“Thank you for accepting our invitation to have lunch with us,” ani Nikki. Tuwang-tuwa ito na makita si Rose at Aki rito sa kitchen sa first floor. Located ito sa may left wing ng bahay kung saan may malalawak na sliding door sa gilid na gawa sa clear glass. Mula rin doon ay kita ang mga nahuhulog na dahon ng mahogany sa bakurang luntian, palatandaan na iilang linggo na nga lang talaga ang kakainin ng haring araw ay sasapit na ang taginit.
“You know, it’s valentines day today kaya alam niyo na, masarap mag-celebrate together with friends…” masiglang dagdag ni Nikki, nginitian lang siya ng asawa nitong si Helix na ngayon ay nagsisimula nang maglagay ng kanin at sinigang na baboy sa sarili nitong plato. Tinapik niya ang kanyang asawa dahil tila nawalan ito ng manners. Pinandilatan lang siya nito.
“Oh my god!” biglang anas ni Rose, napatingin si Nikki at Helix sa kanya.
Natawa lamang si Aki sa reaksyon ni Rose. She seems to have forgotten it.
“Excuse me, pero anong mayroon?” ani ulit ni Nikki. Kinabahang bigla’t baka may nasabi siyang nakapag-trigger na naman kay Rose. Kaninang umaga, simpleng biniro niya ito ng mga bagay na putungkol sa sex at agad itong nag-walk out. Like Aki and Rose, Nikki and Helix wants to live peacefully too kaya ngayon ay maingat na si Nikki sa bunganga niya. She don’t want to offend this girl again.
Kagaya ni Aki ay natawa lang din si Rose. Nagkatinginan silang dalawa and then, naghalikan. Napalunok is Nikki nang malaking laway sa nakita. Helix stopped from eating though.
“I’m sorry,” paghihingi ng paumanhin ni Rose. “We just… I mean, I just have forgotten that it’s actually our eight anniversary today,” dagdag nito.
Napanganga si Nikki. Kung maka-omy gosh naman ‘tong babaeng ito, wagas! E sila nga ni Helix, nakalimutan na kung kailan ba sila ikinasal. Kalaloka.
They didn’t exactly remember the date of their mirrage. Lito rin sila kung anong buwan iyun.
“Kailan ba ‘yung anniversary natin?” pabulong na tanong ni Helix sa kanya.
“Sssh! Hindi ko rin alam!” pabulong ding sagot ni Nikki. Tangina, kailan ba kasi ‘yun?
BINABASA MO ANG
When Our Wives Are Not Around (Set A)
General FictionAki is completely aware that he is in love with Rose. Malimit lang na may nangyayari sa kanila ngunit kahit wala iyun ay sigurado siya sa nararamdaman niya rito. Not until they move to another apartment at nakilala niya si Helix na gaya niya ay may...