BACK TO DECEMBER PART II

83 0 0
                                    

P A R T   II

Inilipat si J-dhie sa Makati Branch kaya hindi na kami madalas magkita, pero kahit na ganon Masaya pa din ang aming relasyon. December ang month na hindi namen makakalimutan, sabi nga nya let’s go back to December all the time… I remember the Taylor Swift song…

At the office…

January 10

Boss: Mimhie, nakita mo ba yung mga file ng payment dun sa natapos na project sa tagaytay?

Mimhie: pina-ayos nyo po yun sakin, then binigay ko na po sa inyo.

Boss: yun nga din ang alam ko eh, teka sandali at tatawagan ko si Partner.

……….

Makalipas ang ilang minuto…

Boss: Mimhie…

Mimhie: yes Sir..

Boss: nasa Makati Branch pala, maari bang puntahan mo dun? Kailangan ko kasi yun ngayon eh.

Mimhie: pero Sir… may mga files pa akong hindi pa natatapos eh.

Boss: bukas mo na lang ituloy yun, kailangan ko lang talaga yun ngayon na.

Mimhie: ah sige po..

Ipinagpilitan ni Sir yung gusto nya… pero ok lang sakin yun, makikita ko naman si J-dhie eh.

Nang ako’y makarating…

Partnership: oh Mimhie, kamusta ang Company?

Mimhie: ok naman Sir…masyado ng busy simula kasi nung matapos yung project andaming stocks na dapat isa-isahing isaayos, nakakapagod nga po eh, kaya madalas kaming nag oover time.

Partnership: naku! Ganun din dito. Oo nga pala, may nabalitaan ako sa inyo ni J-dhie ah, nagkadevelopan pala kayo nung pagsamahin namen kayo ni Partner.

Mimhie: pero matagal na naman po kaming magkakilala nung mokong na yun.

Partnership: ganon? Oo nga pala hindi mo ba sya dadalawin? Naka-confine sya ngayon ah one week na kasing nilalagnat, eh binabalewala nya kaya ah yun binigyan ko ng live.

Mimhie: ganun po ba? Naku! Paano tong mga files?

Partnership: iuutos ko na lang sa secretary ko, sige na baka gumaling sya kapag dinalaw mo.

Nag-iisip ako kung anong idadahilan nya sa akin kung bakit hindi nya sinabi saken na meron syang sakit, kaya pala hindi nya ko tinetext.

At the Hospital

Pagsilip ko sa salamin ng kanyang pintuan, naninikip yung dibdib ko bakit may kasama syang babae don? At sobrang inaasikaso pa sya nito. Dahan-dahan akong kumatok. At pinagbuksan ako ng babaeng kasama nya.

Girl: hello maari ko bang malaman ang pangalan mo?

Mimhie: mimhie ang pangalan ko,.

Girl: ah ikaw pala si Mimhie, ako naman si Ella, kaibigan ako ni J-dhie, tinawagan nya ko para bantayan sya. Nakatulog na sya ulit. Sige bibili lang akong pagkain sa canteen ikaw na munang bahala sa kanya.

Bakit ganon na lang yung nararamdaman ko? Mabuti pa yung kaibigan nyang si Ella sinabihan nyang alagaan sya pero ako hindi. Bakit? Bakit?

Makalipas ang ilang oras… nakatulog ako sa pag-iintay na magising sya.

J-dhie: Mhie…Mhie…

… at nagising ako sa kanyang tawag.

Mimhie: kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Bakit hindi mo ako tinawagan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BACK TO DECEMBER PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon