♥ Ten ♥

31 1 0
                                    

Suddenly.

  Thursday, tanghali na akong nakaalis ng condo dahil wala akong masyadong tulog. Kating-kati na ako makaalis na bahay. Ilang araw na akong ganito. Parang simula kasi ng mapunta 'yung babae sa bahay hindi ko na maiwasang hindi siya maimagine. Una, nakaupo sa kitchen ko at kumakain ng hotdog. Pangalawa, nanonood ng pelikula sa salas ko at pangatlo, natutulog sa tabi ko habang nakadantay ang mga paa nito sakin. Tss. Ano bang nangyayari sakin?

"Good Afternoon Sir Kellan." Sabi ni Dee, receptionist namin. "Parang kulang po tayo sa tulog ahh." napansin niya? sa bagay, medyo naduduling na din ako sa antok ngayon.

"Anong schedule namin ngayon?" Tanong ko dito.

"Sir? bukas na po 'yung wedding sa Subic." nagtataka itong nakatingin sakin

"Anak ng! Nakalimutan ko. Oo nga pala! Teka.. paki tawagan nga si Luc."

"Sige po sir."

"Teka, si Jude ba nandito na?"

"Opo sir, maaga po niya kinuha 'yung mga gamit dito.. kasama nga po niya kapatid niyo eh." Talagang si Kendra pa sumundo? tss. Porke alam nilang ok na sakin at talagang payag na ako, naku talaga. "Sir, on the way na daw po si sir Luc sa condo mo, aalis daw po kayo ng 5pm."

"Ok, Thank you Dee." 

Umuwi na din agad ako para makapag-ayos ng gamit. Nawala sa loob ko 'yung wedding bukas sa Subic. Ngayon lang nangyari sakin to. Damn.. 

***

  On the way na ako.. ay hindi, kami pala dahil may tatlong asungot akong kasama sa sasakyan ko. Ang tatamad magdrive ng sarili nilang sasakyan. Ako pa ginawang driver? Tsk. Ah, pwera na lang pala kay Jude. Si Jude.. Mukhang matatagalan pa siya bago makapagdrive uli. Last year kasi may nangyaring hindi namin lahat inasahan. Sa bagay, 'trahedya' nga eh kaya hindi inaasahan. Trahedya na nagpaliit sa mundo ni Jude. 

  Matapos namin magcheck in, dumaretso na ako agad sa suite habang si Luc naiwan sa lobby dahil may meeting daw sila nung wedding planner. 'Pag mga ganong usapan, asahan mong si Luc ang gumagawa nun dahil magaling siyang makipagusap, hindi katulad ko nasasabihan pa akong suplado at arogante.

  Last month nandito din kami dahil sa prenup photoshoot ng ikakasal bukas. Ang ganda talaga ng disenyo ng lugar na ito, may lighthouse pa, ito ang main attraction ng resort bukod sa magandang beach. Maliwanag ang paligid nito, elegante at talagang mararamdaman mong nagbabakasyon ka pero naalala ko, hindi kami pumunta dito para magbakasyon. Sakto din dahil may meeting si Kendra dito para sa project na gagawin niya kaya pala sumabay na din siya. Wow, ang kapatid ko may sariling career na talaga, hindi 'yung dating maliit na bata na tumatakbo sa buong bahay na nakaunderwear lang. Nakakaproud lang na ganito ang narating na kapatid ko.

  Pagpasok ko sa kwarto.. may dalawang single size bed, 42" colored LCD TV, DVD/MP3 player at kung ano pa. Napakadami kung sasabihin ko pa isa-isa. Kumpleto dito. May mini bar pa at floating tub. Mga pauso ng mga tao ngayon eh no? 

***

Friday.. Wedding day.  

  Tapos na namin ivideo at picturan ang venue, gown ng bride, bawat disenyo ng lugar, lamesa, altar, ang mga taong imbitado at kung anu-ano pa. Hanga ako sa wedding planner na kinuha nila at base sa mga disenyo at style ng wedding, kilala ko na kung sino siya. Dalawang beses ko pa lang siyang nakakasama at alam ko na ang mga disenyo niya dahil napaka unique ng idea nito. Hindi katulad ng iba. Ngayon, kakatapos ko naman kuhanan ang groom kaya papunta na ako sa kwarto ng bride. Bawat pagkuha ko ng litrato dapat ay detalyado. Click click click. Tunog na patuloy na nagbibigay ng ligaya sakin. Click click click.. 'Yan ang paborito ko pero sa totoo lang, nakakapagod din ang ganitong trabaho pero masaya ako at mahal ko kung anong ginagawa ko.

  Nasa kalagitnaan na ang kasal. Wala akong ginawa kundi pumindot ng pumindot sa aking camera habang si Jude naman ay paikot ikot para sa video ganon din naman si Luc. Tatlong taon na kaming ganito at masaya ako. Nagsimula ng magsalita ang priest na ang kahulugan ay ganap na silang magasawa. Nagfocus ako sa paglalapit ng mga labi nila at pagkatapos ay kinuhanan ko na din ang ibang pang tao. Paikot ikot ako, hilo at ngalay na ang binti at mga braso ko pero hindi pa din ito naging hadlang para masaktuhan ko ang mga masasayang expression ng dalawang taong nagsumpaan ngayong hapon.

  Tapos na ang seremonya at mga pagkuha ng litrato ng bawat pamilya kasama ang bagong kasal. Naglalakad na sila, magkahawak ang mga kamay at masayang tumatawa. Walang humpay ang pag click ng camera ko pero napatigil ako ng biglang kong naifocus ang lente ng camera ko sa gawing kaliwa ko.. Huh? Hindi. Hindi maaari. Pati ba naman dito ay sinusundan pa din ako ng imahinasyon ko? Hindi, dala lang siguro ng gutom at pagod 'to. Napansin naman ako ni Luc kaya siniko ako nito. Unang beses ko pa lang nagkaganito na nawala ang focus ng lente ng camera ko sa bagong kasal at sa mga taong nakapaligid dito. Kahit na ba ilang segundo lang ito nangyari, ilang masasayang pagkakataon din ang nawala. Lumingon uli ako kung saan ko siya nakita.. pero wala na siya. Tama, imahinasyon ko lang.

***

  Matapos ang reception, kumain na kami nila Luc. Isa-isa ng nagsisi-alisan ang ibang tao. Ang bagong kasal ay umalis na para sa flight nila para sa honeymoon. May bigla naman tumapik sa braso namin ni Luc. "Hello. Good Evening, kayo 'yung JKL team right?" tumango naman kami at napatigil sa pagkain. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, pero available pa ba kayo bukas ng gabi?" Nakangiting tanong nito.

  Tumayo na si Luc para makipag-usap sa lalaking naka polo shirt na blue, black slacks at naka converse. Ilang minuto sila nag-usap at may lumapit na din sa kanilang babae. Tama ako ng hula kung sino ang wedding planner. Siya nga 'yon. Isa sa magagaling sa buong asya. Nagtatawanan na sila at mukhang hindi na business ang pinaguusapan. Maya-maya umalis na ang lalaki at babae at pabalik na si Luc sa table namin.

  Napagalaman kong sikat na business man pala 'yung kumausap samin kanina. At kinuha niya kami para sa pagbubukas ng bagong restaurant niya bukas hindi kalayuan dito. At ng tinanong ko kung magkano.. lumuwa ata mata ni Jude ng marinig niya. Hindi ko na sasabihin kung magkano, pero heaven ang feeling na makatanggap ng ganon kalaking deal bukod sa mga nakaready na suite para samin. Naisip ko, anong gagawin namin bukas para bayadan ng ganitong kalaking halaga? Naalala ko ang mga katagang sinabi ng lalaki kay Luc bago sila maghiwalay.

“Photography helps people to see.”

Miracle on Table No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon