1

11 0 0
                                    

"Kahit kailan talaga ang tigas parin ng ulo mo, Leigh!" Bigla akong napangiwi sa galit na sigaw ni daddy. Dumagundong ang boses nito sa loob ng aming mansyon. Nahuli nila akong pumupuslit papasok ng bahay. Madaling araw na kasi akong nakauwi galing sa party. Well, nasanay naman din ako sa ganito eh. Paulit-ulit nalang ang sermon. Humarap na 'ko para matapos na. Pagod na pagod na 'ko eh.

"I-I...I--"

"Save your explanations, Leigh." Napatingin ako kay mommy na pababa ng hagdan. I frowned. Noon, hinahayaan lang niya akong pumasok sa loob ng kwarto ko para mapakalma si daddy. She's shaking her head pa.

"Mom!" I looked at her with my pleading eyes.

"Kahit kailang ay hindi ka parin nagtatanda! Oh my God! What am I going to do with you now." Napahawak pa si mommy sa kanyang sentinido habang si daddy ay nakatingin parin nang masama sa akin.

"Sorry," I said. Yumuko ako at muling iniangat ang ulo. "Okay..." bumagsak ang aking balikat.

"I'm sorry okay? Hindi ko na uulitin. Now, can I go to my room? I wanna sleep." Naghikab ako. Nakita ko ang disappointment sa mga mata ng aking mga magulang. Oh well, lagi ko naman iyong sinasabi pero in the end, sinusuway ko parin. That's how Leigh Myranda Chen  lives! Ayokong nagkukulong sa bahay! I wanna seek the world, gusto kong lumabas. Makipagsocialize sa ibang tao. Bakit ba galit na galit sila dun? Gusto kong isigaw.

"Leigh, you're grounded," sabi ni daddy pagkatapos ay bumuntong-hininga. Mukhang pinal na iyon.

"Okay," I answered in defeat.

Like that would happen.

Alam ko namang hindi rin ako matitiis ng mga magulang ko eh. Just like the last time.

Pagkatapos ay pumasok na 'ko sa kwarto at dali-daling sumubsob sa kama. Pabagsak kong inihulog ang heels na suot at dumapa ulit habang sinisinghot ang aking unan. May pasok pa ako bukas at kailangan ko nang matulog.

Kinabukasan ay napangiti ako nang nakitang nandoon parin ang susi ng kotse ko, cellphone at wallet. So who's grounded now, eh?

"Sabi na nga ba," I whispered at nag-unat. Medyo kulang pa ako ng tulog pero ayos lang dahil tulog naman ako sa mga klase mamaya. Ang importante ay hindi kinuha ang susi ng kotse ko. Ayoko kayang magcommute! Ang hassle non! But I'm used to it anyway. Nagcucut kasi kami ng klase at minsan ay nagcocommute. It was fun. Pero kapag ako mag-isa ay hindi!

I did all my morning rituals. I was humming pa nga when I was combing my hair. Tiningnan ko ang aking sarili sa malaking vanity mirror bago napagdesisyunang bumaba na.

Pagkababa ko ay hindi ko nakita sina mommy at daddy.  Dumiretso ako sa kusina at kumagat sa toast. Kumuha din ako ng fresh milk sa refrigerator at ininom ito.

Palabas na ako ng bahay nang bigla akong harangin ni Manang Seria, ang mayordoma ng mansyon namin.

Napakunot ang noo ko.

"Bakit manang?" I asked.

What is she doing here ba?

"Susi mo Lei," at inilahad ang mga palad niya.

"Ha?" Mas lalong napakunot ang noo ko.

Why is she asking for my key?

"Sabi ng daddy mo na hindi mo gagamitin ang kotse mo, ihahatid at susunduin ka ni Kaloy." Manong Kaloy, our driver. What? Did I hear it right? Ihahatid ako? No, I can't go to school without my car!

"Manang, I can't! Pakisabi kay daddy na ayoko at hindi ko ibibigay ang susi ng kotse ko!"

"Pero Lei--"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Myranda ChenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon