CHAPTER 13.

49 2 0
                                    

TRISTAN'S POV.

SA TAGAL NANG PANAHON na magkakilala kami ni Althea, minsan ko na naisip kung saan siya ipinanganak at sino ang mga magulang niya. Kaya pagkarating ko sa aking pet clinic, sa ibaba lang ng aking bahay ay sina Molly at Aspin ang agad kong hinanap para pakainin. Ilang minuto lang iyon at dumaretso ako sa aking laptop. Gusto kong mahanap ang pagkakakilanlan ni Althea.

I need to do something dahil baka sa pagmamahal ng magulang ang kailangan ni Althea para tumuwid ang kaniyang mga desisyon. Ayoko siyang malugmok sa sitwasyon na wala siyang kasiguraduhan.

"Althea Gonzalez, taga-saan ka ba talaga?" Searchers not found. Kahit google ay hindi rin gumana. Walang kahit na anong website ang makapagpapaliwanag sa aking paghahanap. Blanko ang impormasyon tungkol sa kaniya.

Gusto ko siyang tanungin noon pa man ngunit napangungunahan ako ng kaba dahil pinaka-ayaw niya na mapag uusapan ang tungkol sa kaniyang nakaraan. Solid ang pagkakaibigan namin ngunit hindi siya gaanong madaldal tulad ni Sandy na halos buong buhay niya ay alam ko na.

"Nababaliw na ako sa iyo, Althea!" saad ko sa harap ng laptop.

Biglang may nagdoorbell. Wala naman akong inaasahan na bisita kaya binuksan ko na ang pinto.

"Althea you're here?" Pagtataka ko dahil narito siya.

"Papasok nga!" Nilampasan niya ako. Makikita na sana niya ang ginagawa ko sa laptop, mabuti na lang at naisarado ko agad. Ayokong malaman niya na hinahanap ko ang tunay niyang mga magulang o kahit pa ang pinanggalingan niya.

"Naligaw ka yata?" Taas-kilay ko sa kaniya.

"Magpapacheck up ako sa'yo!" sabi niya na tinawanan ko naman.

"Kailan ka pa nagbubuntis ng isang Aso? Hindi ako na-inform na kapatid pala ni Molly ang magiging anak n'yo ni Yohan? Kung sa bagay hindi nalalayo ang mukha ni Mr. Azores sa mga alagang aso ko." Pinagtawanan ko talaga siya.

"Tristan naman!" usal niya na mukhang seryoso sa kaniyang pagsisinungaling.

"Can't you see, i'm busy at saka pet clinic ito at hindi hospital. Di'ba naka-admit ka pa sa hospital kanina? Don't tell me, iniwan ka na naman sa ere ni Mr. Azores?" matigas kong tanong sa kaniya.

"Ang sabi niya babalik siya at pupuntahan ako ni Vince doon pero ang tagal ko na naghihintay, wala pa rin ni-isa sa kanilang dalawa ang dumadating kaya umalis muna ako." Pagmumukmuk niya sa gilid.

"I told you, walang matino sa mga lalaking pinipili mong makasama. Kahit pa si Vince Teodoro, hindi siya matino! Alam mo bang nakita ko siya sa bakeshop niya na may kasamang sugar mommy! Busy siya na makipag date sa matandang babae at si Mr. Azores, i'm sure napagagalitan na 'yon ng Dad niya dahil sa ginawa mo!" gigil na paliwanag ko sa kaniya. "Ako na nga lang ang laging narito para sa'yo, binabalewala mo pa. Naaalala mo lang ako kapag may kailangan ka." mariin ko pang hirit.

"Ano'ng sabi mo?" kuno't-noo niyang tanong sa'kin, hindi niya siguro narinig ang sinabi ko o sadyang nagta-taingang kawali na lang siya.

"What i'm saying is, naiisip mo ba man lang kung ano ang magiging consequences nang ginagawa mong pagsisinungaling sa kanila? Mabilis na ang karma ngayon!" sermon kong sabi sa kaniya.

"Alam ko pero si Yohan kasi ang kahinaan ko, kaunting oras na mawala siya sa paningin ko parang m*matay na ako." paulit-ulit niyang paliwanag na lagi ko na rin kinaiinisan.

"Hindi ba talaga kita mapipilit na itigil  'yang kasinungalingan mo?" Nag uumpisa na naman ako upang sermonan siya.

"What if kung kami talaga sa isa't isa tapos magiging future wife niya ako!"

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon