Kabanata 11

971 17 0
                                    

Apat na oras na ang lumipas pero nandito parin ako sa loob ng gym. Kanina pa ako sumisigaw dito hanggang sa mamaos na yung boses ko.

Nakakapagtaka naman. Imposibleng wala man lang kahit isa ang nakapansin na nandito ako sa loob.

"Sana balikan niya ako dito." bulong ko sa sarili ko

Napaupo nalang ako sa gilid ng pinto sabay lapag ng bag ko tapos ngumiti ako ng mapakla.

"Ang tanga mo Ran. Ang tanga mo kung aasa ka pang babalikan ka niya."

Napabuntong hininga nalang ako. May pag-asa na sana ako kanina para makalabas dito eh kaso hindi pumayag si tadhana. Biglang namatay yung phone ko.

Sabi nga nila, "Everything happens for a reason". Pero hanggang ngayon, hindi ko parin mawari ang dahilan.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng gym hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang anino .

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga.

Multo ba yun? Imposible. Imposible namang may multo  dito diba?

Agad akong tumayo para sundan yung anino na nakita ko sa itaas na parte nung gym. Nung makaakyat na ako, agad kong hinanap kung sino yun. Alam kong hindi ako namamalikmata. Alam kong tao yung nakita ko.

"Hello? Sino ka?" parang tanga akong sumisigaw habang sumisilip silip sa iba't ibang sulok

"Magpakita ka saken! Hindi ka rin ba makalabas? Magtulungan nalang tayo oh!?" sigaw ko hanggang sa may naramdaman akong presensya sa likuran ko

Humarap ako sa kanya kaya nakita ko siyang nag evil grin. Gusto kong humakbang paatras at tumakbo palayo sa kanya. Nakakatakot ang mukha niya. Sunog ang kalahati nito pati na ang leeg niya.

"Ang ganda mo parin pala hanggang ngayon, Ran. Hindi ka nakakasawang panoorin." malamig niyang sambit habang nakangiti parin

Ngiting puno ng pagnanasa, paghihiganti, poot at galit.

Biglang tumayo ang mga balahibo ko. Hinahabol ko narin ang hininga ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang unti-unti siyang humakbang papalapit saken. May kung anong tensyon sa aura niya.

Namumuo narin ang mga luha ko sa mata. Sana may dumating para iligtas ako mula sa kanya.

Sa tagal ng panahon, bakit bumalik pa siya?

Flashback

"Pakiusap Dylan, layuan mo na ako. Kalimutan mo na ako. Mahal ko si Kent at wala ka ng magagawa dun. I'm sorry. Sorry kung umasa ka. Sorry." umiiyak na paliwanag ko sa kanya

"Ran, hindi ako papayag! Ganun nalang ba kadali sayo na itapon lahat ng sakripisyo ko?! Ganun nalang ba yun sayo!?" mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko

"A..aray Dylan. N-nasasaktan ako." nagpatuloy parin ako sa pag iyak

Matagal na siyang nanliligaw saken. Hindi ko naman talaga akalain na mauuwi sa ligawan ang pagkakaibigan namin. Pinapangiti at pinapatawa niya ako. Lahat ginagawa niya para mapasaya lang ako pero ang nararamdaman ko para sa kanya ay hanggang kaibigan lang.

"Ran, sabihin mo saken kung ano ang dapat kong gawin mapasaken ka lang. Gagawin ko kahit ano, sabihin mo lang saken!" bigla niya akong tinulak sa pader at dun mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa braso ko

"Ano ba, Dylan? Tumigik ka na please! Wala ka ng dapat gawin dahil nakapili na ako kaya pakiusap, itigil mo na to!" patuloy parin ang pag iyak ko

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon