CHAPTER 10.

41 1 0
                                    

ALTHEA'S POV.

PATAWARIN nila ako sa pagkadesperada ko ngayon pero ito lang ang alas ko. Wala akong ibang maisip na paraan para makuha ko siya.

"Althea!" Naramdaman ko ang tigasing mga bisig ni Yohan. Sinalo niya ako mula sa aking pagpapanggap na nawalan ako ng malay.

Naging malakas ang usapan ng lahat at tumining sa aking tainga ang nasabi ko. Parang tumigil ang mundo ko sa pagkagulat nila. Kailangan ko ng ibedensya pero saan ako hahanap.

Bahala na.

"Nahimatay ang babae! Tumawag kayo ng emergency!" naririnig kong sigawan ng mga tao. Hindi ko namalayan na nagdaretso ang pagdilim ng paligid ko. Natuluyan na yata ako.

Hindi ko na nalaman pa kung ano ang sumunod na nangyari. Nagising na lang ako sa pamilyar na amoy ng isang Doctor.

"Gising na siya!" Sarkastiko ang tinig niya. Alam kong isang malaking kahihiyan ang ginawa ko pero hindi ko kayang makita si Yohan na nasa piling ng iba. Ako lang dapat ang para sa kaniya.

Nakaiinis man isipin ngunit, ito ang sa palagay ko na tamang gawin. Hindi pa rin naman kumpirmado kung may nangyari sa'min ngunit isinasa-isip at sa puso ko na iyon.

"Althea!" Niyakap agad ako ni Sandy.

Pumaligid bigla sa'kin ang lahat ng taong naroroon. Isa na sa kanila si Yohan. Halata sa pagmumukha niya na disappointed siya. Matatawang-hindi si Red at hindi ko iyon maipaliwanag. Hindi siguro sila kumbinsido sa sinabi ko.

Natuloy ba 'yung engagement nila ni Ms. Eunice? Nanalo ba ako sa ipinaglalaban ko?

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Kahit nagagalit ang tinig niya ay nararamdaman ko ang kakaibang pag aalala niya. Nahuli ko na ang kahinaan niya.

Ako at ako pa rin ang nagwagi kaya't tuloy ang plano ko sa kaniya.

"O-okay naman ako, medyo sumasakit lang ang ulo at puson ko!" Totoo nga na masakit ang ulo ko. Nag uumpisa pa lamang ako sa mga balak ko ngunit kinakarma na agad ako.

"Ako na ang bahala sa kaniya! Simpleng untog lang ang nararamdaman niya!" paliwanag ni Tristan.

"Masakit talaga e! Dito oh!" Pilit kong itinuturo ang puson at sintido ko habang sinasamaan na ako ng tingin nina Tristan at Sandy.

"Gawin mo ang lahat para sa ikabubuti ng baby namin, Tristan!" mahigpit na bilin niya sa best friend ko bago sila tuluyang lumabas nina Vince at Red.

Hindi maipinta ang pagmumukha ng dalawa kong kaibigan. Kulang na lang ay matunaw na ako sa sobrang init ng kanilang mga tingin.

"Ano na naman ba itong pinasok mo Althea?" gigil na tanong ni Tristan.

"Sa malamang, nawala na ng tuluyan sa katinuan ang kaibigan natin!" umiiling na sabi ni Sandy.

"Seryoso? Papayag ka na pakisamahan ka ng Yohan na iyun dahil kunwari buntis ka?" singhal pa niya.

"Hindi naman niya malalaman kung hindi n'yo ako ilalaglag!" sabi ko pa.

"Kung hindi lang ako nanghihinayang sa ilan taon nating pagkakaibigan baka matagal na kitang pinabayaan sa kag*g*han mo! Anong pumasok diyan sa kokoti mo para magpanggap kang buntis sa harap ng maraming tao, makuha mo lang ang atensyon ng Yohan na iyon? Hindi ka na ba talaga nahihiya sa sarili mo? Hindi ka na ba talaga nag iisip ng matino? Pagkatapos ng kalokohan mong ito, anong susunod na gagawin mo?" sunod sunod na sermon niya sa'kin.

"Paninindigan ko na ito!" tanging tugon ko.

"Kukuha ka ba ng sanggol sa bahay ampunan at sasabihin mo sa kaniya na nanganak ka na?" seryosong tanong niya.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon