari. Takang taka siya dahil wala namang ibang tao sa kanyang kinatatayuan. Madalas na nawawalan ng mga gamit ang mga karpintero sa kanilang pagtatrabaho at makikita na lamang nila yun sa lugar kung saan imposibleng mailagay ng isa sa kanila. Kagaya na lamang nung lagari. Nakita yun sa may ilalim ng lababo na nakabalot sa isang puting sando. Weird. Ang pinaka matindi ay ng patapos na ang bahay ni kuya. Dahil sa pina-polish na lang ang terrace ay dalawang karpintero na lang ang naiwan. Pababa na sana sila mula sa terrace ng mapansin nilang may isang batang lalaki ang nakaupo patalikod sa kanila at nakayuko. Nilapitan nila ito at tinanong kung anong ginagawa niya doon. Hindi sumagot ang bata. Hinawakan ng isa sa mga karpintero ang balikat ng bata pero laking gulat nila ng tumagos ang kamay sa balikat. Nagkatinginan ang dalawa at biglang nawala ang bata sa kanilang paningin.

 Mag iisang taon na ko dito sa bahay ni kuya. At ano ang aking mga naranasan at nararanasan?

1. Minsan nasa baba ako nag lalaro ng ps3. Nakita ko sa itaas na bumukas ang pinto ng kwarto nila kuya. Inaabangan ko kung sinong lalabas. Nakita ko na may gumapang papuntang cr. Inabangan ko. Wala. Umakyat ako. Sinilip ko ang cr pero walang tao.

2. Kumakain ako mag isa sa dining. Rinig ko ang mga yabag ng mga paa na pababa ng hagdan. Nilingon ko, wala namang tao.

3. Kumuha ako ng tubig sa ref. Pinatong ko sa bar ang tumbler kong puno ng tubig. Bumalik ako sa ref para kumuha ng chips ahoy. Pagkuha ko ng tumbler ko, magaan. Chineck ko, wala na yung tubig na sinalin ko.

4. First time nagpunta ng girlfriend ko sa bahay. Pinakilala ko siya sa lahat ng mga tao sa baba at pagkatapos ay umakyat kami sa kwarto ko. Tinanong nya ko kung bakit di ko daw siya pinakilala sa lalaking nakaupos sa may hagdan. Eh wala naman. Si kuya lang ang pinaka matandang lalaki dito sa bahay.

5. Nag ccomputer ako sa kwarto nila kuya. May kumatok. Binuksan ko pero walang tao. Bumalik ako sa pagccomputer. Kumatok ulit. Binuksan ko ulit pero wala pa ding tao. Oo nga pala, ako lang ang tao nun sa bahay kasi umalis silang lahat.

6. Paakyat ako sa 2nd floor. Nasa hagdan pa lang ako ng bumukas ang pinto ng kwarto nila kuya, walang tao. Biglang sumara ng napaka lakas. Parang galit yung kung sino man ang nagsara nun.

7. Naghuhugas ako ng mga pinggan sa kusina. May tumawag sakin. Sinilip ko, walang tao. Pagbalik ko sa kusina, may lalaking nakatalikod sa may kalan. Pano siya napunta dun ng di ko nakikita? Eh bago siya makarating dun, dadaanan niya ang pinto kung san ko sinilip yung tumawag sakin. Nagsisigaw ako sa takot at nagtatakbo palabas ng bahay.

8. Madalas akong nagigising sa madaling araw. Madalas ay sa pagitan ng 1am-3am. Nakakaamoy ako ng pabango ng lalaki. Sobrang lakas ng amoy ng pabango. Hanggang ngayon ay nararanasan ko pa din. 

 Hanggang sa kasalukuyan kong tinatype 'tong kwento ko, may sumisitsit sakin. At naaamoy ko yung pabango ng lalaki. Hiling ko lang sana wag siya magpakita sakin ng harapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unknown ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon