CHAPTER 9.

44 2 0
                                    

HABANG patuloy ang seremonya sa loob ng bakeshop ay patuloy rin ang mainit na tensyon dito sa labas.

"Sumama ka sa'kin, Althea! Ilalayo kita sa kanila! Hinding hindi kita sasaktan!" Muling inilahad ni Tristan ang kamay niya sa'kin. Napaatras naman ako.

"Althea please h'wag mo akong iwan mag isa tulad nang pag iwan ko sa'yo noon. Alam kong nagkamali ako pero hindi na kita iiwanan ulit!" mariing sabi naman ni Vince nang tingnan ko siya. Nalilito ako. Parehas ko silang mahal bilang kaibigan at ayokong makasakit ng nararamdaman. Ayokong paasahin sila sa isang bagay na hindi naman ako sigurado. Ayokong mamili sa kanila.

Wala akong pinili sa kanila at pumasok ako sa loob ng bakeshop and cafe upang saksihan ang kaganapan sa loob. Sinundan naman ako ni Sandy.

Nakikita ko mula sa malayo ang kinauupuan nina Yohan at Ms. Eunice. Natatanaw ko rin sa katabing upuan nila si Mr. Azores at mga magulang naman ni Ms. Eunice.

Huli na ako.

***

YOHAN'S POV.

"My dad has something good news for you, Yohan!" bulong ni Eunice sa aking tabi habang abala ako sa pagbabasa ng kontrata sa pagitan ng ACC at LEE Company. Narito rin si Mr. Delgado para saksihan ang pagpirma ko sa kanilang kondisyon na pakasalan ko ang nag iisang tagapagmana ng Lee Family.

Wala na talaga akong lusot sa gusot na aking plinano nu'ng una pa lamang. Habang ang mga media naman ay abala sa pagkuha ng mahahalagang litrato na ipu-publish nila kinabukasan.

"Hindi n'yo itutuloy ang partnership kung aatras ako sa kasalan?" Nagdabog ako nang mabasa ko ito.

"Yohan!" gulantang ni Dad. Pinipigilan niya ako na gumawa ng malaking gulo dahil naka-live broadcast ito ngayon. Ano man ang aking sabihin ay siguradong saksi ang buong mundo.

"Kalahit na ng kontrata ang napirmahan ko, hindi pa ba sapat na pakakasalan ko ang anak n'yo?" kunoo't noo ko pa.

"Hindi sapat na dahilan ang pagpirma mo sa kontrata para panindigan mo ang anak ko? Paano na lang kung magdalawang isip ka at pagkatapos ng kasal ay hiwalayan mo agad ang anak namin!" paliwanag ni Mr. Lee.

Pinipigilan kong magalit sa sitwasyon na ito dahil ayokong mapahiya si Dad ngunit paano na ang kalayaan ko?

Napapaikom ang kamao ko dahil sa napipigilan na galit. Napatingin ako sa counter area ng bakeshop. Naroon si Althea, nakatingin lang sa'kin. Dahil sa liwanag ng maraming ilaw ng camera ay hindi ko mapagmasdan masyado ang pagmumukha niya.

Kung alam kong malulugmok ako sa ganito dahil nagkamali ako ng desisyon ay sana siya na lamang ang pinanindigan ko.

"Tapusin na natin ito, Yohan. Okay?" paghila sa'kin ni Eunice. Tinabig ko ang kamay niya at kusa akong naupo.

"Hindi ko akalain na sasakalin mo ako ng ganito!" matigas kong usal sa kaniya. Hinila ko pababa ang necktie ko upang lumuwag ang paghinga ko. Binuksan ko rin ang botones ng aking polo habang sinasabayan ko ito ng pagngangalit.

Galit ako. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hinayaan ko na malagay ako sa sitwasyong ito.

PAGKALIPAS pa ng ilang minuto ay natapos na ang pirmahan ng kontrata. Labag sa loob ko ang ilan kondisyon na nakapaloob sa kontrata ngunit sa kaligayahan ng aking ama ay ginawa ko ang sa tingin nila ay tama.

Nagpabihag ako sa isang kadenang hindi ko alam kung makakalaya pa ba ako.

"Bigyan natin ng isang masigabong palakpakan ang nalalapit na pag iisang dibdib nina Ms. Eunice Lee and Mr. Yohan Azores and to successfully partnership with the both companies!" ang sabi ng half brother ko na si Kuya Gabriel. Siya ang saksi sa lahat ng paghihirap ko ngayong gabi ngunit nagagawa pa niyang tumawa. Kung sa bagay, ito ang pinaka hinihintay niya.

Ang mawalan siya ng kahati sa atensyon ni Dad.

Tumahimik ang lahat sa isang matinis na sigaw mula sa kinaroroonan ni Althea.

"Yohan!" sigaw niya kung kaya't nagtaka ako. Napukaw ang atensyon ng lahat sa kaniya.

"Hindi ako makapapayag na gawin mo sa'kin ito!" pag iiyak na sabi niya mula sa counter. Lumabas siya doon at unti unting lumapit sa kinatatayuan ko.

"What are you doing?" Tumataas na kilay ni Eunice.

Ayoko siyang pagkaguluhan ng lahat kaya nilapitan ko na siya.

"Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?" sigaw ni Dad.

"Sino ba ang babaeng iyan?" tanong naman ni Mr. Lee.

"Hindi mo ako pweding pabayaan, Yohan!" pagsusumamo niyang sabi.

Matigas ang puso ko pagdating sa kaniya. Ilan beses ko na siyang ipinagtatabuyan ngunit ngayon lang ako kinabahan sa ibig sabihin niya.

"Buntis ako!" Ikinagulat ko ang sinabi niya.

Lahat ng camera ay kani-kanilang pagkuha ng litrato at video upang saksihan ang sinabi ni Althea.

"A-ano?" nalilitong tanong ko at hindi ko malaman kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Buntis ako, Yohan! Magiging ama ka na kaya hindi ako papayag na mapakasal ka sa kaniya!" Itinuro pa niya si Eunice.

"Totoo ba ang sinasabi mo hija?" tanong ni Dad.

"D-Dad.. Let me.." Hindi ko maituloy tuloy na sasabihin ko.

Biglang nawalan na ng malay si Althea, mabuti na lamang at nasalo ko siya. Pinagkaguluhan kami ng mga media kaya nagpatulong ako sa aking mga guards upang ideretso sa hospital si Althea.

To be Continued.

A/N: Oh teka, wait lang.. Baka uminit na naman ang ulo nyo d'yan. Chill, relax and seat back. Hayaan nyo muna magpaka b0bols si Althea sa pag ibig. Minsan lang naman.😂

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon